HINDI PUMUNTA SI HUGO.
Ilang araw na pala siyang naririto, pero ngayon ay wala maski anino niya. Wala ring paramdam. Wala ring mga prutas at bouquet of red roses. Napagod na ba siya?
Si Hyde ay nakapangalumbaba sa mesa. Sinaway ko ang bata dahil hindi magandang umakto nang ganoon sa harapan ng grasya. Nakahain kasi rito ngayon ang aking inihandang meryenda.
"I'm worried about Daddy," nakangusong sabi ng bata.
"H-hindi ba kayo nagkausap?" Tumikhim ako dahil bakit ba ako biglang pumiyok?
"We talked last night on the phone."
"Really?" kaswal na tanong ko habang binubuksan ang fridge para kumuha ng tubig.
"Yeah. He sounded weird and I heard him sneezing."
Napahinto sa ere ang kamay ko.
"Mommy, I think Daddy is sick."
Tuluyan nang naiwang bukas ang pinto ng fridge.
Nilingon ako ni Hyde. "I asked him if he's sick, but he didn't answer me. Sabi niya lang po na he miss us."
"B-baka nga may sakit, uhm, k-kaya hindi makakapunta rito ngayon." Sinikap kong maging tuwid ang pagsasalita.
"But I remember him telling me that no matter what happens, even if the world falls apart, nothing can stop him from coming here to visit us."
Tulala ako nang pumasok si Carlyn mula sa pinto. Weekdays pero nandito ito at ang anak. Hindi sumama kay Kuya Jordan sa Manila dahil may inaasikaso si Carlyn sa negosyo nito sa may Tanza, Cavite.
Bitbit nito ang anak na si Mara nang mapamata sa amin ni Hyde. Pareho kasi kaming tulala ng bata. "Oh, anyare sa inyong mag-ina?" tanong nito.
Doon ako napakurap. "Gising na pala si Mara." Nag-a-afternoon nap kasi si Mara tuwing hapon katulad ni Hyde.
"Yup. Full charged na naman." Ibinaba ni Carlyn si Mara na agad na lumapit kay Hyde at kinagat ang batang lalaki sa kamay. "Mara, are you a dog?! Bakit ka nangangagat?!" gigil na sita nito sa anak.
Wala lang naman iyon kay Hyde. Aliw na aliw ito talaga sa pinsan, kaya hayun namimihasa ang cute na batang mataba. Magkasama ang dalawa na pumunta sa sala.
"Ah, siya nga pala, Jill." Si Carlyn na ang kumuha ng pitsel mula sa fridge nang maiwan kami sa kusina. Nagsalin ito ng tubig para inumin. "Nag-usap ba iyong dalawa kagabi?"
"Hmn? Dalawa?" Sino ang tinutukoy niya?
"Pag-uwi ko kasi kahapon, pagbaba ko sa Grab, nakita ko iyong kotse ni Hugo sa labas. Nandoon din ang kotse ni Harry."
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
عاطفيةHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...