Chapter 45

98.9K 5.5K 2.6K
                                    

WHAT TIME WAS IT? I guess it was already late in the morning, but I didn't want to get up yet. Gusto ko pang matulog dahil parang pagod na pagod ako.


Wait! Bakit parang ang nipis at ang iksi yata ng kumot ko? I looked at it and frowned because it wasn't a blanket, but an old duster. And that was the only thing that covered my nakedness.


Nakedness? Napamulagat ako dahil bakit ako nakahubad? Never akong natulog nang nakahubad sa buong buhay ko!


Nakiramdam ako. Bakit parang kakaiba ngayon ang dibdib ko? Hindi naman masakit pero parang nalamog. Ang dulo naman ng mga ito ay parang kumikirot na hindi maintindihan.


Sinipat ko ang paligid. Nasa loob ako ng kulambo. Natitiyak ko na wala ako sa aking kuwarto o sa kuwarto ng anak ko. Pero kaninong kuwarto ito? Kahit kailan ay hindi pa ako nakatulog sa ibang bahay.


Ang maliit na kuwarto na kinaroroonan ko ay nahahati sa bare hallow blocks at pawid ang pader. Ang bubong naman ay yero at walang kisame. Wala ring gamit maliban sa hinihigaan ko, upuan na emergency light at isang maliit na cabinet. Bumangon ako at nag-init ang pisngi sa hiya nang maalala ang mga nangyari kagabi, kung bakit ako nandito, at bakit nakahubad ako. 


Tumingin ako sa tabi ko, wala roon si Hugo! Nasaan siya? Iniwan niya na ba ako?!


Madali kong hinanap ang aking pinaghubaran. Una kong nakita ang underwear ko. Kahit halos magkapili-pilipit ang garter ay pinilit kong suutin iyon nang nakaupo. Sinunod ko ang aking shorts.


Nang makita ko ang aking bra ay dinampot ko agad. Napahinto ako nang mapatingin sa aking dibdib. There were red marks around my breasts and my nipples were slightly swollen.


Pagkasuot ng bra ay sumunod kong sinuot ang aking shirt. Kahit masakit ang balakang ay nagligpit ako ng higaan. I had no idea how to fold a mosquito net, so I just removed it from the string and rolled it up.


Nakarinig ako ng ingay mula sa sala ng bahay. Tatlong boses. Ang isa ay ngayon ko lang narinig at ang dalawa ay aking nakikilala, kay Manong Lumio... at kay Hugo!


Hugo was still here? Hindi niya ako iniwan?!


Palapit na ako sa pinto ng kuwarto na gawa sa tabla nang bumukas iyon. Napatulala ko sa matangkad na lalaki na pumasok mula roon. Una kong nasalo ang tingin ng nakakalunod niyang mga mata. Hugo...


He was really here. He didn't leave me. Ang suot niya ay iyong suot niya kahapon. Shirt, jeans, at iyong sapatos niya. Basa ang buhok niya at ang presko ng kanyang itsura. 


Bumukas ang labi niya na mapupula. "Gising ka na pala."


Wala akong masabi. Parang nawala ang dila ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Ano bang nangyayari? Bakit parang mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko?


Lumakad si Hugo palapit sa akin. "Nandiyan na iyong anak ni Mang Lumio. May dalang tricycle. Makakauwi na tayo."


South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon