CHAPTER 31 - BIGGEST TRIALS

55 0 0
                                    


"Pagsisisihan mo ito Mr. Dela Vega!" Impit na sigaw ni Mr. Balcuba habang hawak ang kamay na nabutas ng bala ng baril ni Allaric.

Kinuha ni Allaric ang wet tissue na binigay ni Troy upang punasan ang kamay niya na natalsikan ng dugo. Halatang sanay na sanay ito sa ginagawa dahil hindi man lang mababakas ang anumang takot, pagsisisi ang aura nito. Nasa mukha pa rin nito na kayang ilarawan ang orihinal na pagiging Demon King sapagkat wala itong kinatatakutan. Kung mayroon

man, iyon ay ang madamay ang pamilya niya. They are his bottomline, at sinumang gumalaw ng isa sa mga kapatid niya, asawa o mga anak, siguradong mayroon siyang buhay na ibabawas sa mundo.

Sinulyapan ni Allaric ang hourglass sand na nakapatong sa kanyang sariling table na sa loob din ng conference room. Gumalaw ng matigas ang muscles sa panga niya. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at matiim na tinitigan si Mr. Balcuba. "Leave! Huwag mo ng hintayin na maubos ang buhangin sa loob ng hourglass na yan, dahil ganyan na lang kaliit ang pasensya ko!"

Tumingin din si Mr. Balcuba sa direksyon kung saan nakatingin si Allaric. Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha ng makita na konti na lang ang laman ng buhangin sa loob ng hourglass. Unti-unti na itong dumadaloy pababa at kapag naubos iyon siguradong hindi niya magugustuhan ang kasunod na gagawin nito.

Akmang lalabas na ang mga ito ng biglang nakatanggap ng impormasyon si Troy sa kanyang telepono.

"Boss, masamang balita. Sumabog ang eroplano na tinuloy nating paliparin kanina." Bulong ni Troy sa tainga niya ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Mr. Balcuba.

Nanlilisik ang mga mata niya na binalingan ito.

"Wa-wala akong alam diyan." Agad na paliwanag ni Balcuba habang nakatingin kay Allaric.

"Urgh.."Pwersahan niyang sinakal ito sa leeg at hinatak papunta sa glasswall kung saan makikita nila ang mga nagtataasang mga building sa sa labas. Nakatiimbagang ang mga panga niya na iningudngud ang mukha nito sa wall.

"Nakita mo ba ang Condominium na yan? Tingnan mong mabuti!"

Biglang namutla ang mukha ni Mr. Balcuba ng makita ang condominium kung saan kasalukuyan silang nakatira ng asawa at mga anak niya. Sunod-sunod siyang napalunok ng kanyang laway habang iniisip kung ano ang pina-plano ni Allaric.

Binitawan siya ni Allaric at nakapamewang na binalingan si Troy.

"Kumusta ang inutos ko sa'yo?"

"Maayos na ang lahat, boss." Sagot naman ni Troy.

Nanatili lang sa kanilang kinatatayuan ang mga kasamahan ni Mr. Balcuba, dahil sa takot na baka sila naman ang pagbalingan ni Allaric.

Tumabi siya rito habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"I'm a man full of sand, Mr. Balcuba, and that sand represents my patience." Tinuro ng mga mata ni Allaric ang direksyon kung saan nakapatong ang hourglass sand.

Napabaling bigla si Mr. Balcuba sa hourglass sand. Kasabay ng huling patak ng buhangin mula sa loob niyon ay ang pagyanig ng paligid dahil sa isang malakas na pagsabog. Napaluhod siya ng makita na sumabog ang condominum kung saan naroon ang kanyang pamilya.

"Lunaaaaahhh!" Sigaw niya sa kanyang asawa at humagulgol ng iyak. Tumingala siya kay Allaric. "Pinatay mo ang pamilya ko!"

"Kulang pa yan kung ikumpara sa libo-libong pamilya na binawian mo ng buhay! Ngayon nararamdaman mo na rin ba, kung ano ang nararamdaman ng mga pamilya na iniwan nila? I will let you feel their pain, Mr. Balcuba!" Pagkatapos sabihin iyon ay agad na niyang tinalikuran ito. Tinapunan muna niya ng matalim na tingin ang mga taong aso na kasama nito bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon