Chapter 8

66.4K 4.1K 2.6K
                                    

HE WAS NOT THAT BAD.


Hugo Emmanuel Aguilar was arrogant and foolish in his own way, but he was a nice guy.


Hindi ko pa sigurado na mabait talaga siya, pero sa ngayon ay masasabi kong 'oo'. Nakakaubos lang talaga siya madalas ng pasensiya.


Nangalumbaba ako sa armchair. Nasa room na ako. Katatapos lang ng lunch break. Monday ngayon at kahapon ako nanggaling kina Dessy. Inihatid ako ni Hugo pauwi.


Wala naman kaming naging pag-uusap. Basta inihatid niya ako sa mismong gilid ng subdivision kung saan ako nakatira. Hindi na siya nagtangka na ihatid ako hanggang sa loob dahil alam naman niya na hindi ako papayag. Nang hubarin ko ang helmet at ibalik sa kanya ay tinanguan niya lang ako. Hindi pa siya agad umalis at hinintay pa na makapasok ako hanggang sa gate.


Si Kuya Jordan lang ang nasa bahay pagkauwi ko. Hindi niya ako napansin dahil nasa banyo siya. Paglabas niya ay nakapagpalit na ako ng pambahay. Ang akala niya ay natulog lang ako sa kuwarto maghapon. Niyaya niya na akong maghapunan.


Nataon din na pag-alis ko pala ay kasunod ko lang na umalis din sina Mommy at Daddy. Gabi na sila umuwi kaya hindi rin nila alam na wala ako sa kuwarto. Nakokonsensiya ako pero may parte ko ang parang rebelde na masaya sa nangyari.


Kaninang umaga ay inagahan ko ang gising. Sinigurado ko na mauuna ako kay Kuya Jordan sa kusina. Ako ang naghanda ng almusal namin at mga baon. Maliit na bagay lang iyon, pero iyon lang ang naiisip ko na paraan para makabawi sa kanila kahit kaunti.


Napayukyok ako sa armchair. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Buhay na buhay ang dugo ko sa isiping nakaya kong magpagabi sa labas, sa bahay ng isang kaibigan kung saan maraming tambay at nagawa ko iyon na hindi alam sa amin. Ito ba iyong tinatawag na thrill?


Binatukan ko ang aking ulo. "Nababaliw ka na, Jill," kastigo ko sa sarili.


Ang titino ng pamilya ko, mga perpektong tao katulad kung paano kami i-describe ng karamihan. Ang parents ko na parehong teacher ay kilalang matitino, mababait at matatalino. Even my brother had no flaws. Ang sabi pa nga ng marami ay buena familia kami. Mataas ang tingin sa amin kaya para akong tumutulay sa alambre na bawal magkamali.


Babatukan ko ng isa pa ulit ang aking ulo nang may sumalo sa kamay ko. Gulat na napatingala ako. Isang lalaki na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa akin ang nakita ko. "H-Hugo...!"


Naupo siya sa upuan niya na katabi ng upuan ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala siya. "Bakit mo binabanatan sarili mo?"


Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "That's not what I—"


"Huling-huli ka sa akto, Herrera."


Lumabi lang ako at hindi na umimik. Kung siguro nang nakaraan ay baka sinamaan ko na siya ng tingin. Iba na ngayon ang sitwasyon dahil medyo nasanay na ako sa ugali niya. Hindi na rin ako masyadong naaasar kahit nambabara siya.


"May painom na naman pala si Donya Dessy sa Sabado."


"Anong okasyon?"

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon