Chapter 19

63K 4.7K 2.1K
                                    

OTW


That was Hugo's last text message. He was now on his way here. Walang pagpapatumpik-tumpik. Literal na 'one call away'. Siguro dahil walang magawa. Bored sa buhay.


Bored pero marami naman siyang puwedeng pagkaabalahan kung gugustuhin niya. For the record, he was Hugo Emmanuel Aguilar. Ang dali para sa katulad niya ang magliwaliw. Iyon nga lang, pupuntahan niya ako at ititigil niya ang kahit anong ginagawa dahil may hawak ako na kinatatakutan niya—his scandal video.


Ilang beses kong inisip kung gagawin ito o hindi, nag-e-end up lang ako sa desisyon na 'oo'. I should go out because Harry was coming. That was the only reason for me to go out and meet Hugo. I didn't want to see Harry. Ayaw kong makausap siya dahil masasaktan at maguguluhan na naman ako sa aking nararamdaman. At si Hugo ang sagot sa problemang ito, ang joyride kasama siya at ang company niya na entertaining kahit pang-gago.


Lumabas na ako ng gate pagkabasa sa last text ni Hugo. White knitted top at cream high waist mid-length shorts ang suot ko. Sa paahan ay flat sandals na cream din ang kulay. Nakalugay lang ang buhok ko. Naglakad na ako papunta sa gate.


Malayo pa ako sa gate nang matanaw ang motor ni Hugo sa may kanto. Ang bilis niyang makarating. Maybe he wasn't really busy. "Bakit ka pumasok?" sita ko dahil umabot siya hanggang dito sa loob ng subdivision.


"Pinapasok ako ng guard."


"Paano kung may makakita sa 'yo?"


"Sino naman? Saka naka-helmet ako." Inabot niya na sa akin ang extra helmet.


Isinuot ko agad ang helmet at hindi na hinintay na tulungan pa niya. Awkward pa rin dapat kami dahil inaway ko siya, di ba? Mali, ako pala ang unang inaway niya. He bullied me. Gumanti lang ako nang kaunti.


Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagiging immature, abnormal at super gago niya nang sagad.


Pagkaangkas ko ay niyaya ko na agad siyang umalis. Pinagmadali ko siya. Kasing abnormal niya nga lang ang pagkakataon dahil palabas kami na kami ng gate nang may makasalubong kaming SUV na kulay puti. Nagitla ako nang makilala kung sino ang driver nito.


Nang tumama sa amin ang headlights ng SUV ay nabibiglang napayuko ako. Nauntog tuloy ang helmet ko sa helmet ni Hugo. "Ouch, tangina!"


"Sorry," nakangiwing bulong ko. Yukong-yuko pa rin ako.


"Hoy, ano ba?!" Napansin niya ang pagiging aligaga ko. Pilit niya akong nililingon kaya umesi tuloy sa daan ang motor.


"Umayos ka sa pagda-drive mo!" mahinang sita ko. Nakayuko pa rin.


Binusinahan kami ng SUV na papasalubong sa amin. Napapikit ako nang mariin.


"Ang yabang noong driver ng SUV!" reklamo niya. "Puta, maganda pa sasakyan ng daddy ko e!"


South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon