CHAPTER 27 - THE PLAN

90 1 0
                                    


Matapos itapon ni Neil ang Crystal vase sa likuran ng mansyon, nagpalinga-linga muna siya bago niya kinuha ang kanyang cellphone.

"Hello, tang'na, bakit ba ang tagal mo umaksyon? Binigay ko na sa'yo ang ang sketchplan ng bahay hindi ba? Huwag na huwag mong isipin na umatras sa usapan natin, dahil sinisigurado ko sa iyo, sa ilog ka pupulutin!" Puno ng pagbabanta ang boses niya

"Alam ko Neil, kaya pwede ba? Maghintay ka kung ayaw mong pumalpak ang plano! Inayos ko pa lahat ng mga tauhan mo. Mamayang gabi, bigyan mo sila ng sign kung tulog na lahat ng mga tao sa loob ng mansyon, at saka mo bubuksan ang gate. Kailangan nakahanda na ang lahat diyan, para mas mapabilis ang pag-atake nila sa asawa at anak ni Allaric." Buong detalye nitong sagot.

"Okay, sige, basta siguraduhin mo lang na wala kang tauhan na palpak at baka siya pa ang maging dahilan ng paghuli sa akin ni Allaric." Kinakabahan niyang sagot.

"Hindi 'yan mangyayari, hawak namin ang isang tauhan niya, at hindi alam ni Allaric. Mamayang gabi, siguraduhin muna namin na nakalabas na si Allaric sa mansyon, bago nila simulan ang pag-atake."

Sumilay ang demonyong ngiti sa labi ni Neil. "Very good, Jeanly. Iba nga talaga ang kayang gawin ng pagmamahal."

"Makukuha mo mamayang gabi si Jayna, at mapapa sa akin na rin si Allaric. Sabik na sabik na akong makulong sa mga bisig niya. Gusto ko na rin maranasan kung paano niya paligayahin."

"Put*ng babae ka, ramdam ko ang kalibugan mo ngayon. Nagtutubig na siguro ang talaba mo ngayon sa kai-imagine sa gagong iyon. Hindi mo ba alam na baka namamaos na ngayon ang boses ni Jayna, sa sobrang kaligayahan na pinaranas ni Allaric? Naririnig ko pa ang ungol nilang dalawa sa kanilang silid." Dinagdagan pa lalo ni Neil ang galit ni Jeanly kay Jayna, ngunit batid rin niya sa sarili na kahit siya nagseselos din sa sinasabi niya. Inggit na inggit siya kay Allaric, dahil nagawa ni Jayna ang lahat ng bagay para rito, samantalang siya noon, kahit halik ipinagkait pa nito sa kanya. Kaya bwisit na bwisit siya kay Allaric, mas lalo lang nitong dinagdagan ang galit niya.

"Ang walang hiyang babaeng iyon, hindi na rin magtatagal, ang kaligayahan niya dahil mamayang gabi ako na ang papalit bilang Ina ng mga anak niya." napa hagalpak pa ito sa sobrang excitement.

"Huwag ka munang masyadong excited, Jeanly. Alam natin pareho kung paano magtrabaho si Allaric. Baka sa sobrang tuwa mo eh, iiyak ka lang din naman pala kapag pumalpak ang plano. At ito sasabihin ko sa'yo babae ka, kapag pumalpak ka, huwag na huwag mo akong idamay." puno ng pagbabanta ang boses niya.

"Huwag kang mag-alala, maging matagumpay ang operasyon natin mamayang gabi. Basta gawin mo na rin ang parti mo riyan sa mansyon ni Allaric, dahil kung hindi, 'wag mo akong sisihin kapag ilalaglag kita."

"Put*ng Ina ka, huwag mo akong takutin at sinisigurado ko sa'yo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" nagsimula ng kumulo ang dugo ni Neil. Hindi pa sila naka pag-umpisa ng kanilang plano, tila naramdaman na niya na kaya siyang traydurin ni Jeanly.

"Relax lang Neil, ako nama'y mabait kapag mabait na rin sa akin. Ngunit sinisigurado ko lang na hindi ka bumaliktad sa napagkasunduan natin. Wala akong tiwala sa mga tauhan mo, malay ko ba kung may ini-utos ka sa kanila na papatayin ako kapag tapos ka na sa akin. Abah, let me tell you this, hindi lang puro tauhan mo ang nasa paligid ko, kundi pati tauhan ko na rin. At kapag ginalaw mo kahit dulo lang ng balahibo ko, sigurado alam na nila ang kanilang gagawin sa'yo." puno ng pagbabanta ang mga binitawang salita nito.

"Tangina, gawin mo na lang ang trabaho mo!" sigaw niya at galit na pinatay ang tawag.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

Napalingon si Neil ng marinig ang boses ni Troy mula sa kanyang likuran. Nakaramdam siya ng pamumutla. Inayos niya ang sarili at lumingon rito. Nagtagis ang kanyang bagang at pilit kinokontrol ang kanyang emosyon.

"Ahh, kayo pala boss, Troy, kanina pa ho kayo rito?" kinakabahan niyang tanong. Nag-alala siya at baka masira ang plano nila ngayong gabi ni Jeanly.

"No, ngayon lang," balewalang sagot nito sa kanya habang nagsisindi ng sigarilyo. Kumuha ito ng isa pang stick at inalok iyon sa kanya. "Gusto mo?"

Para mawala ang kanyang tensyon, kinuha niya ang sigarilyo at sinindihan din iyon. Umupo sila sa bench sa gitna ng hardin habang nag paligsahan sa pagbuga ng usok.

"Matagal ka na ba kay Boss Allaric?" tanong ni Neil.

"Oo, mula pa sa kanyang ama— si Boss Marco," pag-amin ni Troy habang nilalaro ang pagbuga ng usok sa bunganga niya.

Nang marinig ni Neil ang pangalan ni Marco, lihim niyang kinuyom ang kamao. Ang lalaking iyon na siyang dahilan kung bakit nahuli at namatay ang kanyang ama. Ang taong naging dahilan kung bakit lumaki siyang mag-isa sa bundok. Kung hindi dahil sa lolo Allen niya na siyang kumupkop sa kanya, hindi siya maging matagumpay na negosyante ngayon. Nakita niya kung paano pinutol ang ulo ng kanyang ama dahil sa hatol ng ama ni Allaric at nasaksihan rin niya kung paano namatay ang kanyang lola dahil sa pagbaril ni Allaric. Lahat ng iyong inipon niya sa dibdib niya at hindi siya titigil hanggat hindi siya nakaganti. Buhay ang inutang nito kaya buhay rin ang maging kabayaran.

"Mukhang loyal ka talaga sa pamilya Dela Vega, ang swerte nila," saad niya.

Ngumiti si Troy. "Ako ang swerte sa kanila. Dati walang direksyon ang buhay ko, ngunit dahil kay Boss Marco, nagkaroon ulit ako ng kabuluhan sa buhay. Bago siya mamatay, nangako ako sa kanya na aalagaan ko ang mga anak niya. Kaya siguro dito na rin ako mamatay sa piling ni Boss Allaric," sagot ni Troy.

Tila hindi na nakatiis si Neil, at gusto na niyang tapusin ang kanilang pag-uusap bago pa niya makalimutan na nagpapanggap lamang siya. Kapag nagpatuloy pa siyang makipag-usap rito, sigurado siyang puputok na ang dibdib niya sa galit. Bawat sagot ni Troy sa kanya, direktang nagpapainit ng ulo niya. Binalingan niya ito at nagpaalam ng umalis.

"Sige, boss Troy, mauna na ako, may kailangan pa kasi akong tapusin," paalam niya rito.

"Okay sige," tipid rin nitong sagot at tinanguan siya.

Madilim ang anyo niya na iniwan si Troy. Samantalang si Troy naman, hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa likuran ni Neil. Hindi alam ni Neil, na narinig niya lahat ng sinasabi nito kanina mula sa kausap nito sa telepono. At hindi siya tanga na hindi alam ang tungkol sa binabalak nitong gawin. Ngayon alam niyang si Neil at Anton ay iisa at kailangan niyang ipaalam ito sa boss niya.


SUMAPIT ANG ALAS SYETE NG GABI at halatang balisa na si Neil. Kanina pa siya panay ikot sa loob at labas ng mansyon tila kinakabisado ang bawat galaw ng lahat ng tao sa loob at labas. Nakita niyang pumasok na si Jayna sa silid ng mga anak nito, samantalang si Allaric, kakaalis lang din upang iligtas ang tauhan nito. Sumilay ang masamang ngiti sa labi niya. Hindi alam ni Allaric na si Jeanly ang may hawak ngayon ng tauhan nito. Sabik na siya sa mga mangyayari mamaya. "Ang tangang Allaric, iniwan ang asawa't anak niya para lang iligtas ang tauhan niya. Hindi niya alam mas malaki pa pala ang mawawala sa kanya." nakangisi siya.

"Mukhang tuwang-tuwa ka ngayon ah?" tanong ni Troy ng madaanan siya sa labas ng gate na tila may inaabangan.

Gulat siyang napalingon. "Ah, wala ho, boss," nakangiti niyang sagot.

Tumango-tango lang si Troy. "Ganun ba? Mukha ka kasing excited. Sige na, bumalik ka na sa kubo mo," utos nito sa kanya.

"Sige po," paalam ni Neil at mabilis ang pagtalikod. Lihim na sumilay ang demonyong ngiti niya. "Tingnan lang natin Troy kung saan ka pupulutin mamaya," sa isip niya habang naglalakad pabalik ng kanyang kubo.

Limang oras ang nakalipas, muling lumabas ng kubo niya si Neil. Kasalukuyang nakatayo ang kanyang kubo sa likuran ng mansyon kaya nakikita niya kaagad ang pagpatay ng ilaw sa masters bedroom.

Nakangiting tinawagan niya si Jeanly.

"Nasaan na sila ngayon? Tulog na ang lahat ng tao sa loob at labas ng mansyon. Mayroon lang sampung gwardya na naka-bantay sa harap ng gate at sampu naman sa likuran. Kayang-kaya yan ng mga tauhan natin."

"Kanina pa sila riyan nag-aabang ng go signal mo. Huwag mo na akong guluhin rito at nag fofocus ako kay Allaric. Papunta na siya rito upang iligtas ang tauhan niya."

"Shuta mo Jeanly, huwag lang pumalpak, mga tauhan mo rito kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin!"

"Ginawa ko na ang parte ko Neil. Hinanda ko na sila dyan para sa'yo, so problema mo na kung paano mo sila utusan!" saka nito pinatay ang tawag.

"Hello, jeanly! Jeanly! Tanga, ang put**" parang ubusin na ni Neil lahat ng mura niya sa galit kay Jeanly. Basta si Allaric talaga ang pag-uusapan nawawala ito sa focus. Sinubukan niyang kontakin ang mga tauhan niya at isa-isa n'ya itong binigyan ng instruction.

Ilang sandali pa, maririnig na ang mga putukan sa labas ng mansyon..

"Tangina!" mura ni Neil. "Sinong nagpaputok? Hindi pa nga ako nagbigay ng go signal nagpaputok na agad kayo! Singhal niya sa kanyang mga tauhan mula sa cellphone niya.

"Ako ang nag-utos, kaya magtago ka na ngayon pa lang Demonyo ka dahil hindi ka na makakalabas dito ng buhay."

Namutla ang mukha ni Neil matapos marinig ang galit na boses ni Allaric. Paano nito nalaman ang tungkol sa plano nilang dalawa ni Jeanly? "Tanginang Jeanly. Taranta niyang tinawagan ang babae, ngunit hindi pa man siya nakapagsalita, ang humihingal na sigaw na nito ang naririnig niya.

"Neil, tulungan mo ako, hinahabol ako ng mga tauhan ni Allaric!"

"Put**ng ina Jeanly, ano ba ang nangyari?" Galit niyang sigaw.

"Ang buwisit na Allaric, na isahan niya ako. Pekeng Allaric pala ang pumunta rito! Kaya magtago ka na riyan dahil alam niya lahat ng plano natin! Ikaw rin ang dapat sisihin dahil hindi ka nag-iingat!" Galit ring sigaw ni Jeanly.

"Paano naging ako, kung ginagawa mo lang sana ang trabaho mo, hindi tayo papalpak!"

"Ikaw ang palpak! Tanga mo, gago ka! Hindi mo ba alam na dahil sa'yo, nalaman lahat ni Troy mga plano natin!?"

Saglit na natigilan si Neil dahil sa narinig..nakuyom niya ang kamao ng maalala ang tagpo kanina na nakita niya si Troy matapos ang pag-uusap nila ni Jeanly. Namumula siya sa galit. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makatakas rito.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon