CHAPTER 5 - NOT AFRAID TO DIE

126 2 0
                                    


Mabilis naman na sumunod ang dalaga sa binata, upang humingi sana ng pagkain, bago pa mag-iba ang modo nito.

Ngunit nagulat siya dahil sa kusina ito dumeretso. Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa at nagmasid lang sa ginagawa ng binata. Hindi niya alam kung ano ang niluluto nito, nahiya naman siyang magsabi na nagugutom siya at gusto niyang humingi ng pagkain, baka sungitan lang siya. Nakaramdam na nga siya ng pagkainip dahil ilang minuto na ang nakalipas parang hindi pa rin ito tapos sa kanyang ginagawa sa kusina. Akmang tatayo na siya ng maamoy niya ang sarap ng amoy ng chicken steak. Napalunok siya ng laway, na bumalik mula sa pagkakaupo. Mas lalong nanuot ang sarap ng amoy nito ng ilapag ng binata ang kanyang niluto sa harapan niya at may kasama pa itong kanin.

"P..para sa akin ba to?" nahihiya niyang tanong sa binata.

"Hindi, para sa akin. Nakita mo na ngang nilagay ko sa harapan mo diba?"sarkastikong sagot nito sa kanya.

"Hmmmp, nagsusungit ka na naman, parang nagtatanong lang eh, baka mamaya, pag kinain ko to sakalin mo ako."

"Napakadaldal mo talaga, akala ko ba nagugutom ka na?" naiirita niyang tanong sa dalaga.

Sinimangutan lang siya nito, at mabilis na kinamay ang pagkain, dahilan upang mapa-awang ang mga labi niya. Napakamot siya sa batok.

"Ganyan ka din ba kapag nasa bahay nyo? Hindi ka man lang naghuhugas ng kamay bago mo lantakin ang pagkain?" sita niya sa dalaga dahilan upang mapatigil ito sa pagsubo. Tiningnan siya nito na parang bata, at binalik ang pagkain sa plato. Lihim siyang napangiti ng makita na parang tuta itong pumunta sa lababo at naghugas ng kamay.

"Naghugas na ako, pwede na ba akong kumain?" nagmamaktol nitong tanong sa kanya. Halatang naiinis dahil nabitin ang kanyang pagkain.

"Uhmmm," tipid niyang sagot dahil nahalata na niyang gutom na gutom na talaga ang dalaga.

"Dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka. Paano kung may lason yan, eh di madali kang matigok."

Parang gusto na talagang suntukin ni Jayna ang lalaking kaharap dahil lahat na lang ng kilos niya binabantayan nito. Hindi niya na lang ito pinansin, nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Aaminin niyang nasarapan siya sa niluto nitong chicken steak, ayaw man niyang ipahalata ngunit nadadaig siya ng kanyang gutom. Naparami siya ng kain, at halos wala ng natirang ulam sa plato dahil inubos na niyang lahat.

"Siya nga pala, anong tinapos mo?" seryoso nitong tanong sa kanya.

"Hindi ako nakapagtapos," tipid niyang sagot.

"Huwag ka ng magsinungaling, Business Management ang tinapos mo." Napasimangot siya sa tinuran ng binata sa kanya. Alam na pala nito bakit pa nagtatanong. "Teka bakit niya nalaman?" sa loob-loob niya.

"Simula bukas, sa opisina na ang trabaho mo." Muntik pa siyang mabulunan ng tubig ng marinig ang utos nito. Nandilat ang kanyang mata na tumingin sa binata.

"Hindi pwede may trabaho ako." naiirita niyang sagot sa binata.

"Alam ko, sa Monolithic Engineering Services ka nagtatrabaho. Hindi ka na babalik doon. Simula bukas ikaw na ang bagong secretary ko."

Padabog niyang nilagay ang baso sa mesa, gusto niyang tumutol sa sinabi ng binata. Galit niya itong pinukulan ng masamang tingin. Hindi niya alam kung paano nalaman ng lalaking ito ang personal background niya.

"Hindi, ayaw kong magresign sa trabaho ko, maghanap ka ng personal secretary mo kung gusto mo. Ayaw kong magpahawak sayo, ngayon pa nga lang hindi na tayo magkakasundo, tapos may balak ka pang kukunin akong personal secretary mo? Huh, Never!"

"Pumili ka, magreresign ka sa trabaho mo at maging personal secretary ko, o hindi ka aalis sa trabaho mo, ngunit mananatili kang nakakulong dito sa bahay?"

Nakuyom ni Jayna, ang kanyang kamao, parang gusto na naman niyang lumabas sa balat niya. Bakit ba ang hirap kausapin ng lalaking ito? Sa lahat pa naman ng ayaw niya ang dinidiktahan ang buhay niya. Bumalik siya sa mula sa malalim na pag-iisip ng marinig muli ang sinabi nito.

"Huwag mo ng pag-aksayahan pa ang mag-isip, wala din naman silbi yan dahil desisyon ko pa rin ang masusunod."

"No, mas gugustuhin ko pang manatili dito sa bahay mo na nakakulong kaysa ang makasama ka araw-araw, at walang ibang ginawa kundi ang maging sunud-sunuran sayo na parang puppet mo!"

Bang!

Agad siyang nasindak ng hinampas ni Allaric ng malakas ang ibabaw ng mesa. Galit itong tumayo at nanginginig na sinakal siya.

"Bakit ba ang hirap mong mapasunod sa gusto ko huh?! Baka nakakalimutan mo na simula ng binenta ka ng iyong ama ay pag-aari na kita. Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ako, kung gusto mong mabayaran ang malaking utang ng iyong ama, dahil kung hindi.."

"Dahil kung hindi, ano! huh!? Papatayin mo ako? Sige, tutulungan pa kita!" Biglang nakasalubong ang kilay ni Allaric ng marinig ang sagot ng dalaga. Agad siyang natigilan ng makitang mabilis ang mga kamay nito na kinuha ang slicing knife na ginamit niya kanina sa paghiwa ng chicken steak. Akmang gigilitin na ng dalaga ang pulso niya sa kamay ng mabilis niyang inagaw ang slicing knife sa kamay nito at tinapon sa kung saan.

Matagal silang nagkatitigan na dalawa. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Halata sa mga titig nila ang galit sa bawat isa. Dahil nanggigigil si Allaric sa sobrang pagtitimpi ng galit niya sa dalaga, muli na naman niya itong sinibasib ng halik na may kasamang parusa.

Nahulaan naman ng dalaga ang tumatakbo sa isipan ng binata kaya agad niya itong pwersahan na tinulak bago paman siya nito mahawakan ng mahigpit. Nanginginig ang katawan niya na sinampal ang binata. Natauhan siya sa kanyang ginawa, nang makita na nag-uusok sa galit ang kanyang kaharap. Mabilis siyang tumalikod dito at patakbo na tinungo ang silid niya kanina.

Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto bago paman ito makapasok sa silid niya. Nagbuga siya ng hangin habang nakasandal sa likod ng pintuan. Sobra ang kaba na naramdaman niya, muntik na siya kanina. "Mababaliw na yata ako kapag tumagal pa ako dito. Madalas na akong sinusumpong ng tantrum ko." Humihingal niyang usal sa sarili.

"Fuck! Jayna! buksan mo ang pinto!" narinig niyang sigaw ng binata sa labas ng pintuan. Napapikit pa siya ng maramdaman ang lakas ng pagsipa nito sa pinto.

"Kapag nagpupumilit kang pumasok dito, itutuloy ko ang pagpapakamatay!" balik niyang sigaw kay Allaric. Ilang minuto pa siyang nakiramdam sa maaring gawin ng binata, ngunit kalahating oras na ang nakalipas, wala pa rin siyang naramdaman na mga galaw sa labas ng pintuan. "Umalis na kaya siya?" tanong niya sa sarili.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon