CHAPTER 28 - KNEEL BEFORE HIM

118 3 2
                                    


Nagmamadaling tinawagan ni Neil ang lolo Allen niya. Wala siyang kasiguraduhan kung makakalabas pa siya dito ng buhay.

"Lolo, tulungan nyo po ako, papatayin ako ni Allaric," natataranta na wika niya sa telepono.

"Anong, papatayin ka ni Allaric? Teka..hindi kita maintindihan, saan ka ba ngayon?" tanong ni Master Allen

Hindi alam ni Neil kung paano sagutin ang lolo niya. Hindi kasi nito alam ang lahat ng mga pinanggagawa niya sa pilipinas.
"Nandito po ako sa mansyon ni Allaric, lolo." mahinang sagot niya.
"Ano?" halata ang gulat sa boses ng lolo niya. "Ano ba ang dahilan mo at pumunta ka sa mansyon niya? Di ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ang paghihiganti dahil amanos na tayo sa pamilya Dela Vega? Namatay na ang mga magulang ni Allaric, katumbas ng pagkamatay din ng daddy at lola mo. Bakit mo pa ba pinagpipilitan ang paghihiganti?" Bakas ang galit ng lolo niya. Umigting ang panga niya dahil sa panenermon nito.

Bang! Bang!

"Lolo, andyan na sila, huhulihin na nila ako," parang iiyak na wika ni Neil, habang tumatakbo sa likod ng kanyang kubo. Mabilis na niyang pinatay ang tawag. Ayaw niyang marinig ng mga ito ang boses niya. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa damuhan malapit sa pader sa likuran ng kubo niya at nagmamasid sa paligid. Nag-iisip siya ng paraan kung paano makatakas. Matagal siyang nakatitig sa taas at kapal ng pader na yari sa bato, pinag-iisipan niya kung paano akyatin ito. Ayaw niyang mahuli siya ni Allaric dahil tiyak na hindi siya nito bibitawan ng buhay. Nagtatagis ang bagang niya. Mayroon pa rin siyang naririnig na putukan sa labas, alam niyang hindi magtatagal mauubos na ang mga tauhan niya at matutunton na siya rito mula sa pinagtataguan niya. Nasa new york ang lolo Allen niya at ilang oras pa ang biyahe bago ito makarating ng pilipinas. Hindi niya sigurado kung dadatnan pa siya na buhay ng lolo niya. Napapikit siya sa naisip, mabuti na lang sa gabi ang operasyon nila, hindi siya kaagad makikita dito sa pinagtataguan niya.

Bang! Bang!

Nagulantang siya ng biglang dumaan ang bala sa tagiliran niya. Muntik na siyang matamaan ng magpaputok si Allaric.

"Neil, huwag mo ng hintayin pa, na puntahan kita riyan sa pinagtataguan mo! Walang hiya ka, ang lakas ng loob mo na pasukin ang teritoryo ko! Baka nakalimutan mo kung sino ako!" Galit na sigaw ni Allaric atsaka muli itong nagpapaputok. Sa Kabila ng mga banta ni Allaric, wala pa ring plano si Neil na lumabas mula sa pinagtataguan niya.

"Bibilang ako ng tatlo Neil, kapag hindi ka pa rin lumabas dyan, tadtarin ko ng bala ang katawan mo!" muling sigaw ni Allaric. Sa pagkakataong ito, nauubusan na siya ng pasensya. Alam niya kung saan nagtatago si Neil, ngunit gusto niyang kusa itong lumabas at sumuko sa kanya.
"Isa," unang bilang niya at hinintay na lumabas si Neil, ngunit hindi pa rin nito, ginawa. "Dalawa!" muling dagdag niya ng pagbibilang, at tulad ng unang bilang niya hindi pa rin ito lumalabas sa pinagtataguan nito. Tat.."

"Sandali..!" agaw ni Neil ng pagbibilang niya, at tuluyan na itong lumabas mula sa kanyang pinagtataguan. Nakataas ang dalawang kamay nito, tanda ng pagsuko. "Allaric, kahit hulihin mo ako ngayon, papatayin mo man ako, meron pa ring tao, na siyang magiging kalaban mo. Hindi lang ako nag-iisa Allaric, marami pa kami." Nakangisi nitong wika.

"Kahit ilan pang Neil, na katulad mo ang ilaban sa akin, wala akong paki-alam! Alam mong hindi ako umaatras sa laban kapag buhay na ng pamilya ko ang nakasalalay, kaya naka-handa akong maghintay kung kailan lalabas ang mga kampon mo!" ganting sigaw niya.

Nagpakawala ng demonyong halakhak si Neil dahil sa sagot ni Allaric. "Talagang malakas ang hangin mo Allaric, nagsasalita ka lang pero hindi mo alam kung sino ang mga kalaban mo! Hahaha, mag-ingat ka, baka bukas makalawa, magiging biyudo ka na, o di kaya'y asawa mo ang ma-biyuda."

Bang!

"Ahhhhh!" impit na sigaw ni Neil, ng tumama ang bala ng baril ni Allaric sa paa niya. Napapaluha ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Sinampolan ko na ang kaliwang paa mo, ipagpapatuloy mo ang pagdadaldal at sinisigurado ko sa'yo hindi mo na talaga mapakinabangan 'yang dalawang paa mo." wika ni Allaric habang papalapit kay Neil.

Nagngingitngit ang kalooban ni Neil, dahil hindi niya magawa na lumaban kay Allaric. Wala siyang magawa ng posasan ni Troy ang mga kamay niya at pansamantalang nilagay sa loob ng kulungan.

"Allaric, palabasin mo 'ko dito!" sigaw ni Neil, habang kinakalampag ang loob ng kulungan niya. Akala niya isang kulungan ng katulad sa mga selda ng preso ang paglalagyan sa kanya, ngunit ang masakit dahil nilagay siya sa kulungan, na parang aso lamang ang kasya. Literal talaga na cage ng bulldog ang pinaglagyan nito sa kanya. Nakuyom niya ang kamao, hindi man lang siya makagalaw sa loob ng cage, dahil sobrang liit nito para sa kanya. Ang malupit pa dahil sinabit pa ang cage niya sa itaas ng puno sa loob din mismo ng Compound nito. Ginawa na nga siyang parang aso, wala pa rin siyang pinagkaiba sa isang ibon na nasa loob ng hawla na nakasabit sa sanga.

Pinailaw ni Allaric ang loob at labas ng mansyon, kaya maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha ni Neil.

"Allaric! Walang hiya ka, tangna mo, palabasin mo 'ko rito!" sigaw muli ni Neil.
Ngunit si Allaric, parang wala lang narinig. Nagsindi pa siya ng sigarilyo at pasimpleng nilaro ang pagbuga ng usok. Mataman niyang tinitigan si Neil habang nag-hysterical na maka-labas ng kulungan nito. Nag-iisip siya kung ano ang magandang plano para mas lalong pahirapan ito. Kung torture ang gagawin niya, hindi siya satisfied pagkatapos, ayaw naman niyang patayin ito ng isahan lang dahil kulang pa iyon, sa panggugulo nito sa pamilya niya. Mabuti na lang talaga at narinig ni Troy ang pinaplano ni Neil kanina, kung hindi, kawawa ang pamilya niya. Baka namumulot na siya ng mga katawan nito na wala ng buhay. Kaya utang na loob niya kay Troy, lahat.

Tinapon niya ang sigarilyo sa sahig at inapakan iyon. Binalingan niya si Troy.
"Huwag hayaan, makatakas iyan." Tumalikod na agad siya at umakyat sa taas upang kumustahin ang kanyang asawa.

Pagdating niya sa loob, nakatulog na ang mga anak niya, ngunit gising pa rin si Jayna. Tumabi siya sa paghiga rito at niyakap ng mahigpit mula sa likuran.

"Kumusta, nahuli n'yo ba si Neil?" Nag-alalang tanong ni Jayna ng lumingon ito sa kanya.

"Oo, sisiguraduhin kong hindi na niya tayo guguluhin pang muli," sagot niya at siniil ng halik ang labi ng asawa.

Kinabukasan, alas kwatro pa lang ng umaga, dumating na si Master Allen, kasama ng ilan sa mga tauhan niya. Ramdam ang tensyon sa pagitan niya at ng matanda. Isang beses lang niya itong nakita noong 10 years old pa lamang siya. Hinding-hindi niya nakakalimutan ang mukha nito, kahit hanggang ngayon, fresh pa rin sa kanyang ala-ala ang mga nangyari noon. Nakuyom niya ang kamao, habang matalim na nakatitig sa mga mata ng matanda.

"Anong kailangan mo?" Matigas ang kanyang anyo, habang nagtatanong.

"Mr. Dela Vega, nandito ako para sunduin ang apo ko," diretsahan nitong sagot.
"At anong karapatan mo, upang sabihin sa akin iyan? Baka nakakalimutan mo, teritoryo ko ang kinatatayuan mo, at wala ka sa posisyon upang magdemand sa harapan ko." Madiin na wika niya.
"Alam ko, ngunit ipaalala ko lang sa'yo, na tapos na ang hidwaan ng Dela Vega at Montenegro dahil tinapos na ito ng mga magulang mo. Hindi mo na kailangan..."
"Apo n'yo ang unang nagsimula ng gulo, at tinatapos ko lang ang sinimulan niya!" sigaw ni Allaric sa matanda dahilan upang tumigil ito sa nais pa sanang sabihin. Napikon kasi siya sa mga sinabi nito.
"Alang-alang sa mga magulang mo, pakawalan mo na si Neil, Mr. Dela Vega," sagot ng matanda.
"Put*ng ina, huwag mong banggitin ang mga magulang ko sa gulong sinimulan ng apo n'yo! Umalis na kayo bago pa manilim ang paningin ko!" Nagtagis, ang bagang niya, pilit pinipigilan ang galit sa kanyang dibdib.
"Mr. Dela Vega, kung inyong mamarapatin, alang-alang sa pinagsamahan namin ng iyong ina, hayaan mong mai-uwi ang apo ko, at pinapangako ko sa'yo, hindi na kayo guguluhin pa ni Neil."

Tumawa siya ng mapakla dahil sa narinig, talagang ginamit pa ang relasyon ng kanyang ina sa mga ito. Gustong nyang matawa sa sinabi nito. "Paano kung hindi yan mangyayari Mr. Montenegro at guguluhin ulit ng apo n'yo ang buhay namin ng asawa ko?"
Diretsong tumingin si Master Allen kay Allaric. "Asahan n'yung ako mismo ang papatay sa apo ko."

Saglit na natigilan si Allaric dahil sa sagot ng matanda. Alam niyang may sariling prinsipyo ito. Kung hindi na kwento ng mommy niya sa kanya ang tungkol sa matandang ito, siguro hindi pa rin siya maniniwala. Ngunit subok na niya ito simula pa sa lola Arah niya, dahil si Master Allen ang tanging tumulong sa mga ito hanggang sa mommy niya noong masunog ito.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at direktang tiningnan ang matanda.

"Kakalimutan ko ang mga nangyari sa amin ni Neil, Mr. Montenegro, ngunit hindi ko kakalimutan ang araw na ito. Alam kong tutupad ka sa usapan. At sa oras na magkrus muli ang landas namin ni Neil, asahan mong hindi mo na siya masisilayan ng buhay!" Mariin niyang sabi.
Sumaludo ang matanda sa kanya, tanda ng pagsang ayon at buong paggalang.

"Aasahan ko pong tutuoad ako sa pangako, Eagle King," saad nito saka lumuhod bagay na ipinagtataka niya.

"Tumayo po kayo, master Allen. Ibinalik ko lang ang pagkakataon na binigay nyo kay mommy noon. Dahil sa inyo kung bakit nabuhay siya sa pangalawang pagkakataon. Kaya ngayon, wala na kaming utang na loob sa inyo." Nakita niya ang pamamasa ng mga mata ng matanda halatang umiiyak ito ng palihim. Ngumiti ito habang mataman na tinititigan ang matapang niyang aura.

"Alam kong sobrang proud ang mommy at daddy mo sa'yo, Eagle King, at hindi sila nagkamali na iwanan sa'yo ang Aerie. Minana mo ang katapangan ng iyong ama, at mapagmahal ng iyong ina. Mabuti kang bata. Tatanawin kong utang na loob ang araw na ito na binuhay mo ang apo ko sa kabila ng pagbabanta niya sa buhay ng pamilya mo."

"Sana, ito na ang huli nating pagkikita, master Allen, dahil alam ko, hindi natin magugustuhan pareho ang mangyayari kapag nagkita tayo dahil sa apo mo." Nagbabanta niyang sagot.

Mapait na ngumiti si Master Allen at muling yumuko tanda ng paggalang.

"Palabasin mo si Neil," utos niya kay Troy ng binalinangan niya ito at agad namang tumalima.

"Hahaha..Allaric, anong sabi ko sa'yo, hindi mo ako mapapatay! Hindi ako ganun kadali na patayin!" Bungad ni Neil ng makalabas na ito, ngunit paika-ika itong naglalakad dahil sa sugat nito sa paa na nabaril niya.

SLAP! BAM!

Mag-asawang sampal at suntok ang tinamo ng mukha ni Neil mula sa kamay ng kanyang lolo Allen. "Kneel!" Utos nito sa kanya.

Hindi makapaniwala si Neil dahil ngayon lang siya nakaranas na saktan ng lolo niya. "Kneel!" Muling utos nito, halata ang galit sa mukha.

Nagtagis ang bagang ni Neil na sinunod ang utos ng kanyang lolo. Lumuhod siya sa harapan ni Allaric, bagay na hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.

"Apologize to the Eagle King!" Mas lalong nadurog ang puso niya dahil sa inutos nito. Gusto niyang maghiganti, bakit siya hihingi ng tawad?

Tila nabasa ng lolo niya ang kanyang iniisip kaya muli itong nagsalita. "He spared your life for now, apologize to him!" sigaw nito sa kanya.

"Forgive me, Eagle King," madiin niyang sabi, sabay ng pagbagsak ng kanyang luha.

Kahit nakayuko ang ulo ni Neil, alam ni Allaric na puno ng galit ngayon ang dibdib nito. Kahit humingi na ito ng tawad, alam niyang nakatanim pa rin sa utak nito ang paghihiganti, at iyon ang kanyang paghandaan.



AUTHORS NOTE:  Sorry po kung madalang ang pag-update ko rito. Nagsusulat kasi ako sa paid platform like Goodnovel. Pwede nyo rin ako e-follow doon at subaybayan ang iba pang stories ko. Mas nauna din po akong mag-update doon ng mafia kings kaysa rito. maraming salamat po.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon