Chapter 61

88K 5.1K 3K
                                    

I WAS LOOKING AT THE GLASS DOOR. Hugo and Hyde were playing catch in the garden. Marami pa rin akong agam-agam, pero kahit paano ay magaan na ang aking pakiramdam, na makitang masigla na ulit si Hyde na para bang walang nangyari.


Nang lumampas ang bola at gumulong sa damuhan ay hinabol iyon ni Hyde. Ang pagdaklot ng malaking kamay ng bata sa bola, ang paghagod ng mahahabang daliri sa buhok, at pagwilig ng ulo, parehong-pareho kung paano kumilos si Hugo.


Habang tumatagal, habang lumalaki si Hyde, nakukuha nito ang mga kilos ng ama. Kahit sa itsura, sa pagngiti, pagsimangot, o kahit sa seryosong ekspresyon, parang batang Hugo ang nakikita ko. Kahit noong hindi pa namin siya nakakasama, napapansin ko na ang mga nakuhang kilos ni Hyde sa kanya, bukod pa sa magkamukhang-magkamukha sila.


Hindi ko naman talaga lubusang nakalimutan si Hugo. Sa tuwing tumitingin ako sa mukha ni Hyde, siya ang nakikita ko. Dahil bakit hindi? It was like I gave birth to his twin.


I just closed my heart to the possibility of him coming back into our lives, until fate played its part.


I was already happy and contented with my simple life and dreams with Hyde until Hugo came back. That was when my mind and heart started to get confused again. But, I was back to my senses now. What I wanted now was a peaceful life. A peaceful heart.



'HINDI KITA SUSUKUAN.'


Hugo said to me that he was good at waiting. I had no doubt about that. Mapait ang panlasa ko nang maiwang mag-isa. Gaano ba siya kagaling maghintay? Hinintay niya lang naman si Sussie mula noong gradeschool, high school, senior high, college, at sa maka-graduate. He stayed by her side until she didn't need him anymore.


Iyong ganoong kalalim na pagmamahal, hindi iyon basta-basta mabubura. Hindi iyon basta-basta mawawala. Kung si Hugo ay kayang maghintay, ako ay hindi.


Paalis na ako sa harap ng sliding door nang mapatingin si Hugo sa akin. Naghinang ang mga mata namin. Naglakad na ako paalis na parang hindi siya nakita.


Narinig ko siya na nagpalaam kay Hyde. Sa peripheral ko ay nakita ko na patakbo siyang lumapit sa akin. Humihingal pa siya nang huminto. "Gusto mong magmeryenda?"


Umiling ako at pumunta sa lalagyanan ng kape.


"Pagtimpla kita?"


"Hugo." Mabigat ang tono ko bagaman mahina ang boses.


"You must eat, Jillian. You're getting skinny." He leaned on the counter while watching me. "Do you want me to cook food for you? I can even feed you if you want."


"That sounds stupid," walang buhay kong sabi.


"Alin, iyong susubuan kita?" Sinilip niya ang mukha ko na nakayuko sa tasa. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam ko nakangiti siya.


"Shut it, Hugo."


Doon na nabura ang ngiti niya. "Jillian..."

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon