CHAPTER 23 -HIS STOLEN WIFE

94 2 0
                                    

Apat na oras na ang nakalipas, ngunit nagtataka si Allaric kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ang asawa niya. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, ngunit out of coverage ang palaging sagot ng system operator sa kanya. Kinakabahan na siya. Kanina pa natapos ang board meeting, nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nakapag lunch. Hinihintay kasi niya na sabay silang mag lunch ni Jayna, ngunit mag-aalauna na ng hapon, wala pa rin ang kahit anino nito, patunay na dumating na ito, sa kanilang kumpanya. Naisipan niyang tawagan ang driver nitong si Andres.

"Andres, nasaan na kayo ngayon ng Ma'am Jayna mo? Matagal pa ba kayo?"

Parang iiyak na sumagot si Andres sa kanya, "Boss, 'yun nga din po ang pinagtataka ko, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin po siya lumalabas ng ospital.

Pumasok na po ako sa loob at hinanap siya. May nakapag turo sa akin na doon siya pumasok sa loob ng ob-gyne clinic ni Dra. Juson, nang pumunta naman ako doon, sinabi sa akin ng Doctor niya na mahigit dalawang oras na daw siyang nakalabas at akala nila nakauwi na raw ito."

"Putang Ina," Mura ni Allaric matapos marinig ang sinabi ng driver ni Jayna. Agad niyang pinatay ang tawag, at diretsong tinawagan ang Admin ng Amarah Hospital.

"Tangina Alex, nawawala ang asawa ko sa loob mismo ng Amarah hospital! Ano ang ginagawa ng mga tauhan mo, natutulog!? Hindi man lang nakaabang sa CCTV, nawawala na ang asawa ko hindi nyo pa alam! Mga Putang Ina!"

Napuno ang tainga ni Alex, ng mura ng boss niya. Ramdam niya ang sobrang galit nito, dahil sa pagiging pabaya nila. "B..boss, ngayon mismo, halughugin namin ang bawat sulok ng hospital upang hanapin ang asawa ninyo." Natarantang sagot ni Alex.

"Dapat lang! Siguraduhin mo lang na hindi pinabayaan ng mga tauhan mo ang trabaho nila, dahil sa oras na may mangyaring masama sa asawa ko, alam nyo na ang magiging hatol ko!"
Galit na pinatay ni Allaric ang tawag at humarap sa computer niya. Mabilis siyang nagtipa sa keyboard. Ilang sandali pa, naglalabasan na ang iba't-ibang codes mula sa screen monitor ng kanyang computer. Mabilis lang niyang napagtagumpayan na e-hack ang computer system ng Amarah Hospital dahil siya din naman ang naglagay ng firewalls software doon.

Samantalang, pagpasok ni Alex sa CCTV room ng Hospital, bigla siyang namutla ng makita ang kanyang mga tauhan na nakatulala habang nakaharap sa naka black out na screen monitor ng kanilang mga computer. May nakalutang na ito na mensahe, "Putang ina nyo, humanda kayo sa akin kapag may nangyaring masama sa asawa ko, dahil sa kapabayaan ninyo!" Nang mabasa ni Alex, ang nakalagay na berdeng signature box sa ibaba ng mensahe na nakapangalan kay "Demon King" mas lalo siyang pinawisan ng buo sa noo. Alam na niyang si Allaric na ang nag mamanipula ng computer nila sa mga oras na ito. Galit niyang sininghalan ang kanyang mga tauhan,

"Tangina, ano ba talaga ang nangyari sa inyo bakit hindi nyo manlang nakita na nawawala na ang asawa ng may-ari nitong ospital! Hindi n'yo ba alam na matatanggalan kayo ng trabaho, dahil sa kapabayaan nyo!?

Kakatapos niya lang sabihin 'yun ng muling nag ring ang kanyang cellphone. Nanginginig ang mga kamay niya ng makita na ang Demon King ang tumatawag. "B..boss,"
"Putang Ina, ka talaga Alex! Putang ina ka na talaga! Buntis ang asawa ko at may dumukot sa kanya sa labas ng Cr ng ospital! Paanong hindi n'yo napansin ang nangyari sa kanya!? Tangina!"

Napapikit na lang si Alex dahil sa lakas ng pagmumura sa kanya ng boss niya sa kabilang linya.

Ramdam niya ang parang iiyak na boses nito, dahil sa pinaghalong kaba na baka may nangyaring masama sa asawa nito at sa sobrang galit sa kanila dahil sa kanilang kapabayaan. "Wag moynang hintayin pa na ako mismo ang hahatol sa mga tauhan mo, Alex! Dahil alam mo ang batas ko!"

Matapos sabihin yun ni Allaric kay Alex, agad na rin niyang pinatay ang tawag. Sinuntok niya ang wall ng kanyang opisina, isang tao lang ang pinagdududahan niya na dumukot sa kanyang mag-ina. "Ahhhh, Jayna!" Sigaw niya habang patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. "Kapag may mangyaring masama sa asawa at anak ko Niel, mananagot ka sa akin!" Nanlilisik ang mga mata ni Allaric habang sinasabi ang mga salitang yun sa loob-loob niya.
Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Agad na niyang pinakilos ang mga tauhan niya, upang hanapin ang kanyang asawa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanila. Ang baby Demon niya, sobrang saya niya ng ma hack niya ang computer system ng clinic ni Dra. Juson, at nalaman niyang, 6 weeks ng buntis ang kanyang asawa. Walang pagsidlan ang kaligayahan nya ng sa wakas mayroon na silang anak na siyang magpapatibay lalo, ng pagmamahalan nilang dalawa ni Jayna.

"Troy, nakahanda na ba lahat ng mga tauhan natin?" Tanong niya agad kay Troy ng tawagan niya itong muli.

"Nakahanda na po sila ngayon boss, kasalukuyan po silang nasa lungga ng Demon King ngayon."
"Nandoon na rin ba ang mga Mafia na nanggaling sa ibang bansa?"
"Lahat sila boss, at alam na nila ang dapat gawin."

"Sige, simulan nyo na ngayon mismo ang paghahanap kung saan dinala ni Niel ang asawa ko. Alam kong malaki ang kinalaman niya sa pagkawala ng aking mag-ina."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Troy sa telepono, agad ng nilisan ni Allaric ang kumpanya, at sinimulan na rin ang paghahanap kay Jayna. Kakaupo niya lang sa loob ng kanyang kotse ng marinig niyang may tumatawag sa kanyang telepono. Agad niyang sinagot 'yun para lang magulat sa boses ng babae na nagsalita sa kabilang linya.

"Luv,"

"Sweet Angel?" Biglang natanong niya habang nakahawak sa manibela ang isang kamay niya. Nahalata niyang umiiyak ito sa kabilang linya, at boses ito ng asawa niya.

"Luv, I'm sorry, wag mo na akong hanapin, talagang sumama ako kay Niel."

Parang hindi makapaniwala si Allaric dahil sa kanyang narinig. "Sweet angel, ano ba pinagsasabi mo? Sweetheart, nasaan ka ba ngayon, huh? Susunduin kita, kayo ng baby Demon natin." Nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata habang sinasabi 'yun, kay Jayna.

"No, Allaric, si Neil pa rin ang mahal ko, at hindi ikaw, kaya kalimutan mo na kami ng anak mo."

"Sweet Angel…mahal kita, wag mo naman gawin sa'kin to, sabihin mo kung saan ka, susunduin kita Luv, kailangan ako ng baby Demon natin."
Ngunit wala nang sumasagot sa kabilang linya dahil pinatay na nito ang tawag. "No..no..Jayna!" Sigaw ni Allaric habang pinaghahampas ang manibela ng sasakyan niya.

Ilang sandali pa'y, tumunog ang message notification sa cellphone niya. Nang binuksan niya ito, ang larawan ni Neil at Jayna, na magkayakap habang nakahiga sa kama, ang bumungad sa kanya.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Allaric dahil sa kanyang nakita. Hindi matanggap ng sistema niya, na kaya siyang lokohin ni Jayna, sa kabila ng paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya na totoong mahal siya nito at nagseselos ito sa tuwing may ibang babae siyang kasama. "Ahhhh, sweet angel..Bakit?" Mabilis na pinahid ni Allaric ang kanyang mga luha, at muling tinawagan si Troy.

"Troy, wag kayong tumigil8 y⁹hangga't hindi nyo nahahanap ang lungga ni Neil. Kailangan kong mabawi ang asawa ko." Matapos sabihin 'yun. Agad niyang pinatay ang tawag at sinubukang e-trace up ang kinaroroonan ni Jayna sa pamamagitan ng number na ginamit nito upang tawagan siya.
Hindi siya titigil hanggat hindi niya ito makita. Kung noon, nagawa niyang makuha si Jayna kay Neil, ngayon pa ba siya susuko, gayung alam na niya na sa sinapupunan nito ang bunga ng pagmamahalan nilang dalawa? Hindi siya naniniwala na si Neil pa rin ang mahal nito, ramdam niyang mahal na mahal siya ni Jayna, sa tuwing pinagsaluhan nila ang init ng kanilang mga katawan sa kama. Ramdam niya ang pagmamahal sa bawat dampi ng mga halik nito sa kanya. Maging sa pinagbubuntis niya ngayon, walang ibang pinaglihian ito kundi ang katawan niya. Alam niyang hahanap-hanapin pa rin siya nito.

SAMANTALANG, panay sa pagbuhos ang mga luha ni Jayna, habang nakatali ang kanyang mga kamay sa likurang bahagi ng inupuan niya. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa kanyang kapatid na si Jeanly na kasalukuyang nakaupo sa couch at kahalikan si Neil. Kakatapos lang ng mga ito na hubaran siya at pilitin na yumakap kay Neil habang nakahiga sila sa kama. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod, dahil nag-alala siya sa maaring mangyari sa kay baby Damon sa sinapupunan niya. Baby Damon na ang pangalan niya dito at excited na sana siya na sabihin yun kay Allaric ngunit hindi niya inaasahan na ito ang mangyayari sa kanya.

"Luv," usal niya sa sarili ng maalala na naman ang masakit na salita na sinabi niya kay Allaric kanina. Alam niya na nasaktan niya ang damdamin nito kanina, ng pilitin siya ni Neil na sabihin ang mga salitang 'yun. Umangat siya ng tingin at naluluha na tiningnan ang walang hiya niyang kapatid na siyang nagdukot sa kanya upang dalhin kay Neil.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon