CHAPTER 35 - THE END OF WAR

79 1 0
                                    


Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito.



"Saan ka pupunta?" tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta.



"Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric." Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad.



"Hindi ka pwedeng umalis!" sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya.



"Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?"



"Na kagagawan mo!" sigaw niya dahilan upang matigilan ito. "Neil ilang beses ko ng sinabi sa'yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!" Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya.



"At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Allaric eh! Bagkus kapag nakita mo siya lumuluhod ka pa! Duwag ka! TangIna! Hindi mo siya Diyos!"



SLAP!



Nanginginig sa galit si Master Allen dahil sa mga binato sa kanya ng apo. Alam niyang nagulat ito dahil sa pagsamapal niya. "Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pangaral ko sayo si Neil. Lahat ginawa ko upang maging mabuting tao ka. Ngunit kailanman hindi ko naisip na yapak lang pala ng ama mo ang tatahakin mo!" Ikinasa niya ang baril at tinutok ito sa noo ni Neil. "Kapag umalis ka sa pamamahay na ito, mas gugustuhin ko pang ako ang papatay sayo kaysa si Allaric ang gagawa mon sayo." Pigil ang kanyang emosyon ngunit hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang tinututukan ng baril ang apo niya.



Ngumiti ng mapakla si Neil habang nakatingin sa lolo niya. "Papatayin mo ako? Sige.. gawin mo. Ngunit hindi mo ako mapipigilan na puntahan si Glee!"



"Patibong lang ni Allaric si Glee!" Singhal niya rito! Ngunit tiningnan lang siya nito at tinalikuran.



"Neil! Bumalik ka rito!" sigaw niya ngunit hindi ito nakinig sa kanya.



Bang!" pinaputukan niya ito ngunit sa itaas ang tama niyon dahil gusto nya lang tumigil ito sa paglalakad. Tumigil nga ito ngunit hindi lumingon sa kanya.



"Do it if you can." saad nito at walang lingod na nagpatuloy sa paglalakad.



"Neil!" muling sigaw ni Master Allen ngunit hindi nakinig si Neil. Gusto niya itong barilin ngunit hindi niya magawa. Nahimasmasan lang siya ng marinig ang pag sibad ng kotse. Mabilis din na sumunod ang mga tauhan nito. Dali-dali din siyang pumasok sa kanyang kotse at sinundan ito sa airport.



Kakapasok lang ni Neil sa Private Jet ng marinig ang boses ng Lolo niya.

"Neil! Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo dahil madadamay lang si Glee. Huwag mong idaan sa dahas ang lahat. Kung gusto mo pang mabuhay si Glee, may iba pang paraan!"



"Anong paraan?" tanong niya.



"Patayin mo ako." Nakita niya ang pagtigil ng hininga nito dahil sa sinabi niya.

"Kalokohan iyong iniisip mo, Lo." Tumalikod si Neil sa matanda at umupo sa kanyang cabin. Ngunit sinundan pa rin siya ni Master Allen.

"Neil, ito lang ang paraan upang makuha mo si Glee. Kunin mo si Glee kapalit ng katawan ko." pangungumbinsi niya sa apo. Binalingan siya nito.

"Lo, sa tingin mo ba kapag pinatay kita, matatapos dito ang lahat? Hindi. Dahil tuloy ang laban namin ni Allaric! Titigil lamang ang alitan naming dalawa kapag ang isa sa amin ang namatay!" Sagot ni Neil dahilan upang manghina ang matanda.

Nanghihina na umupo ito sa couch. Nag-eecho sa kanyang isipan ang sinasabi ni Allaric na ihatid niya ang malamig na bangkay ni Neil kapalit ng buhay ni Glee. Ngunit paano niya magagawa iyon sa sarili niyang apo?







DOSE ORAS ANG MAKALIPAS



Nagtataka si Jayna, kung bakit puno ng gwardiya ang loob at labas ng mansyon. Sumilip siya sa bintana at nakita niya ang asawa sa ibaba na abala sa pagbibigay ng instructions sa mga tauhan nito. Hindi niya maiwasan na kabahan sa maaaring mangyari.



Ilang sandali pa, narinig niyang bumukas ang pintuan ng kanilang silid.



"Babe, na handa mo na ba ang lahat ng mga gamit ng mga bata?" tanong nito ng pumasok na sa silid.



"Oo, naihanda ko na. Teka, ano ba ang nangyayari?" takang tanong niya.



"Kailangan n'yo muna pansamantala na magtago sa safest room. Safe kayo roon dahil sinadya kong naka bulletproof iyon. Huwag kayong lalabas hanggat hindi ko sinasabi. Hintayin niyo na ako ang pumasok. Wala na tayong oras. Papunta na sila Neil."



"Huh?" Agad siyang nataranta dahil sa sinabi nito. Ngunit hindi pa man sila nakalabas ng silid ng marinig na nila ang putukan sa labas patunay na dumating na si Neil at ng mga tauhan nito.

Bang Bang Bang

"Fuck!" Agad niyang tinakpan ng kanyang katawan si Jayna at gumapang papunta sa crib ng mga anak niya. Nakita niya mula sa bintana na dumaan ang chopper lulan ng mga tauhan ni Neil. Alam niyang isang Mafia din si Neil kaya hinanda na niya lahat ng mga tauhan niya.



Bang! Bang! Bang!



Pinaulanan niya ng Machine Gun ang chopper habang lumalayo ito at nagtagumpay siyang tamaan ang piloto kaya nagiwang-giwang ang chopper at sumabog ng mabangga ito sa Poste.



"Halika, Kunin mo ang mga bata, Bilis." Kinuha ni Jayna ang dalawang bata samantalang kinuha naman ni Allaric ang isa. Gumapang silang dalawa ni Jayna habang pinoprotektahan ng kanilang katawan ang mga kambal. Pinindot ni Allaric ang button sa gilid ng pintuan at mabilis naman nagbukas ang pinto na nakatago sa likuran ng kanilang dressing room. Walang tigil sa pag-iyak ang mga kambal dahil sa ingay ng putukan sa paligid.

"Babe sige na pumasok ka na." Hinalikan niya isa-isa sa noo ang kanyang mga anak at sa huli ay ang labi ng kanyang asawa.



Umiiyak na muling hinalikan ni Jayna si Allaric ng makita itong aalis na. "Mag-iingat ka."

"I will. I love you." sagot ni Allaric.

"I love you too." Hilam sa luha ang mga mata ni Jayna habang unti-unting sinasara ni Allaric ang sliding door na gawa sa bakal.



Muling gumapang si Allaric at lumabas ng silid. Umakyat siya sa atik ng kanilang mansyon at doon isa-isang binaril ng kanyang machine Gun ang mga tauhan ni Neil na nakikita niya.



Dumaan ang isa pang chopper at muli niyang binaril iyon gamit ng kanyang Grenade Launcher.

Bang! Booom!

Gaya ng naunang chopper, muli itong nag giwang-giwang sa itaas bago sumabog. Nakita niya sa ibaba si Neil na papunta sa kinaroroonan ni Glee kung saan niya ito kinulong. Hindi siya nito nakita ng tumalon siya mula sa atik at lumipat sa kabilang bubong sa likurang bahagi kung saan nandoon ang maliit na bahay kung saan nakakulong si Glee.



"Kuya!" umiyak si Glee sa tuwa ng makita ang Kuya niya na pumasok. Niyakap niya ito.



"Sorry my princess, dinamay kita sa gulong pinasok ko." saad nito at kumalas ng yakap sa kanya. Tinanggalan niya ito ng tali. Akmang tatakbo na sila ng matigilan siya dahil sa malamig na bakal na dumikit sa sentido niya.



"Sa tingin mo ganun lang kadali para itakas ang kapatid mo?" mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak ng baril. Madilim ang kanyang anyo at kayang ilarawan ang isang Halimaw dahil sa nanlilisik niyang mga mata.



"A–Allaric! Maawa ka, hayaan mo na kaming umalis." Nagmamakaawa si Glee. Akmang lalapitan niya si Allaric ngunit mabilis siyang hinatak ni Neil upang itago sa likuran nito.



"Allaric! Huwag mo silang saktan!" Sigaw ni Mas Allen mula sa pintuan. Nakatutok na rin ang baril nito kay Allaric.



"Ikaw ang masasaktan kapag hindi mo binaba ang baril mo!" Saad naman ni Troy habang nakatutok naman ang baril nito sa ulo ng matanda.



Matabang na ngumiti si Allaric na tumingin kay Master Allen. "Malaki ang respeto ko sayo Master Allen. Hindi ko masasabi na tadhana ang may gusto kung bakit muling nagkrus ang mga landas natin. Ikaw ang sumira sa pangako mo!"



"Hayaan mong makaalis ang mga apo ko, Allaric, kapalit ng katawan ko! Ako na lang ang patayin mo!"

"No! Huwag si Lolo. Maawa ka Allaric!" Umiiyak na yumakap si Glee sa binti ni Allaric habang nakaluhod ito. "Allaric kasalanan ko ang lahat. Ako ang nagkamali sayo. Deserve ko ang patayin mo Allaric!"



"Glee! Anong ginagawa mo! Umalis ka diyan! Tangina!" Galit na sininghalan ni Neil ang kapatid. Nakita niyang nanatili lang nakatayo si Allaric at walang anumang ekspresyon ang mababakas sa mukha nito.



"Huwag mo akong subukan ni Neil!" sigaw ni Allaric ng makita na gumalaw si Neil, ngunit mabilis ito na umikot sa kabila at binigyan siya ng malakas na suntok sa mukha. Malas lang dahil hindi siya nito natamaan ng mabilis siyang umiwas. Nakipag-agawan ito ng baril sa kanya ngunit hindi niya hinayaan na makuha nito iyon.



"Kuya, please...Tama na! Sumuko ka na kay Allaric!" sigaw ni Glee. Natatakot siya na baka mabaril ang Kuya niya dahil nakikita niyang mas malakas si Allaric makipaglaban kaysa sa Kuya niya. Ayaw niya rin na may mangyaring masama sa lalaking minahal niya.



Nagkaroon ng pagkakataon si Neil na makuha ang hunting Knife mula sa binti niya kaya iyon ang ginamit niya upang labanan ni Allaric. Sinaksak niya ito habang nakatalikod.

"Ahhh!" sigaw niya ng tamaan ang likod niya. Galit niyang tinadyakan si Neil kaya lumusot ito sa nakaharang na wall papuntang kusina. Muli itong magbunot ng hunting knife at sinaksak muli si Allaric. Puno naman ng hiwa ang Kamay ni Allaric dahil sa pagharang ng kutsilyo na pwedeng tumama sa delikadong parte ng katawan niya. Kinuha niya ang kahoy na upuan at hinampas iyon sa ulo ni Neil. Nasira ang upuan at tumilapon si Neil sa gilid ng lababo.

Nakita ni Neil ang baril sa tabi niya kung saan siya tumilapon. Mabilis niyang dinampot iyon upang barilin si Allaric.



"Kuya, Huwag!"



Bang!



"Urgh!"



"Gleeeee!" Nakakahindik na sigaw ni Master Allen ng makitang si Glee ang tinamaan ng baril ni Neil.



"Princess! Tangina mo gago ka!" galit na sigaw ni Neil at akmang babarilin nitong muli si Allaric.



Bang!



Hindi na nagawa pa ni Neil na barilin si Allaric ng siya na mismo ang binaril ng kanyang lolo at natamaan siya sa dibdib. Saka pa lang niya napansin na natanggal pala ni Allaric ang suot niyang Vest. Nanigas ang katawan niya na sumandal sa lababo habang nakatingin sa kanyang Lolo na nagtatanong ang mga mata. "Lo–Lolo, Bakit?"



"I'm sorry, Neil." Bumagsak ang luha ni Master Allen ng makita na natamaan niya si Neil. "Aaahhhhhhhh!!" Bang! Bang! Sumigaw si Master Allen habang humahagulgol sa pag-iyak. Parang gusto na rin niyang magpakamatay sa mga oras na ito. Hindi niya kayang dalawang apo niya ang mawawala sa kanya. Babarilin na sana niya ang sarili ng mabilis na inagaw ni Allaric ang baril mula sa mga kamay niya.



"Kailangan ka pa ni Glee." saad ni Allaric sa matanda dahilan upang magkaroon ng liwanag ang mga mata nito. Tila nabuhayan ito ng loob.



Dinala ni Troy si Glee sa hospital ganun din si Neil. Ngunit si Neil dead on arrival na ito. Samantalang si Glee naman hindi ganun kalala ang tama dahil nakasuot ito ng bulletproof vest at tagiliran lang nito ang tinamaan. Alam ni Allaric na mangyayari ito kaya pinasuot niya ito ng bulletproof Vest. Walang kasalanan ang babae sa alitan nila ni Neil. Nadamay lang ito.



Binalikan ni Allaric ang kanyang mag-ina sa safe room ng masigurong ligtas na ang paligid.



"Allaric," Buong pagmamahal na niyakap ng mahigpit ni Jayna ang asawa ng buksan sila nito. Teka, marami kang sugat." nag-alala nitong tanong.



"Malayo ito sa kamatayan." sagot ni Allaric habang nakangiti. Muling silang nag yakapan ng mahigpit sa isa't-isa. "Tapos na ang lahat, my sweet angel." wika ni Allaric habang nakayakap sa asawa.



"Allaric!" sigaw ni Jayna ng maramdaman na lumuwag ang pagyakap nito sa kanya. Nakita niya ang maraming dugo sa kanyang kamay mula sa likuran nito. Saka pan lang niya nakita na mayroon pang hunting knife na nakabaon sa likuran nito.



"Tulong! Tulong! Aling Edna!" sigaw ni Jayna habang naka-alalay kay Allaric. Hilam sa luha ang mga mata nito habang nakatunghay sa walang malay na asawa.



Mabilis naman na naglabasan ang mga katulong na kanina lang ang kanya-kanyang tago din sa basement.



"Mam, jusko si Sir!" sigaw ni Aling Edna ng makita na naliligo sa dugo ang katawan ng amo niya.



"Aling Edna, kayo na muna ang bahala sa mga bata. Dito na muna kayo sa loob ng safe room. Babalik din ako agad." Umiiyak na wika ni Jayna sa matanda. Magkasunod naman itong tumango.



Di nagtagal at nakarating na rin siya sa hospital.



"Boss!" tawag ni Troy ngunit walang response mula sa master niya. Mabilis naman inaasikaso ng mga Doctor si Allaric.



Nang mabalitaan ito ni Adira agad siyang nagflight pabalik upang masiguro na ligtas ang Kuya niya.


MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon