Slap!
"Isa kang walang kwentang anak! Ano ang silbi ng pagpapalaki namin sa iyo kung hindi mo kami tutulungan!?"
Nang sampalin siya ng kanyang ama, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. Naninikip ang kanyang kalooban, at pilit niyang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na sinampal sya ng daddy niya dahil gusto nitong bayaran ang utang sa isang mayaman na lalaki sa pamamagitan ng pagbebenta sa kanya. Napuno ng hinanakit ang kanyang dibdib habang nakatingin sa kanyang ama, na galit na galit na nakatingin sa kanya.
"Dad, hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi mo ako itinuturing na anak mo. Dad, tao rin ako, at hindi ko hahayaang pilitin mo akong bayaran ang utang na dulot ng kapatid ko."
"Stupida! Huwag kang maging makasarili Jayna; alam mong may sakit sa puso ang kapatid mo, at ikaw lang ang maaasahan namin para mabayaran ang sampung milyong dolyar na utang natin kay Boss Allaric!" Sigaw ni Mayor Enrique sa kanyang anak habang kinakaladkad ito palabas ng kanilang bahay.
"Daddy, nakikiusap ako sayo, huwag mong gawin ito sa akin, Mommy, please...tulungan mo ako!" Humihikbi at nagmamakaawa si Jayna nang hilahin siya ng bodyguard ng kanyang ama palabas ng gate na labag sa kanyang kalooban. Ngunit ang kanyang ina, sa gitna ng isang manicuring session sa sala ng pamilya, ay tila hindi pinapansin ang mga sigaw ng kanyang anak.
Habang nakaupo sa sasakyan, hindi mapigilang humagulgol ni Jayna. Simula pagkabata, siya na ang palaging nagtatakip sa mga pagkakamali ng kanyang nakakatandang kapatid. Kahit laruan ang pag-uusapan, dapat munang makuha ng kapatid niya, bago siya. Lagi siyang pinapagalitan ng mga magulang niya dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang ugali ng kapatid niya. Lagi nilang sinasabi dahil may sakit ang ate niya, hindi katulad niya na wala. Wala na ba siyang ibang choice kundi bayaran ang utang ng kanyang ama?
Maya-maya ay huminto ang kanilang sasakyan sa isang pribadong isla. Inangat niya ang mukha at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha habang nag pasulyap-sulyap sa paligid. Sa unahan nila, nakita niya ang isang malaking karatula na may nakasulat na Isla de la Promesa, na nangangahulugang "Ang Isla ng Pangako."
"Lumabas ka nga at ayusin mo yang mukha mo kung ayaw mong masampal kita ulit! Ayokong mapahiya sa may-ari ng islang ito!" Sigaw ni Mayor Enrique sa kanyang anak habang kinakaladkad ito palabas ng sasakyan. Napangiwi si Jayna ng humigpit ang hawak ng ama sa kamay niya.
"Pakiusap, Dad, gusto ko nang umuwi; pangako tutulungan kitang mabayaran ang utang mo kapag hindi mo ako ibinenta. May trabaho ako at manghihiram ako ng pera sa opisina." Umiiyak na naman siya habang nakakapit sa pintuan ng kotse, tumangging sumama sa kanyang ama.
Itinaas ng kanyang ama ang kamay nito para sampalin sana siya ngunit napatigil ito nang makitang tumalima siya sa paglalakad. Wala na siyang magawa kundi ang sundin ito kahit labag pa sa kanyang kalooban. Hindi man umubra ang pagmamakaawa sa kanyang ama, umaasa siyang papayag ang lalaking nagbabalak bumili sa kanya at pakawalan na lang siya.
Nang bumaling sa kanya ang kanyang ama, naabutan pa nito ang pagmamaktol niya habang nakasunod sa likuran nito. Biglang napatigil ang kanyang ama at sinigawan siya.
"Ayusin mo yang mukha mo! I'm telling you for sure na kapag hindi ka namin mabenta ng mommy mo at pag nagmukha akong masama sa harap ni Boss Allaric, papatayin kita pag-uwi ko!"
Dahil sa sinabi ng kanyang ama ay muli niyang pinigilan ang sarili na umiyak. Pakiramdam niya ay wala na itong pakialam sa kanya. Hindi nagtagal ay pumasok na sila sa malaking gate, ilang metro lang ang layo sa tabi ng dagat. Tila inaasahan ng guwardiya ang kanilang pagdating dahil agad silang pinapasok. Nagulat siya sa ganda ng buong mansion na bumungad sa kanya; sa TV drama series lang niya nakita ang magagandang tanawin nakapalibot sa villa.
"Good morning, boss Troy. Nasa loob ba si boss Allaric?" Sinubukan ni Mayor Enrique na kausapin ng magalang ang lalaking sumalubong sa kanila nang pumasok na sila sa gate.
"Kanina ka pa niya hinihintay sa opisina niya sa taas," sagot ni Troy, underboss ni Allaric Dela Vega, na pinagkatiwalaan niya. "Sumunod ka sa akin sa taas, ihahatid ko na kayo. Ganun pa man, medyo galit ang amo ko," patuloy niya, dahilan para biglang namutla ang mukha ni Mayor Enrique.
Knock! Knock!
"Boss, nandito na si Mayor Enrique," anunsyo ni Troy habang kumakatok sa nakasarang pinto.
"Let him in!" Dahan-dahang binuksan ni Troy ang pinto sa opisina ng kanyang amo matapos marinig ang tugon nito.
Pagpasok nila, lumingon si Jayna sa kanyang ama at napansin niyang namumutla na ito sa pagkabalisa. Nagtataka pa rin siya kung bakit pinagpapawisan ng malamig ang kamay at noo nito nang pumasok sila. Naibaling niya ang tingin sa lalaking nakaupo sa harap ng table nito, abala sa pagpirma sa mga dokumentong nakatambak sa ibabaw. Nagtataka siya kung bakit natatakot ang kanyang ama sa lalaking ito, gayung hindi naman nakakatakot ang mukha.
Nahulaan niya na ang lalaki ay 24 taong gulang lamang. Ang kanyang mukha ay may perpektong hugis; malalim ang dimple niya sa kanang bahagi ng pisngi, mahahabang pilik mata, at napakatangos ng ilong. Siya ang tipo ng lalaki na hindi niya maikukumpara sa mga gwapong lalaking artista na madalas niyang makita sa TV. Masasabi niyang he is Adonis the Greek God. Kahit simpleng puting t-shirt lang ang suot niya na hapit sa nag-umpukan na muscles sa kanyang bisig, flawless ang bawat pulgada ng katawan niya. Sigurado siyang luluhod ang sinumang babae sa harap nitong Adonis, para lang matikman ang mga yakap at halik nito. Hindi siya perfectionist, pero masasabi niyang nalampasan ng lalaking ito ang kanyang inaasahan. Kahit hindi ito nakahubad, masasabi niyang may limang pakete ng abs ito sa tiyan. Siya naman ay hinding-hindi ipagpapalit sa lalaking ito ang matagal na niyang nobyo. Hindi perpekto ang boyfriend niya, pero mahal niya ito at malapit na silang ikasal. Naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para mag-propose ito sa kanya.
"Dala mo na ba ang pera?" seryosong tanong ng lalaki, habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga papeles na pinipirmahan niya.
"Ah, hehehe, Boss Allaric, makikiusap sana ako kung pwede, ito anak kong babae na lang ang gawin kong pambayad sa sampung milyong dolyar na inutang ko."
Biglang natigilan si Allaric dahil sa sinabi ng mayor. Umangat siya ng mukha, upang tingnan ang babae, sandali silang nagkakatitigan na dalawa. Nakaramdam ng kaba si Jayna ng makita niya ang galit sa berdeng mga mata nito, ngunit hindi siya nag pahalata. Takot na ang kanyang ama sa lalaking ito, hindi pwedeng pati siya magpapadala na rin sa kanyang emosyon.
BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
RomanceDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...