CHAPTER 29 - GLEE

101 0 0
                                    

BAM! BAM! SLAP!

 

“Sige, laban! Gusto mong maghiganti? Labanan mo ako!” Galit na galit si Master Alen habang sinisigawan si  Neil. Kasalukuyan silang nasa loob ng mansion nito sa New York. Kakauwi lang nila at agad niyang binato ito ng kanyang suntok. Hindi na niya mapigilan ang galit sa kanyang dibdib. Lahat ginawa na niya para tumigil ito sa paghihiganti. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa pamilya niya laban sa pamilya Dela Vega. Pagod na siya sa pakikipaglaban simula pa sa panahon ng kanyang asawa. Tiningnan niya ang apo, alam niyang mahal siya nito kaya hindi nito magawang lumaban sa kanya kahit pa may kakayahan itong gawin iyon. Matanda na sya at naghihintay na lang ng panahon niya na mawala sa mundong ito. Ngunit paano  niya lisanin ang mundo gayung nakikita niya ang galit sa puso ng apo niya. Buong buhay nito ay nakatuon sa paghihiganti kay Allaric. Tiniis niya ang sarili na saktan ito ngayon para malaman na galit siya sa ginawa nito. Nanatili lamang nakatayo si Neil, habang nakayuko ang ulo. 

 

“Lolo, magiging tahimik lang ang buhay ko kung patay na si Allaric at ang pamilya niya!” sagot nito. 

 

Nanghihina siyang umupo sa sofa dahil sa narinig. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang sa pagpapalaki sa mga ito. 

 

“Neil, matanda na ako, bakit ko ba ito sinasabi sa’yo? Dahil ayokong may mangyaring masama sa’yo. Walang naidudulot na maganda ang paghihiganti. Bata ka pa, apo. Pakawalan mo na ang galit diyan sa loob ng dibdib mo.”

 

“Pinatay niya si Daddy! Ganun na rin si Lola! Lumaki kami ng kapatid ko na walang ama!” sigaw ni Neil. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa galit.

 

“Ama lang ang nawala sa’yo, Neil, Si Allaric, pareho siya nawalan ng mga magulang sa murang edad. Pinasan niya ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya. Tumayo siya bilang ina at ama sa kanyang mga kapatid. Mas swerte ka pa rin dahil nandito ako, buhay at laging nakaalalay sa inyo ni Glee. Tama na apo, patahimikin mo na ang buhay ni Allaric, dahil hindi mo magugustuhan kapag sumali na ang Aerie sa laban ninyo.”

 

Tumahimik si Neil at hindi na sumagot pa sa lolo niya. Ang buong akala ni Master Allen, nakinig ang apo sa mga sinabi niya. Sinundan niya ng tingin si Neil habang papasok sa loob ng silid nito. Binalingan niya si Glee. Ang kanyang apong babae, Sampung taon ang agwat kay Neil. Isa itong Doctor sa malaking hospital. Kapatid si Glee ni Neil, sa ina. Ng mamatay si Alex nag-asawa muli ang ina ni Neil at naging anak si Glee. Ngunit namatay rin ito matapos ipanganak si Glee dahil sa komplikasyon.

 

“Gamutin mo ang sugat ng Kuya mo.” utos niya rito. Hindi na niya dinala sa hospital si Neil dahil Doctor na rin si Glee at ito na lang ang gumamot.

 

Hindi  na lang kumibo si Glee. Sinundan na lang niya ang kanyang kuya sa loob ng silid nito dala ang mga gamot at medical tools na kakailanganin niya sa pagtanggal ng bala sa paa nito.

 

“Ouch! Wala ka man lang bang nilagay na anesthesia sa akin?” reklamo ni Neil sa kapatid ng maramdaman ang sakit dahil sa pagkalikot nito ng bala sa paa niya. 

 

“Tiisin mo, wala akong stocks ng anesthesia rito sa bahay.” tipid na sagot ni Glee habang patuloy sa pag opera sa paa niya.

 

Natapos rin ang operasyon sa kanyang paa, ngunit naubos na rin niyang sabihin lahat ng klase ng pagmumura. Habang nagpapahinga, nakaisip na naman siya ng plano.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon