CHAPTER 24 - THE BATTLE BEGINS

93 1 0
                                    

"Boss, wala na rin sila sa loob. Pero napulot ko ito sa sahig." Binigay ni Troy ang singsing na napulot niya mula sa loob ng silid, kung saan, pinaniniwalaan nilang pinagdalhan kay Jayna. Ikatlong abandonadong building na ito na pinuntahan nila, ngunit palaging hindi nila naabutan si Jayna.

Bumagsak ang mga luha ni Allaric ng makita na wedding ring nila ni Jayna ang napulot ni Troy. Sobra na siyang nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanyang mag-ina.  "Ahhhh! Tangina!" Nagwawala si Allaric. Lahat ng nakikita niya, hinahagis niya kung saan. Hindi niya alam kung bakit alam ni Neil palagi ang mga plano niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan.

"Hahaha, tanga! Akala mo masusundan mo ako? Fuck you! Ilang taon akong nag-aral bilang hacker para lang pantayan ka Allaric. Dahil sa pagiging hacker mo noon kaya natunton ng mga magulang mo ang mga magulang ko at pinatay! Ubusin ko lahat ng lahi nyo, Putang ina ka!" Nanlilisik ang mga mata Neil, habang nanonood sa screen monitor ng laptop niya. Naghalo ang galit at excitement niya sa nakikita niya ngayon na kamiserablehan ng mukha ni Allaric.

Panay naman ang buhos ng mga luha ni Jayna dahil sa awa kay Allaric. Talagang hindi ito tumigil sa paghahanap sa kanya. Nagpasalamat siya dahil hindi ito naniwala sa hubad na picture nila ni Neil sa kama. At the same time, napuno na rin ng takot ang puso niya, para sa kanila ng magiging baby nya.

Ilang sandali pa, binalingan siya ni Neil. "Hoy, putang ina ka! Halika nga rito, hindi ako satisfied sa ka miserablehan ng asawa mo. Kailangan ko pang mag-enjoy!" Pagkatapos sabihin 'yun, pwersahan na siya nitong sinabunutan sa buhok at hinarap sa camera.

Nagtaka naman si Allaric ng biglang may naglink ng live video sa  cellphone niya. Ganun na lang ang pagdurugo ng puso niya, ng makita ang kanyang asawa na sinasakal ni Niel. Nanghihina na ang katawan nito, at halos nangangayayat na. "Hayop ka Neil! Mahuhuli lang kita papatayin talaga kita!" Habang nagsasalita si Allaric mabilis ang mga kamay niya sa pag hack sa firewall system ni Neil. Muli ay na detect niya kung saan ang location nito. Mabilis niyang senenyasan ang mga tauhan niyang mafia upang puntahan ang nasabing lugar. Palayo ng palayo ang location ni Neil. Isa sa napansin niya, palapit ng palapit ito sa Airport.

"Fuck! Bumibiyahe sila. Sa loob sila ng malaking Van. Hindi niya pwedeng ituwid ang asawa ko!"

"Ahaha! Akala mo sa akin Bobo! Hoy! Hindi ako tanga katulad mo! Kung matalinong hacker ka, lalo na ako, Allaric! Mahihirapan kang sundan kami ng asawa mo! Kaya manood ka na lang araw-araw sa gagawin kong pqgpapahirap at pagpapaligaya sa kanya!"

"Putang ina ka! Putang ina ka! Dudurugin ko ang katawan mo kapag nahuli kita!" Parang sasabog si Allaric sa sobrang galit. Nakita niyang sinasakal ni Neil si Jayna, at halos makapusan na ito ng hininga.

"Sige, Allaric, nakasalalay sayo ang gagawin ko sa asawa mo! Sige habol pa! Hahaha!"

"Fuck!" Napahilamos si Allaric sa mukha ng biglang nagblack ang screen ng cellphone niya at nabura ang mukha ng kanyang asawa. Para siyang mababaliw sa sobrang takot sa maaring mangyari sa kanyang mag-ina. Binalingan niya si Troy. "Iutos sa aking mga tauhan na bantayan ang lahat ng mga daungan at Paliparan!"

Tumalima naman kaagad si Troy, matapos marinig ang utos ni Allaric.

Mabilis naman nagpadala ng mensahe si Allaric, sa management ng Airlines maging sa humahawak ng Airport. "Cancel all flights today, whether it's private or public transport. That's an order!"

Natarantang, pinatigil ng management ang pagbiyahe ng matanggap ang mensahe ng kanilang Boss. Sa oras na 'yun mismo, nagpa call attention ang top management sa iba't-ibang Airline Companies upang e-postpone lahat ng biyahe. Maraming tao man ang nagreklamo, wala silang magagawa dahil 'yun ang order ng isa sa may-ari ng mga Airlines.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon