CHAPTER 21- HER WILDERNESS

93 1 0
                                    

Dalawang buwan ang nakalipas, simula ng huling paglalasing ni Jayna, at ito na naman sila, muli na naman na nag-aaway ni Allaric, dahil naabutan na naman niya nitong naglalasing. Hindi nga ito pumunta sa bar sa labas, ngunit halos maubos naman nitong inumin ang kanyang wine na stock. Nadagdagan pa ang galit niya dahil naabutan pa niya itong humihithit ng sigarilyo. Hinablot niya ang sigarilyo sa kamay nito at inapakan.

"Ano bang problema mo, bakit ka naglalasing huh!?"

"Tinanong mo kung ano ang problema ko? Wala akong problema! Gusto ko lang mag-enjoy!"

"Mag-enjoy? Tingnan mo nga ang sarili mo? Akala ko ba pinag-usapan na natin to? Sumama lang ako kanina kay Nicole upang tingnan ang bagong project namin, pag-uwi ko, nagkaganyan ka na! Gusto kitang isama kanina, ngunit ayaw mo naman. Alam mo, napapansin ko, nitong mga huling araw, hindi na kita maintindihan!" Puno ng galit ang mukha ni Allaric, habang nakatingin sa sitwasyon ng asawa. Kinuha niya ang baso ng alak sa kamay nito at galit na hinagis sa sahig. "Tanginang alak yan!"

"Oo na, ako na ang hindi maintindihan! Pakialam mo!" Parang iiyak na sigaw ni Jayna, at muli na naman, na kumuha ng baso upang salinan ng alak.
Nang makita ito ni Allaric, galit na naman niyang kinuha at inilayo ang baso sa asawa. Hangga't maaari, kailangan niyang kontrolin ang emosyon at galit niya. Ayaw niyang nagkakasakitan na naman sila ng kanyang asawa.

"Fuck! Ano ba talaga ang problema mo huh!?"

"Nagseselos ako! Tangina nagseselos ako sa mga babaeng nakapaligid sayo! Hindi ko alam kung bakit, ngunit sayo ko lang naramdaman ang ganito na kahit kailan hindi ko naramdaman kay Niel!" Umiiyak na sagot ni Jayna. Natauhan naman si Allaric dahil sa sagot nito sa kanya, kaya agad niya itong niyakap at hinagod sa likod.

"Okay, okay, sorry na. Hindi mo naman kailangan magselos dahil ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Sabay halik sa noo nito. "Tahan na my sweet angel, kahit ilang babae pa ang bumukaka sa harapan ko, ikaw pa rin ang hahanapin ko. Sayong-sayo lang ako sweet angel, kaya alisin mo na yang selos mo, hmmm?"

Nang mapansin na hindi na sumasagot si Jayna, bahagyang kumalas ng yakap si Allaric para lang makita na nakatulog na pala ito sa balikat niya dahil sa sobrang kalasingan.

Agad na lang niya itong binuhat upang dalhin sa kanilang silid. Gaya ng dating gawi kapag nalalasing ito, pinunasan na naman niya ang katawan nito ng maligamgam na face towel bago binihisan.

Pagkatapos, dahan-dahan siyang humiga sa tabi ni Jayna at hinayaan na mabusog ang sarili habang nakatitig sa maamong mukha nito. Kahit naalala niya ang payo ni Troy sa kanya noon, minsan hindi pa rin niya maiwasan ang mainis kapag nalalasing ito. Paano, hindi lang ito basta naglalasing, kundi hindi talaga nito tinitigilan ang alak hangga't hindi ito makatulog sa sobrang kalasingan.

Nasa ganun siyang sistema ng biglang dumantay ang binti nito sa pagitan ng dalawang hita niya. Pilit niyang kinalas 'yun, ngunit bumabalik pa rin ang binti nito sa pag dantay sa kanya. Parang gusto na niya itong batukan, dahil sa sobra nitong kalasingan. Gusto niya sanang lambingin ito, ngunit nadadaig siya ng kanyang inis, nang maamoy ang pinaghalong alak at sigarilyo sa hininga nito. Naiiritang tinanggal niya ang binti nito at saka tumalikod. Pinilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, gusto na niyang matulog dahil mag-aalas diyes na ng gabi. Napagod pa siya sa kakaikot sa site kanina.

Ilang minuto pa lang siya na nakaidlip ng maramdaman niya na may gumagapang na mga kamay sa gitnang harapan niya.

Nang mapagtantong pagmamay-ari ng kanyang asawa ang mga kamay na gumagapang sa katigasan niya, muling siyang humarap dito. Nang-aakit ang mga tingin nito habang nakangiti sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan nito, ng bigla itong pumatong sa kanya. Ilang sandali pa, pinapaliguan na ni Jayna ng mga halik ang buong kanyang buong katawan.

"Ahhhh.." mahinang ungol niya ng gumapang ang dila nito sa nipple niya at bahagyang kinagat-kagat 'yun. Dahil sa ginawa nito, biglang nagising ang kanyang buong sistema. "Sweet angel," daing ni Allaric nang mapansin na hinuhubad ng asawa ang lahat ng saplot nila sa katawan, habang hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa ibabang parte ng katawan niya.

Pakiramdam niya, siya na ngayon ang lasing na lasing, dahil sa sarap na dulot ng pagpapaligaya nito sa kanya. First time, kasi niyang naranasan na nakatihaya lang at walang ginagawa, dahil hindi siya hinahayaan ng asawa.
"My sweet demon, gusto kong iparamdam sayo kung paano kita babaliwin sa kama hanggang sa wala ka ng ibang babae na gustong makasama kundi ako lang. I will not stop fucking you, hangga't hindi mo dinadaing ang pangalan ko."

Ang kaninang nakatirik na mga mata ni Allaric ay biglang napalitan ng pagka kunot ng noo, matapos marinig ang mapang-akit na sinabi ng kanyang asawa. Bakit parang familiar sa kanyang mga salitang 'yun? Linyada niya 'yun ah? Bigla siyang kinabahan. Magrereklamo pa sana siya ngunit, hindi na niya nagawa ng bigla nitong sinubo ang katigasan niya. "Ohhh, Fuck, sweet angel," Dahil sa kalikutan ng kamay niya, kaya naman naisipan siyang talian ni Jayna.

"Fuck, sweet angel anong ginagawa mo?" nalalasing niyang tanong sa asawa, ngunit sinilyohan ng mga labi nito ang labi niya upang matigil siya sa pagsasalita. Kahit naamoy pa rin niya ang alak at sigarilyo sa labi nito, hindi na lang niya 'yun inintindi dahil nadadarang na siya. Gumanti na rin siya ng mainit na halik sa asawa habang nakapatong ito sa ibabaw niya. Ilang sandali pa, napuno na ng mga ungol ni Allaric ang loob ng kanilang silid, hindi niya alam kung saan ibabaling ang katawan, dahil hindi niya magawang sabunutan ang buhok ng asawa, habang pinapaligaya siya. Nababaliw siya lalo sapagkat nakatali ang dalawang kamay niya at paa.

"Ohhh, Ahhh, sweet angel," muling daing niya, ng maramdaman ang pagpasok ng katigasan niya sa namamasang lagusan ng asawa sa ibabaw niya. Maraming posisyon ang ginawa nito sa ibabaw niya, at nababaliw siya sa bawat giling nito na minsan binibitin pa siya.

Ngayon niya lang napagtanto, na sobrang wild pala ng asawa niya kapag lasing ito. Ngunit nalasing din ito noon, bakit hindi naman nito ginawa sa kanya ang ganito? At ngayon, hindi ito nagbibiro ng sinabi sa kanya na babaliwin siya sa kama. Akala niya may tantrums lang ito kapag nagagalit, hindi niya akalain mas sobra pa pala pagdating sa sex. Napuno na ng kagat ang buong katawan niya, na akala mo naman, isang bampira ang gumahasa sa kanya. Sa susunod hindi na niya papayagan na malasing ito, baka mas masahol pa sa 50 shades of Grey ang iparanas nito sa kanya, at hindi na niya magawa ang makapunta sa opisina.

Kinaumagahan, unang nagising si Allaric, naka patong pa rin sa ibabaw niya ang natutulog na asawa habang ang ulo nito nakasiksik pa sa leeg niya.

Akmang kukunin na niya ito sa ibabaw niya, nang mapansin na hindi pa pala natanggal ang mga tali sa dalawang kamay niya at paa. Hindi niya alam kung saan nito, kinuha ang duct tape upang itali sa kanya sa bawat sulok ng kama. Hinalikan niya ang noo nito at ginising. "Sweet angel, wake-up, nangangawit na ang kamay ko."

"Hmmm…bakit ba?" Tinatamad na sagot nito sa kanya, habang nakapikit pa rin ang mga mata.

" Anong bakit? Sweet angel, tinalian mo ang mga kamay ko kagabi, sige na, kalagan mo na ako. Naiihi na ako,"

"Wag mo nga akong pagbintangan na ako nagtali sayo, ginawa mo yan sa sarili mo, ako pa nga, ang tinalian mo eh."

"What!?"

Biglang nagising ang diwa ni Jayna dahil sa malakas na boses ni Allaric. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Look at yourself! Nandyan ka sa ibabaw ko, samantalang ako nakatali pa rin ang dalawang kamay at paa ko. Sa tingin mo gagawin ko ito sa sarili ko?"

Nang makita ang iritasyon sa mukha ni Allaric, tiningnan din ni Jayna ang sarili. Hubo't-hubad ang katawan niya habang nakapatong pa sa ibabaw ng katawan ni Allaric. Agad siyang bumaba mula sa pagkapatong sa ibabaw ng katawan nito at mabilis na hinugot ang kumot upang itakip yun sa katawan niya.

"Ano, lasing ka pa rin ba hanggang ngayon? Hindi mo na matandaan kung ano ang ginawa mo sa akin kagabi?" Inis na tanong ni Allaric ng makita ang hindi makapaniwala sa mukha ng asawa. Hindi nga niya alam kung ilang oras lang siya natulog, dahil hindi siya nito tinigilan hangga't hindi ito na pagod sa pag pantasya sa buong katawan niya. Muli niyang idinagdag, "Hindi ka pa rin makapaniwala? Tingnan mo na lang ang maraming marka ng mga kagat mo, na ginawa mo sa aking katawan, sa tingin mo ako pa rin ang may gawa niyan? Daig mo pa ang naglilihi, kung panggigigilan ang buong katawan ko."

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon