CHAPTER 3 - HER UNCONTROLLABLE TANTRUMS

143 3 0
                                    


PWEH!

Nasindak si Troy na nakamasid lang sa kanilang dalawa mula pa kanina, nang makita niyang biglang dinuraan ni Jayna, si Allaric at tumama talaga ang saliva nito sa pisngi ng boss niya. Maging si Mayor, Enrique ay hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang anak. Nanginginig ang buo niyang katawan, alam niyang katapusan na nila ng anak niya ngayon. Napapikit na lang siya at taimtim na nagdarasal, tinawag na niya ang lahat ng mga santo na naisip niya, upang tulungan sila ng anak niya na makatakas sa islang ito. Nagsisisi talaga siya kung bakit pa niya naisipan na dalhin dito ang anak niya, alam naman niyang maikli ang pasensya nito, at napaka hyper ng ugali. Siguradong sinusumpong na naman ito ng tantrum niya ngayon dahil hindi na niya ito mapipigilan kapag nagagalit. Simula pa pagkabata may tantrum na ito at nadala niya ang ganung pag-uugali hanggang sa paglaki niya. Yun din ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ng ate niya. Madalas silang mag-away na magkapatid dahil may tantrum si Jayna at mayroon namang Obsessive Compulsive Disorder (OCD) ang ate niya. Ngunit sa kanilang dalawa ang ate niya ang laging binibigyan nila ng pabor dahil may sakit ito sa puso.

Nanlilisik ang mga mata ni Allaric habang pinapahid ang laway ni Jayna na nagkalat sa pisngi niya. Nanggigigil na talaga siya sa sobrang pagtitimpi ng kanyang galit. Isa lang ang nasa isip niya ngayon upang makapaghiganti, biglang sumilay ang demonyong ngiti sa labi niya.

"Gusto mo talagang e-challenge ang pagiging lalaki ko, woman? Sige, pagbibigyan kita!" Tumayo siya at binalingan si Mayor Enrique. "Umuwi ka na! at huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin! Mula ngayon bayad ka na sa utang mo kapalit ng buhay ng anak mo!" singhal niya sa alkalde.

"Maraming salamat po Boss Allaric." Napaiyak si Mayor Enrique sa sobrang tuwa, mabilis siyang tumayo at patakbong lumabas ng pintuan, sa takot na baka magbago pa ang isip ni Allaric. Nang makita naman ito ni Jayna, ay mabilis din siyang tumakbo at sumunod sa kanyang ama, ngunit hindi pa man siya nakaabot sa pintuan ng mabilis siyang dinampot ni Allaric at sinampay sa balikat nito na parang bata.

"Akala mo makakatakas ka sa akin? Ginusto mo to di ba? Sinagad mo talaga ang pasensya ko babae ka!" Galit na wika ni Allaric habang binubuksan ang pintuan ng malaking silid na katabi lang ng sariling silid niya.

"Hayop ka! Bitawan mo ako! Daddy, please, tulungan mo ako! Huwag mo akong iwan! Daddy!" Umiiyak na sigaw ni Jayna habang hinahampas at sinabunutan ang buhok ni Allaric.

Kahit puno na ng kalmot ang mukha ng binata hindi pa rin niya binibitawan ang dalaga. Galit niya itong hinagis sa malaking kama, nanlilisik ang kanyang mga mata na hinawakan ang dalawang kamay ni Jayna at nilagay yun sa itaas ng ulo ng dalaga. Muli na naman niya itong pinarusahan ng halik, at kahit anong pagpupumiglas ni Jayna walang panama ang lakas niya sa lalaking naka ibabaw sa kanya. Sa tuwing nanlalaban siya mas lalo nitong pinaparusahan ang mga labi niya.

Nang nararamdaman ni Allaric na huminahon na ang dalaga, unti-unti na ring nag-iba ang paraan ng paghalik niya. May kasamang pagsuyo na ito at nadadarang siya sa tamis ng mga labi ng dalaga. Hindi alam ni Allaric na yun lang ang tamang pagkakataon na hinihintay ni Jayna upang kagatin muli ang ibabang labi ng binata.

"Fuck!" Napamura si Allaric ng malasahan ang dugo mula sa labi niya dulot ng pagkagat ni Jayna. Galit niyang tinapunan ito ng masamang tingin. Hindi niya alam kung bakit naisipan pa niyang hindi pakawalan ang babaeng ito na walang ginawa kundi ang ubusin ang pasensya niya. Sa buong buhay niya ngayon pa lang niya naranasan na hindi alam kung paano kontrolin ang sitwasyon. Tanging ang babaeng ito lamang ang may kakayahan na kontrolin siya.

Ngunit hindi siya papayag, kailangan mapasunod niya ang babaeng ito sa lahat ng gusto niya. Kaya siya pumayag sa kagustuhan ni Mayor Enrique dahil plano niyang pahirapan ang babae, ngunit parang gusto na niyang magsisi dahil siya yata ang pinapahirapan nito.

"Do you think you can escape my wrath if I let you? Wrong move, woman; I will make your life a living hell." He paused in his fury before turning away from the girl and slamming the door shut.

Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Jayna sa pintuan ng makitang nakalabas na ang binata, ngunit ni-lock nito ang pinto. Inikot ng kanyang paningin ang buong silid at nakita niya ang bintana. Agad niya iyong pinuntahan at sinuri kung pwede siyang makatakas kung doon siya dadaan. Bumagsak ang kanyang mga luha ng malaman na naka grills window iyon kaya hindi siya pwedeng tumalon. Mabilis naman siyang tumakbo papasok ng bathroom, ngunit nadismaya siya dahil walang bintana sa loob.

"Ahhhh! Demonyo ka! Hayop, palabasin mo ako dito!" Nagsisigaw siya habang tinatadyakan ng malakas ang pinto.

Nagwawala siya sa loob ng silid na iyon. Kung anu-ano lang ang dadamputin niya upang ihagis sa kung saan-saan. Pati salamin ay pinagsusuntok niya mailabas niya lang ang lahat ng galit niya. Lahat ng mga vase, figurines na makikita niya sa loob ay hinagis niya sa pintuan, wala siyang pakialam kung gaano man kalaki ang halaga ng mga iyon. Gusto niyang patayin na lang siya ng lalaki kaysa pahirapan siya. Batid niyang ikinulong siya nito upang makapaghiganti sa kanya. Mas gugustuhin pa niyang lalong magalit ito para tuluyan na siyang pakawalan, patay man o buhay.

Sa pagkakataong ito hindi na siya natatakot mamatay. Pakiramdam niya tuluyan na siyang binasura ng kanyang pamilya. Wala ng nagmamahal sa kanya. Kung pinahiram lang sana siya ng boyfriend niya ng pera para pambayad sa utang ng kanyang ama, hindi sana nangyari ito sa kanya. Ngunit naiintindihan naman niya ang kanyang boyfriend, talagang ayaw lang nito na ginagamit ang pera sa pagsusugal. Isa din yata yan sa dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya inalok ng kasal, dahil sa pamilya niya.

Sumalampak siya sa kama at umiyak ng umiyak. Hindi na niya namalayan kung paano at kung kailan siya dinapuan ng antok dahil agad na siyang nahulog sa mahimbing na pagtulog.

SAMANTALANG nagpakawala ng malalim na hininga si Allaric, ng makumpirmang tumigil na ang nga kalabog sa loob ng silid. Tinawag niya ang kanyang kasambahay na si Aling Edna.

"Senyorito may kailangan po kayo?" Magalang na tanong ni Aling Edna ng makalapit na siya sa binatang amo.

"Aling Edna, paki handaan mo na lang ng pagkain ang bisita ko sa loob ng guest room. Antayin mo muna ang isang oras bago ka pumasok doon, baka mamaya anong gawin sayo."

"Bakit Senyorito, nananakit ba ang bisita nyo?" Kinakabahan sagot ng kwarenta anyos na matanda.

"Kapag nagagalit siya, posibleng sasaktan ka niya. May lahing halimaw kasi ang bisita ko."

"Katulad nyo po Senyorito?" Agad na tinakpan ni Aling Edna ang bibig ng mapansin na nagkamali siya ng sinabi niya. Agad siyang namutla ng makita niyang nagkasalubong ang mga kilay ng kanyang binatang amo habang nakatingin sa kanya.

"Ay, hehe, sorry po sir, ibig kong sabihin.."

"Sige na Aling Edna, bumalik ka na sa trabaho mo." Putol ni Allaric sa anumang sasabihin pa sana ng matanda. Agad namang tumalima ito at pumunta sa kusina.

Nagbuga ng hangin si Allaric, matapos tumalikod ni Aling Edna. Tama ang sinabi ng matanda, halimaw din siya kapag nagagalit. Pero bakit sa babaeng ito hindi umubra ang pagkahalimaw niya? 

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon