Chapter 56

87.9K 5.4K 3.8K
                                    

DO I DESERVE THIS?


Iyon ang tanong na paulit-ulit sa isip ko. Pumayag ako na magpakasal kay Hugo kahit alam ko kung ano talaga ang tunay na habol niya. I didn't insist that we could be good parents to Hyde even though we were not married, and that because I was tempted. Kasi gusto ko rin talaga.


I thought we could be a real family. Gusto ko iyong idea na iyon, hindi lang dahil para sa anak ko, kundi para din sa sarili ko, dahil mahal ko si Hugo. At ngayon, sinisingil ako ng naging desisyon ko.


Nakayuko ako habang nakaupo sa gilid ng kama ng guestroom. Tulala lang pero wala namang luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Basta blangko lang ang aking paningin. Kauuwi ko lang, nag-Grab ulit ako pabalik sa Tagaytay. Nauna ako kay Hugo, and he had no idea that I followed him in Buenavista. 


Wala pa yatang ilang minuto nang marinig ko ang pagbukas ng bakal na gate sa labas. Nangunot ang aking noo. Was it him? Bakit umuwi rin siya agad?


Walang lakas na tumingin ako sa orasan. Past 11:00 p.m. Hindi siya naglamay? Ah, maybe dahil umuwi rin agad si Sussie? Hindi naman kasi puwedeng makipaglamay ang babae dahil hahanapin ito ng asawa at anak nito. 


Nag-beep ang aking phone na nasa bedside table. Nag-pop up ang text message ng hipag ko na si Carlyn. Hindi ko na iyon kinailangang buksan dahil nakikita na agad ang unahang bahagi ng message nito.


Carlyn:

Sissy? San ka? Alam mo n b nangyari kay Hugo sa lamay ng nanny niya?...... /// 


Putol na ang message, at mababasa lang kung ita-tap to open ang laman. Tiningnan ko lang naman iyon. Wala na rin naman ng kasunod pa na bago. 


Mayamaya ay umuga ang doorknob ng kinaroroonan kong kuwarto. May pumipihit mula sa labas. Mga ilang pihit. Mga ilang pagbabakasakali. Ang blangko kong mga mata ay pinanood lang ito. Hindi na rin naman kumatok pa ang kung sino man iyon. Naisip siguro na baka tulog na ako.



SUNDAY. Hindi umalis si Hugo. Ni bumalik sa lamay ng nanny niya ay hindi niya ginawa. Natanaw ko siya sa may sliding glass door papunta sa garden. Naka-pajamas pa siya habang nakatitig lang sa kawalan. Sakto, nang pumasok na siya sa bahay ay nakatingin ako sa gawi niya. Nagtama ang mga mata namin.


Namumutla siya at parang kulang sa tulog ayon sa panlalalim ng mga mata, pero ngumiti siya pagkakita sa akin. "Hi."


"Hi," tipid na balik ko at dumeretso na ako sa kusina. Nararamdaman ko na nakasunod sa likod ko si Hugo. "Ate Lina, nag-breakfast na po ba si Hyde? Pasensiya na po, tinanghali ako ng gising." Hindi naman talaga ako tinanghali. Ang totoo, madaling araw pa lang ay masama na ang pakiramdam ko. Nahihilo ako kapag tumatayo. 


Ngumiti naman si Ate Lina. "Ayos lang. Kumain naman na si Hyde. Maraming nakain na fried rice. Mukhang ginutom sa pagtulog. Malamang 'yan di makakakain mamaya ng tanghalian."


Kumuha lang ako ng mug para magtimpla ng kape. Wala akong kagana-gana dahil parang lahat ng pagkain sa akin ngayon ay nakakasuka. Habang nagtitimpla naman ako ay nasa bukana ng kusina nakatayo si Hugo, at nakatingin sa akin.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon