CHAPTER 4 - GOOD SIDE OF THE DEVIL

134 2 0
                                    


"ALAS DIYES NA NG GABI, nasa kalagitnaan na si Allaric ng kanyang hapunan, ng maalala niyang may babaeng bihag pala siya na ikinulong sa guest room sa itaas.

"Aling Edna," tawag niya sa matanda.

"Bakit po Senyorito?"

"Binigyan mo ba ng pagkain kanina ang bisita ko?"

Tumango-tango lang ang matanda at halatang parang iiyak ito.
"Oh, bakit ganyan ang itsura mo Aling Edna?"

"Eh..hehe..Pagpasok po kasi namin kanina sa silid niya sir, maraming nakakalat na mga mamahaling figurines mo na nabasag. Tapos hindi po siya kumain. Gusto na daw niyang mamatay. Tapos hanggang ngayon po hindi pa rin siya nagigising. Tulog pa rin po siya."

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Allaric matapos marinig ang sinabi ni Aling Edna.

"Hayaan mo siya, kung ayaw niya kumain. Kung gusto niya mamatay, eh, di ilibing."

Naiirita niyang sagot sa matanda, gayunpaman may bahagi ng kanyang isipan na gusto niya rin itong puntahan sa itaas upang suyuin. Ngunit ayaw niyang gawin yun. Hindi pa ipinanganak ang babae, na siyang makapag paluhod sa kanya.


"Nasaan ako?" mahinang tanong ni Jayna sa sarili ng magising siyang madilim ang buong paligid. Bumangon siya sa kama, napangiwi siya ng biglang tumunog ang kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng hapdi ng sikmura, naghahanap na ng makakain ang mga bulate niya sa tiyan. "Ouch" sambit niya ng sumagi ang likod ng mga kamay niya sa headboard ng kama ng bumangon siya. Saka niya pa lang naalala na sa loob pala siya ng lungga ng demonyong lalaki na nagkulong sa kanya. Sinuntok niya pala ang salamin kanina kaya nagkaroon ng sugat ang kamao niya. Bumaba siya sa kama at kinapa ang ilaw, agad na lumiwanag ang buong paligid ng mapagtagumpayan niyang mahanap ang switch sa gilid ng pintuan.

Malaki ang kanyang mga hakbang na tinungo ang maliit na table kung saan nilagay ng katulong kanina ang pagkain niya. Nasipa niya ang ang upuan ng makitang plato na lang ang natira. Wala na ang kanin at masasarap na mga ulam kanina na hinanda para sa kanya. Nagngingitngit ang kalooban niya, alam niya na pakana na naman ito ng demonyong lalaking yun. Talagang sinadya nitong hindi siya makakain para tuluyan na siyang mamatay.

"Arrrrgh" muli na naman siyang napangiwi ng maramdaman ang muling pag alburoto ng kanyang sikmura.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at bahagyang sumilip sa maliit na siwang nito. Nakita niya ang oras sa malaking antigong orasan na nakasabit sa wall malapit sa hagdan. Past midnight na, kaya wala ng tao na gumagala sa loob ng mansion. Malamang ang mga katulong ay tulog na rin kapag mga ganitong oras. Parang magnanakaw na lumabas siya ng silid, maingat ang kanyang mga hakbang na bumaba ng hagdan at hinanap kung saan ang kusina.

Agad siyang nadismaya ng wala siyang mahanap na pagkain. Parang lalabas na naman siya sa kanyang balat, talagang pinapahirapan siya ng lalaking yun. Binuksan niya ang laman ng ref, nadagdagan ang inis niya dahil wala man lang natitirang pagkain na pwedeng initin. Kailangan pa niyang lutuin ang laman ng ref. Paano kung maabutan pa siyang nagluluto, eh, di mas lalo siyang hindi makatakas.

Umupo siya sa harap ng mesa na tubig lang ang iniinom. Sandali siyang nag-isip kung paano niya matatakasan ang mga gwardya sa labas ng gate. Alam niyang hindi tanga ang demonyong lalaking yun upang hindi pagsabihan ang mga gwardya niya na bantayan siya. Kailangan niyang kabisaduhin muna ang loob at labas ng mansion na ito bago siya magpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Hindi pwedeng basta-basta niya lang gagalitin ang binata, siya din ang talo, dapat maka-isip siya ng magandang plano kung paano makakatakas dito. Hindi pa niya alam kung saan ang cellphone niya, malamang itinago ng demonyong yun. Baka nagaalala na sa kanya si Neil, ang boyfriend niya.

"Akala ko ba gusto mo ng magpakamatay? Isang araw pa nga lang na hindi ka kumakain, hindi ka na makatiis?"

