Nang bumalik si Jayna sa kanyang katinuan nasa loob na siya ng kotse ng binata. Habang tumatagal, lalong sumasarap ang mga paraan ng paghalik ni Allaric sa kanya kaya hindi na niya namalayan na sumasang-ayon na rin pati ang katawan niya sa mga nais nito. Mabilis siyang bumaba ng kotse ngunit nagtaka siya kung bakit hindi niya maigalaw ng maayos ang isang kamay niya. Bumaba ang kanyang paningin at ganun na lang ang kanyang pag kasindak nang makita na nakaposas na ang dalawang kamay nila ng binata. Umangat siya ng tingin upang makita ang madilim na anyo nito habang nakatingin sa kanya.
"Anong ibig sabihin nito, Allaric? Pakawalan mo ako!" Singhal niya sa binata. Hindi niya kayang basahin ang tumatakbo sa isipan nito.
"My sweet angel, sa susunod kapag tumakas ka, siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli na may kausap na ibang lalaki, dahil hindi mo magugustuhan ang magiging parusa ko sayo. Always remember, you are only mine," Matapos sabihin yun ay agad ng inapakan ni Allaric ang gas pedal ng kanyang kotse at nagmaneho pabalik ng kanyang kumpanya
.
Samantala, sa loob ng Dela Vega Conference room, iba’t-ibang expression na ang makikita ni James sa mukha ng mga board members and directors dahil hindi pa nag-umpisa ang urgent meeting nila. Paano, halos isang oras na ang nakalipas hindi pa rin dumating ang CEO ng kumpanya. Kanina pa siya nagmamasid sa mga ito at halos pumantay na ang mga nguso nito sa kanilang noo dahil sa pagkabagot. Bilang Vice President ng Dela Vega International Corporation, ngayon pa lang niya naranasan na ma late ang kanilang Presidente sa mga ganitong urgent meetings.
“Mr. Vice President, matutuloy pa ba ang meeting? Mukhang hindi na sisipot si Mr. President.”
Nakamot ni James ang ulo dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Mr. Franco, isa sa mga shareholders ng kumpanya. Kahit siya nagtataka din sa kanyang boss dahil simula ng pamahalaan nito ang kumpanya ay hindi pa ito na late sa mga ganitong mahalagang pagpupulong. Kanina nagtext pa ito sa kanya na malapit na siya, ngunit hanggang ngayon wala pa rin ito.
“Mr. Vice president, tawagan mo na lang ang presidente na e-cancel ang meeting dahil marami pa kaming mahalagang bagay na dapat tapusin. Inuubos niya ang oras namin sa paghihintay sa kanya.”
Kakatapos lang sabihin yun ni Mr. Murphy nang bumukas ang pintuan ng conference room at niluwa ang madilim na anyo ni Allaric Dela Vega. Napalitan ng pagkagulat at takot ang mababakas sa mukha ng mga naroon sa loob ng conference room ng makita nila ang galit na galit na mukha ng batang presidente. Halatang hindi maganda ang timpla ng mood nito. Lalong napaawang ang labi nilang lahat ng makitang may kasama itong babae, at kapwa pinag-isa na nakaposas ang kamay nilang dalawa. “Hindi naman nasiraan ng bait ang batang boss nila di ba?” Kahit si James ay ganun din ang tanong sa kanyang isipan. Kilala niya ang batang presidente, kahit kailan hindi pa ito nagkaroon ng interest sa babae. Nakaramdam ng kaba si James, dati niyang boss ang ama nito na si Marco, at talagang magkatulad sila ng pag-uugali ng kanyang ama. Katulad din ba ito sa kanyang ama na napaka possessive kapag na inlove sa isang babae?” Panay ang pilig ng ulo ni James sa mga hindi magandang pangitain na tumatakbo ngayon sa isipan niya. Napabalik siya sa tamang huesyo niya ng marinig ang galit na boses ng binata habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Mr. Murphy na naabutan niyang nagrereklamo kanina. Nakaupo na ngayon si Allaric sa upuan na nakalaan lamang para sa CEO ng kumpanya at agad naman na pinaupo ng mga bodyguards nito ang babaeng kasama niya sa tabi niya.
“And who do you think you are to order me to cancel the meeting?”
“I'm sorry, Mr. President, but if you have more pressing matters to attend to, you may wish to cancel this meeting.”
Huli na ng marealize ng lahat ang naging sagot ni Mr. Murphy sa batang Presidente. Batid nilang hindi pa nito alam kung paano magalit ang binata dahil bagong pasok pa lang ito bilang shareholders ng Dela Vega Corp. Wala na silang magawa dahil kasalanan naman nito, kabago-bago pa lang sa kumpanya ay nagmamayabang na. Pumikit na lang silang lahat at hinintay ang magiging hatol sa kanya ng CEO ng kumpanya.
“James, what percent of Mr. Murphy's shares are in the company?" Halata ang pagtitimpi sa boses ni Allaric.
“The current value of his stock is 20%, Mr. President. Magalang na sagot ni James habang panay pa rin ang sulyap sa katabi nitong dalaga dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nagkainterest na sa babae ang boss niya.
"Buy three times the amount of his shares.” madiin nitong sagot kay James na ikinagulat ng lahat ng mga nakarinig. Galit na tumayo si Mr. Murphy at hinampas ang mahabang mesa.
“I'm not giving up my shares in the company! I'll have to end up dead before you can acquire it from me!” Parang yun lang ang hinihintay na marinig ni Allaric mula kay Mr. Murphy at agad niyang senenyasan ang mga body guards niya na nakatayo lang sa bawat sulok ng conference room.
“Let him die quickly as he wishes.” mabilis namang sinunod ng mga bodyguard ang order ng kanilang boss. Pwersahan nilang hinatak si Mr. Murphy mula sa kanyang upuan at tinutukan ng baril dahilan upang masindak ito at hindi maipinta ang mukha. Kung kanina ang tapang ng anyo nito ngunit ngayon, gumapang pa ito upang lumuhod lang sa harapan ni Allaric para huwag lang siyang patayin.
“Mr. President, patawarin ninyo ako, ibibigay ko ang gusto mo. Ibebenta ko ang 20% na shares ko sa kumpanya huwag niyo lamang akong patayin.” Humihikbi na pagmamakaawa ni Mr. Murphy habang nakaluhod sa harap ni Allaric.
Binalingan ni Allaric ang dalagang katabi niya, at nakita niyang napapikit ito sa sobrang kaba sa maaring ipapagawa niya sa mga tauhan niya. Madamdamin niyang pinagtaob ang kamay nilang dalawa na nakaposas, upang hindi ito kabahan. Napatigil naman bigla si Jayna habang nagdadasal ng maramdaman niyang minamasahe ng binata ang kamay niya. Bigla naman siya nakaramdam ng kakaibang kuryente na bumabalot sa loob ng kanyang katawan. Mabilis niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagka holding hands nila ng binata, ngunit mas mabilis pa ito sa kanya dahil mas lalo nitong hinigpitan ang pag-iisa ng mga kamay nila. Umangat siya ng tingin upang tingnan ang binata ngunit nakatuon ang mga mata nito sa lalaking nakaluhod sa harapan niya. Ganito ba talaga ka ruthless at ka walang puso ang lalaking ito na nasa tabi niya?
“James, give him the documents he needs to sign.”
Agad namang kinuha ni James ang mga dokumento na kailangan pirmahan ni Mr. Murphy, patunay na binebenta nito ang kanyang shares sa kumpanya. Walang magawa ang Trentay otso na si Mr. Murphy kundi ang pumirma sa kontrata na nagsasaad na wala na siyang shares sa Dela Vega Corp.
“Before we get started, I'd like to ask, "Of everyone here today, are there any of you who wish to sell your shares as well?"
![](https://img.wattpad.com/cover/327126680-288-k803729.jpg)
BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
Lãng mạnDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...