“Oh, Glee, nandito ka pala.” Bahagyang nagulat si Adira ng makita si Glee na prenteng nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya.
"Yes sis. May gusto sana akong hingin na favor sa'yo." Kunyaring nahihiya na wika nito.
Hinubad ni Adira ang puting Doctor's Coat niya at sinampay iyon sa likuran ng kanyang swivel chair. "Coffee?" Nakita niyang tumango si Glee kaya kumuha siya ng dalawang tasa at isinalang iyon sa coffee maker. Dinala niya iyon sa center table na sa harapan ni Glee.
"Ano bang favor iyan at mukhang seryoso ang mukha mo?" Tanong niya.
"Narinig ko kasi na naghahanap ka ng General Surgeon na ilipat mo sa philippine branch ng Amarah Hospital. I'm planning na ako na lang ang ipapadala mo doon since balak ko din naman na magbakasyon upang bisitahin si Mommy."
Natigilan si Adira sa pag sip ng Coffee ng marinig ang favor na hinihingi ng kaibigan niya.
"Hmmm..kilala kita Glee, hindi ka basta-bastang magpalipat ng hospital kung wala kang malalim na dahilan."
Nakagat ni Glee ang ibabang labi. Mukhang mahihirapab siya sa pangungumbinsi kay Adira. "Sis, death anniversary ni Mommy kaya need kung pumunta ng pilipinas."
"Okay, then take a leave. Ilang linggo ba ang gusto mo?"
Nag-isip si Glee sa offer ng kaibigan. Ina-analyze niya kung kaya ba niyang makuha si Allaric sa ilang linggo lang.
"Ahmm, pwede bang humingi ng kahit 2 months lang?"
"What, 2 months? Paano ang mga pasyente mo rito?" Naalarma si Adira.
"Meron naman akong surgeon na inatasan na pwedeng pumalit sa akin sakaling payagan mo ako eh."
"Ah, so matagal ka na palang handa." Naiiritang sabi niya.
"Hindi ah. Kanina lang. Napag-isipan ko kasi need ko rin ng space para sa sarili ko." Bigla naging malungkot ang mukha nito.
"1 month. Iyon lang ang kaya kung ibibigay sayo. Doctor tayo at nasa rules natin na unahin muna ang pasyente bago ang sariling kaligayahan. Unless kung may sakit ka at need mo talaga ng mahabang pahinga." Muling humigop ng kape si Adira at pinagmasdan ang reaksyon ng kaibigan. Ewan ba niya ngunit mayroong kakaiba sa kinikilos ng kaibigan niya.
Nakanguso si Glee na pumayag na lang sa desisyon ng kaibigan. Mali pala, madaling sabihin na boss niya dahil ito ang CEO ng AMARA PHARMA at humahawak ng lahat ng branch ng kanilang hospital. Kahit pa na kaibigan siya nito, hindi niya pwedeng baliin ang batas nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. 1 month is not enough para makuha niya si Allaric, pero susubukan pa rin niya. Bilang isang doctor, isa rin sa pinag-aralan niya ang hypnotism. Usually ginagamit nila ang hypnotism para sa mga pasyente na nahihirapan tumigil sa kanilang pagsisigarilyo. At dapat buo sa sarili nito na gustong magpagamot gamit ang hypnotism. Gumagala na ang isipan niya kung saan-saan kung paano niya gagamitin ang hypnotism kay Allaric upang mapasunod niya ito.
BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
RomanceDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...