Napapikit siya ng marinig ang baritong boses ng binata mula sa kanyang likuran. Pilit niyang pinakalma ang sarili, nagbuga siya ng hangin upang ma bawasan ang galit sa dibdib niya. Lumingon siya sa binata, muntik pa siyang mahulog mula sa pagkakaupo ng makitang naka boxer shorts lang ito, at naka white sando.

"Bastos!" singhal niya sa binata at muling tumalikod dito.

Napatingin din si Allaric sa kanyang kasuotan sa katawan. Kunot-noong hinarap niya ang dalaga na ngayon, umiiwas na makatingin sa kanya.

"Ano naman ang bastos sa pananamit ko? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki na naka boxer short?" mapang-uyam niyang tanong sa dalaga.

"Masyadong mahalay ang suot mo, diyan ka na nga, nakakahiya naman sayo!" sagot niya sa binata at agad na siyang tumayo upang talikuran ito.

"Wait,"
"Ouch"

Halos magkasabay pa nilang wika sa isa't-isa.

Napangiwi si Jayna ng biglang hinawakan ng binata ang kamay niya upang pigilan siya sa pag-alis. Ganun na lang ang pagsalubong ng dalawang kilay ni Allaric ng masapo ng kanyang kamay ang natuyong dugo mula sa kamao ng dalaga. Tiningnan niya ito, napailing na lang siya dahil sa mga sugat na tinamo ng kamao nito. "Ganito ba talaga siya kapag naiinis? Sinasaktan ang sarili niya?" sa loob-loob niya. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga, kung tutuusin pwede na niya itong pakawalan, ngunit may bahagi sa isipan niya na hindi niya maintindihan, kung bakit gusto pa niya itong manatili sa tabi niya.

"Teka saan mo na naman ako dadalhin?" kinakabahan na tanong ng dalaga ng makitang hinila ng binata ang kabilang kamay niya na walang sugat at dinala siya sa isang silid. Nilibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng silid, agad niyang napansin ang isang malaking kama at stretcher sa loob. May mga iba't-ibang uri ng gamot, at gamit na karaniwan niya lang makikita sa ospital.

"Doctor ka pala." Nakita niyang ngumiti ang binata dahil sa sinabi niya. Agad siyang namesmerize ng lumitaw ang malalim na dimple nito na siyang nagpadagdag ng kagwapuhan niya. Pakiramdam niya biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso ng pilyong humarap ito sa kanya.

"No, Cardiologist ang kambal ko, siya ang nakaisip na maglagay ng maliit na clinic dito sa bahay bakasyunan namin." Sagot nito sa kanya habang kinukuha ang gamot mula sa medicine cabinet.

"Umupo ka," mahinang utos nito habang pinapa-upo siya sa couch. Tumalima din siya sa sinabi nito. Napabaling ang kanyang tingin sa malaking larawan ng magandang babae na nakasabit sa wall. Nakasuot ito ng puting damit, magkamukha sila ng binata, pinagkaibahan lang nila dahil wala itong dimple sa pisngi. Napaisip siya, hindi niya inakala na babae pala ang kambal nito.

"Saan naman ang kambal mo?" curious niyang tanong sa binata.

"Sa New York, kasama ang iba pang mga kapatid ko." balewalang sagot nito bago umupo sa tabi niya.

"Mga kapatid? Ibig sabihin ang dami nyo?" nagugulat niyang wika sa binata dahilan upang ngumiti ito.

"Oo, masyadong mahal ng daddy ko si Mommy kaya, dumami kami." malokong sagot ng binata habang nililinisan ang sugat sa kamay ng dalaga.

"Ouch" sambit ng dalaga ng makaramdam ito ng hapdi dahil sa alkohol na pinahid niya.

"Oops, Sorry," agad din nitong sagot. Nagulat pa ang dalaga ng masuyong hinihipan ng binata ang sugat sa kamay niya. Ngayon niya lang napansin na may nakatagong kabutihan din pala ang demon beast na ito. Hindi niya alam kung bakit mayroong bahagi sa puso niya na gustong titigan ito. Kung hindi lang siguro demonyo ang pag-uugali nito, sigurado siyang kahit siya pipila din katulad ng ibang mga babae na gustong makuha ang atensyon nito.

Natigil din si Allaric sa kanyang ginagawa ng mapansin niya na nag sorry siya sa dalaga. Mabilis niyang nilagyan ng bandage ang kamay nito at agad ng tumayo. Muli naman siyang nagseryoso ng mukha at naunang lumabas ng silid.
Habang palabas siya kinakapa niya ang sarili. Napapalambot na ba ng babae ang puso niya?




MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon