Pagdating sa kanilang silid, maingat na pinahiga ni Allaric ang asawa sa kama. Hinubad niya ang sexy knitted dress na suot nito. Pinipigilan niya ang sarili na huwag magalit, habang sinimulang punasan ng maligamgam na face towel ang katawan ng asawa. Hindi niya alam kung ilang mga mata na ang nakakita ng dibdib at singit ng asawa niya dahil sa suot nitong damit.
"Allaric, babe, sorry.." Agad siyang natigilan dahil sinabi ng kanyang asawa. Nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nagsasalita.
"Sorry for what?" Parang galit pa rin niyang tanong dito, hindi niya alam kung nananaginip lang ba ito.
"Kung nagalit kita. Nagseselos kasi ako," sumilay ang ngiti sa labi niya, at pakiramdam niya, nawala lahat ng galit sa loob ng dibdib niya.
Matapos niya itong bihisan ng pagtulog na damit, hinalikan niya ang noo nito. Sakto naman, narinig niya itong may binubulong.
"Niel, Niel, nandito na ako,"
Hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya sa mga oras na ito. Akala niya, lubusan na niyang inangkin ang puso ng kanyang asawa. Ngunit, hanggang ngayon, nasa puso pa rin nito si Niel, at kahit sa panaginip, karibal pa rin niya ito. Bumagsak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Lumabas siya sa kanilang silid at nagpahangin muna sa tabi ng dagat."Boss, yusi,"
Binalingan niya si Troy at kinuha ang isang stick ng sigarilyo sa kamay nito. Simula kasi ng pinagbawalan siya ni Jayna na magsigarilyo, binigay na niya ang lahat ng stocks ng cigarette niya kay Troy. Ngayon, kailangan niya ng kahit isang stick lang para matanggal ang sakit na nararamdaman niya.
"Mukhang. Malalim ang problema nyo ngayon boss ah," Tanong ni Troy ng umupo din ito sa tabi niya.
"Ewan ko ba Troy, hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko. Minsan naisip ko, tama si dad, sa sinabi niya noon sa akin. Kapag nagmahal ka, dumarating sa punto na kahit anong galing at talino mo, naging Bobo at tanga ka parin. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, dahil mahal mo siya. Ngayon ko lang naiintindihan si daddy, kung bakit nagkahiwalay sila ni Mommy noon, dahil sa kawalan ng tiwala sa isa't-isa. At natatakot ako na dumating na rin ako punto na kailangan ko ring pakawalan si Jayna dahil hindi ako ang laman ng puso niya. Gusto kong pagkatiwalaan ang lahat ng sinabi niya na mahal niya ako, ngunit sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Niel, maging sa panaginip niya, kinakain ako ng selos ko. Nasasaktan ako Troy, at ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong mangyari sa amin, ang nangyari kay mom at dad noon. Kung nandito lang sana si Dad, maintindihan niya ako." Mahabang wika ko kay Troy, habang panay ako sa pagpahid ng aking mga luha.
"Boss, walang tama o mali sa pagmamahal. Kaya ka nasasaktan ngayon dahil nagmamahal ka. At kapag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka. Hindi porket nagmahal ka, puro saya at kilig na lang ang lahat. Yung iba nga naisipan pang magpakamatay dahil hindi nakayanan na masaktan. Ngunit hindi ko sinasabi na magpakamatay, ka rin ha, paano kung mali pala ang iniisip mo, at totoong mahal ka nga niya talaga, paano kung kaya niya nabanggit ang pangalan ni Niel, dahil napanaginipan niyang kinikidnapp pa rin siya? Paano mo pa marinig ang paliwanag niya kung nag pakamatay ka na? Maraming mga bagay na dapat mo munang isaalang-alang bago ka magdesisyon. Kung naghiwalay man ang mommy at daddy mo noon, 'yun ay dahil nagpadala na rin ang daddy mo sa matinding selos at galit. At yun ang wag mong gayahin. Sa pag-aasawa, kapag nag-aaway kayo, kung nag-aapoy sa galit ang isa sa inyo, kailangan ng isa na maging tubig, parang baterya lang yan eh, kailangan mayroong negative at positive. Bawal ang pareho kayo na galit, dahil lalo nyo lang pinapalala ang sitwasyon, and worst, mauuwi lang kayo sa hiwalayan, dahil mas pinairal nyo ang inyong galit, kay sa pagmamahal. Pakinggan nyo muna ang paliwanag ng isa't-isa. Katulad nung nakaraang araw, dahil pareho kayong galit, kung ganyan kayo lagi, aasahan na namin na lagi kang mag palagay ng salamin sa loob ng silid nyo, dahil hindi nyo kayang saktan ng pisikal ang isa't-isa, kaya salamin ang kawawa sa galit nyo. Mabuti na lang at mayaman ka, kung hindi siguro, matagal na kayong namulubi. Kaya ko ito sinasabi sayo boss, dahil ang sitwasyon nyo ngayon, nasa proseso palang kayo na inaalam nyo ang ugali ng isa't-isa, Kapag nakapag adjust na kayo, hindi pa doon matatapos ang lahat. Marami pang pagsubok at Temptation na darating sa inyo. Hindi lang kayo ang dalawang tao sa mundo, asahan mong maraming tao na nakapaligid sa inyong dalawa, upang subukin kung gaano kayo katatag at kung gaano n'yo kamahal ang isa't-isa. Minsan yung iba, dadaan sa buhay nyo upang sirain ang pundasyon ng pagmamahal na binubuo n'yong dalawa, ngunit kapag nalampasan nyo na ang lahat ng pagsubok na 'yun, at nanatili pa rin kayong lumalaban para sa isa't-isa, masasabi mong hindi na kayo natatakot, kahit ilang bagyo man ang dumating para paghiwalayin kayong dalawa, pipiliin nyo pa rin na magkabalikan dahil hindi kayo mabubuhay kung wala ang isa't-isa."
Parang natauhan si Allaric, dahil sa mahabang payo ni Troy sa kanya. Daig pa nito ang maraming experience sa buhay. Binalingan niya ito at tinanong.
"May asawa ka na ba?"
"Ako? Wala na akong plano na mag-asawa. Kahit ako, takot ng magmahal, simula ng masaksihan ko ang pag-iibigan ng 'yung mga magulang, at kahit ngayon, parang nakikita ko na ang sarili mo sa iyong ama. Siguro nauumay na rin ako dahil tumanda na ako sa serbisyo sa pamilya nyo, simula pa sa iyong ama, kaya, ko naipayo ang lahat ng yan sayo, base lang din sa napapansin ko."
"Sana ikaw na lang ang pumalit kay papa Jack, dinaig mo pa siya kung magbigay ng advice. Pero salamat, at naliwanagan ang isipan ko. Sige, papasok na ako sa silid namin. Sayo na yang yusi mo."
Matapos sabihin yun, mabilis na ang mga hakbang ni Allaric na bumalik sa kanilang silid. Naiwan si Troy na nakaawang ang labi habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling boss niya. Sa hinaba-haba ng sinabi niya, to the point na natuyo na ang laway niya sa lalamunan, hindi pa niya nasabi kung ano talaga ang pakay niya kung bakit tumabi siya sa kanyang boss. Gusto niya sanang humingi ng isang araw na bakasyon bukas, dahil magsisimula na rin siyang manligaw, sa babaeng nakilala niya sa kabilang Isla. Buong araw niya itong ipapasyal. Bumalik na lang din siya sa loob, at umaasang bukas, maganda na ang takbo ng utak ng Boss niya, upang makapag paalam siya.
BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
RomansaDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...