Chapter 62

76.2K 4.4K 2K
                                    

HUGO WAS STILL OUTSIDE THE HOSPITAL ROOM.


Matapos naming mag-usap ay hindi na siya nagpakita. Nandoon lang siya sa labas. Umuuwi lang siya pag maliligo o kung may kukunin sa bahay, pero bumabalik siya agad.


Pangalawang araw na, ganoon pa rin ang routine niya. Nakatambay lang sa labas at doon natutulog sa upuan o kaya ay nakatalungko sa sahig malapit sa pinto. Pumapasok lang siya rito sa kuwarto kapag alam niyang tulog ako. Hindi niya tinatangka na pumasok kapag gising ako.


Ang bilin ng doktor ay bawal akong ma-stress. That was the reason why Hugo wasn't showing himself to me. He didn't want me to be stressed.


Pati ang mga tao sa paligid ko ay maingat sa pagkausap sa akin. Gusto man nilang mag-usisa sa nangyayari sa amin ni Hugo ay hindi nila puwedeng gawin.


Si Mommy Norma naman ay walang magawa kahit gusto akong komprontahin. Ibinubuhos na lang nito ang frustration sa anak. Pero kahit anong usisa nito kay Hugo ay hindi sumasagot ang lalaki.


Katulad ngayon, nauulinigan ko na naman ang pigil na galit na boses ni Mommy Norma mula sa labas. "Hugo, ano ba talaga ang nangyayari sa inyong mag-asawa?!"


Nakikinita ko na ito na hinahampas at kinukuwelyuhan si Hugo.


"Hugo, ano na ba talaga ang kasalanang ginawa mo? Bakit sa kanila uuwi ngayon si Jillian?! Sumagot kang bata ka!"


Sa lahat ay walang sagot si Hugo. Tinatanggap lang niya ang lahat ng sigaw, hampas, at sabunot ni Mommy Norma sa kanya.


I felt sorry for Mommy Norma. Napakabuti nito sa akin at kay Hyde. Ang tanging gusto lamang naman ng ginang ay isang pamilya para sa anak. But I was sorry because right now, I refused to prioritize other people's feelings over my own.


Sana maunawaan nila na hindi muna ngayon. Na ako muna sana ngayon. Kasi mas kailangan ko ngayon.


At na-appreciate ko na nauunawaan o pinili ni Hugo na unawain ang hiling ko.



HAPON. Iminulat ko ang aking mga mata dahil napapagod na akong magpanggap na natutulog. Ang sumalubong agad sa aking paningin ay ang napakaraming bulaklak sa paligid ng private hospital room na kinaroroonan ko.


Iilan lang ang bulaklak na galing sa mga bisita, halos karamihan ay galing kay Hugo. Wala man siya sa harapan ko, hindi naman siya pumapalya sa pagdadala ng mga bulaklak sa araw-araw. He had five different rose bouquets sent twice everyday. It was as if he was aiming to turn this room into a rose garden.


Hindi lang mga bulaklak kundi pati pagkain din pala ay nagdadala si Hugo. Dinadala niya sa tuwing natutulog ako. Pag alam niyang magigising na ako ay lumalabas na siya ng kuwarto. Nalalaman ko lang ang lahat kay Mommy.


I let out a deep sigh. Today was my third day in the hospital, and later I would finally be discharged. Mula kagabi ay hindi na raw umalis si Hugo sa labas. Tulala lang daw ang lalaki roon sabi ni Mommy.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon