CHAPTER 22 - BABY DEMON

94 2 0
                                    

Namumula ang mukha ni Jayna sa sobrang hiya ng napagtanto ang ginawa niya. "Talaga bang ako ang may gawa nito sa kanya?" Sa loob-loob niya. Ngunit bakit ngayon pakiramdam niya, andyan pa rin ang pagnanasa at panggigil niya ng pasadahan ng kanyang mga mata ang mapang-akit na mga muscles nito, at limang pakete ng abs at….

"Sweet angel, ayoko ng mga ganyang klase ng tingin mo, pagod na ako." Kinakabahan na wika ni Allaric nang mapansin na naman ang pagnanasa sa  mga mata ng kanyang asawa.

"Tanggalin mo na ang mga tali ko, baby please." 

Napalunok na lang ng laway si Jayna, habang tinatanggal ang tali sa mga kamay at paa ni Allaric. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya, bakit bigla siyang naging agresibo kapag nakikita niya ang katawan nito. Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang pagsasama, ngayon lang siya nagkaroon ng pagnanasa at panggigigilan ang katawan ng asawa niya.
Nakahinga ng maluwag si Allaric ng sa wakas nakakagalaw na siya ng maayos. Bumangon siya, at nag stretching ng kanyang mga kamay, nakaramdam kasi siya ng pangangalay at pananakit ng katawan.

"Luv," 

Binalingan niya ang asawa ng marinig ang endearment niyo sa kanya. Umupo siya sa kama katabi nito at sinukla-suklay ang buhok. "Hmmm, bakit, my sweet angel?

"Pwede bang pakagat kahit isa lang." 

"What!? Baby naman, hindi ka pa ba nagsasawa sa pagkagat sa buong katawan ko? 

Nagmamaktol na sumagot si Jayna, "Ewan ko ba, nanggigigil kasi ako sayo eh. Sige na Luv, kahit isa lang, please," 

Walang magawa si Allaric kundi pagbigyan ang kanyang asawa. "Aaahhh!" Sigaw niya ng maramdaman ang sakit dulot ng pagkagat nito.

Maluha-luha ang kanyang mata na binalingan ang asawa. "Bakit mo naman tinodo, ang sakit nun ah,"

Ngunit isang yakap na mahigpit lang ang sinukli nito sa kanya, dahilan upang mawala ang pagka-inis niya.

"My sweet angel, kanina pa ako naiihi,Kailangan ko pang maghanda papuntang opisina. Mayroon akong board meeting ngayon."

"Board meeting? Para saan?"

Tumayo si Allaric mula sa kama at wala sa loob na sumagot, "Para sa Collaboration ng Santillan Airlines at Dela Vega, Airlines. Sisimulan na kasi ang iba pang projects at naisip ng dalawang partido na mag joint venture." Naka dalawang hakbang pa lang siya patungong bathroom ng marinig niya itong sumagot.

"Kasama si Nicole Santillan?" 

Kunot-noo na lumingon si Allaric sa asawa, "Siyempre, dahil CEO siya ng Santillan Airlines, natural lang na nandoon siya."

"Sabay na tayong maligo, baka ma late na rin ako?" Nagmamadaling bumaba si Jayna sa kama, at nauna pang pumasok sa loob ng bathroom. 

Napaawang ang labi ni Allaric dahil sa in-akto ng kanyang asawa. Napailing na lang siya na sumunod din sa loob ng bathroom.

Di nagtagal, pagkatapos nilang maligo at magbihis, sabay na rin silang bumaba upang mag-almusal.

Habang nakaharap silang lahat sa pagkain, biglang natanong ni Arley. "Kuya Daddy, nagkita ba kayo ng werewolf at vampire kagabi?"

"Bakit?" Wala sa loob na tanong ni Allaric, habang ngumunguya ng pagkain. Akala kasi niya naalala na naman ng bunsong kapatid niya ang palagi niyang kinuwento tungkol sa mga werewolves at vampire noon, bago ito matulog. Ngunit pinamulahan siya ng mukha ng marinig ang sagot nito.

"Marami kasi kayong kagat sa leeg, kuya daddy."

Agad silang nagkatinginan ni Jayna. Pinamulahan din ito ng mukha ng makita ang tatlong marka ng kagat nito sa leeg niya. Kahit naka business suit siya, makikita pa rin kasi ang ibang marka dulot ng kagat nito sa kanya.

"Naging vampire kasi ang mommy mo kagabi, dahil sa sobrang kalasingan."

Palihim na sinipa ni Jayna ang paa ni Allaric sa ilalim ng mesa. Hindi pa nga niya sinimulan ang kanyang pagkain, binuking na kaagad siya sa mga kapatid nito. Paano pa siya kakain ng maayos?
Nang mahalata naman ni Allaric ang pagka inis ng asawa, ginawaran na lang niya ito ng halik sa pisngi. Sinalinan niya ng paborito nitong ulam na chicken steak ang plato nito. "Bakit, hindi ka pa kumakain? Baka ma late na tayo. Ayokong pinaghihintay ang mga board members."

Kakatapos lang sabihin 'yun ni Allaric ng biglang tumakbo si Jayna sa sink, upang magsuka. Masama ang pakiramdam niya, parang hinahalukay ang sikmura niya. Bumalik siya sa pag-upo sa harap ng mesa. "Sorry, nasira ko ang magandang mood nyo sa pagkain."

"Sweet angel, masama ba ang pakiramdam mo? Magpatingin ka kaya muna sa doctor?"

"Kailan ang huling dalaw mo ate?" Biglang tanong ni Adira. Doctor kasi ito, at unang tingin niya pa lang ngayon kay Jayna, nagdududa na siya.
Saglit na natigilan si Jayna, mahigit isang buwan nang hindi pa siya nadatnan ng dalaw niya.
"Ahmmm, mahigit isang buwan na." Tipid niyang sagot kay Adira.
"Di kaya buntis ka?" Excited na tanong ni Adira.

"Talaga, sweet angel? Magiging daddy na ako? Natutuwang tanong ni Allaric at bigla na lang binuhat si Jayna.
"Luv, ano ba, nahihilo ako. Hindi pa nga natin alam eh, baka stress lang itong pinagsusuka ko."
Kaagad siyang binababa ni Allaric at bumulong sa tainga niya. "Ikaw ha, iba ka rin no? Katawan ko pa ang pinaglihian mo, ginawa mo pang prutas ang balls ko."
Lihim na kinurot ni Jayna ang tagiliran ni Allaric dahil sa pambubuking nito sa kanya. Nahihiya siya dahil hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang mga bagay na 'yun kagabi."
"Mauna ka na lang sa opisina, magpapahatid na lang ako kay Mang Andres sa hospital upang magpa check-up."
"Are you sure? Pwede naman na. E-cancel ko ang collaboration, para masamahan kita. "
"Hindi na kailangan Luv, doon naman ako sa opisina dederetso pagkatapos kong mag pa check-up." Nagpumilit na lang siya na hindi samahan ni Allaric. Nahihiya na kasi siya dahil sa nga kagagawan niya mula pa kagabi. Kaya pala naging sensitive siya at masyadong emotional nitong mga nakaraang araw lang. May posibilidad na buntis siya, at ito ang epekto sa kanya.
H
Sumama pa rin siya sa loob ng sasakyan ni Allaric at ibinaba na lang siya nito sa hospital kung saan siya magpapacheck-up.
"Bye luv, mag-ingat ka." Paalam niya kay Allaric. Isang mainit na halik muna ang ginawad nito sa kanya na tinugon naman niya, bago siya bumaba ng sasakyan. 
Bye sweetheart, hihintayin kita sa lunch, okay?" Bumaba muna ang tingin nito sa tiyan niya. "Baby demon, baka mahilo ang mommy demon mo, wag mo siyang pahirapan." Sabay halik sa kanyang tiyan.
"Sira ulo ka talaga. Ginawa mo oang demonyo ang anak mo. Hindi pa nga nakumpirma kung buntis ako eh, ginawa mo na kaagad na baby demon ang anak mo."
"Saan pa ba siya magmamana, pareho naman tayong demon sa kama?" 
"Nang -asar ka pa. Sige na, baka naghihintay na sayo ang mga board members lalo na yung Nicole Santillan mo." Sabay irap niya kay Allaric bago bumaba ng kotse, ngunit ginawaran muna siya ni Allaric nŕ⁴4⁴⅘ll pg mainit na halik sa labi.

"Ayan, sinilyuhan ko na ang labi ko ng labi mo, wala ng ibang hahalikan itong labi ko kundi ikaw lang. I love you. Hihintayin kita mamaya sa lunch ga, excited na ako para  sa baby demon natin."

"I love you too, tatawagan na lang kita mamaya."

Matapos nilang magpaalam sa isa't-isa, agad na ring umusad ang sasakyan ni Allaric. Binalingan ni Jayna si Mang Andres na kakaparada lang din ng sasakyan sa labas ng hospital.

"Mang Andres, hintayin nyo na lang po muna ako dito ha, sandali lang itong check-up ko."

"Sige po mam, hindi po ako aalis dito."

***
After 2 hours, lumabas na rin si Jayna sa Ob-gyne clinic ni Dra. Juson, dala ang pregnancy test result niya. Nakalutang siya ngayon sa alapaap, at hindi makapaniwalang, 6 weeks pregnant na siya. Dumaan muna siya sandali sa Cr upang umihi. Excited na siyang ipaalam kay Allaric na mayroon na ngang baby demon sa sinapupunan niya. Muntik pa niyang batukan ang sarili niya dahil pati siya nakiki-baby demon na rin sa pag tawag sa anak nila.

Matapos niyang umihi, lumabas na siya sa ladies room, ngunit biglang may nagtakip ng ilong niya dahilan upang mawalan siya ng malay.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon