BAKIT ANG AGANG UMUWI NI HUGO?
Dapat weekend pa ang uwi niya. Pero Friday night pa lang, narinig ko na ang kotse niya sa labas. Hindi kami nag-usap mula nang umalis siya noong nakaraang Martes. Hindi naman na niya kailangang magpanggap at tawagan ako para kumustahin, o i-update. Hindi niya na kailangang magpagod pa dahil nagkalinawan na kaming dalawa.
Nagkakaintindihan na kami kung ano talaga ang meron sa amin. Noong Martes ay inilipat ko na ang aking mga damit at ilang gamit patungo sa guestroom. Doon na ako natutulog.
Hindi naman nagtatanong si Hyde kung bakit palagi akong nasa guestroom dahil sinabi ko na doon na ang aking working room. Ang alam ng bata ay ginagabi ako sa pagtatrabaho at doon na nakakatulog. Hindi ko na rin pinapaakyat si Ate Lina sa second floor para walang mapansin ang ginang.
Pag-uwi ni Hugo ay sinalubong siya ni Hyde. Ginulo niya ang buhok ng bata. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti siya dahil kailangan. Hyde and Ate Lina were watching us, so of course, I had to smile too.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Pasimple naman akong lumayo. Nang wala na sa amin ang mga paningin ay sabay na naging pormal ang mga mata namin.
Nagbihis siya sa itaas bago kumain. Pagbaba niya ay seryoso ang kanyang ekspresyon. He didn't smile even when Hyde called him. Mukhang nakita niya nang wala na sa walk-in closet ng master bedroom ang mga gamit ko.
Walang kibo na kumain ako habang ramdam ko ang mga titig sa akin ni Hugo. Malamang na nanggigigil na siya sa asar pero wala siyang magawa. Hindi niya ako puwedeng sitahin dahil kasama namin sa mesa sina Hyde at Ate Lina.
Habang kumakain ay tinanong siya ni Hyde, "Daddy, can I sleep in your room again?"
Pag-angat ng paningin ko ay nakita ko ang pagngisi sa akin ni Hugo. "Yes, you can. Sa gitna ka ulit namin ng mommy mo."
Napangisi rin ako. "Sure, baby. Matulog ka na lang sa room namin, tatabi na lang ako sa inyo ng daddy mo pagkatapos ko sa work ko."
Napalis ang ngisi ni Hugo at nagtagis ang mga ngipin niya.
Napalabi naman si Hyde. "When are you going to finish working, Mommy? And why do you still have work tonight?"
Nginitian ko ang bata. "It's only Friday night, baby. May kailangang tapusin na rush work si Mommy kaya baka umagahin na ako sa guestroom."
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si Ate Lina na magligpit ng pinagkainan. Sina Hugo at Hyde ay nag-stay pa sa sala. Pagkatapos sa kusina ay nauna na ako sa itaas para gawin ang aking 'trabaho'.
I was not lying when I said to Hyde that I had work to finish tonight. Hindi nga lang ganoon karami. Ang plano ko ay gawin na rin ang files na dapat sa Monday ko pa gagawin. Gusto ko lang magpatay ng oras.
3:00 a.m. nang abutan na ako ng antok. Hindi kasi ako nakatulog noong tanghali kaya hindi ko na kinaya ang puyat. Napasandal ako sa sandalan ng desk chair para umidlip nang magtuloy-tuloy na ang tulog ko.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...