CHAPTER 25 - TRIPLETS

108 2 0
                                    

Mahigit dalawang oras ang nakalipas, lumabas si Adira sa Surgery Room. Patakbong sinalubong ni Allaric ang kambal at tinanong ito. "Adira, kamusta na ang ate mo?"


Ngumiti si Adira at tinapik-tapik ang balikat ng kuya nya. "Wag kayong mag-alala kuya. Ligtas na po si Ate at ang baby niya. By the way, congrats kuya ah, nakita ko sa ultrasound dalawa ang amniotic sac sa loob ng tiyan ni Ate. Paano ba yan, mukhang hindi na mapipigilan ang pagdami ng lahi ng mga Dela Vega. Nagmana ka talaga kay Daddy. Unang gawa pa lang, kambal na kaagad," nakangiting saad ni Adira.


"Dami mo talagang kalokohan Adira. Sige na ayusin mo na ang VIP room sa top floor, para mailipat na ang ate mo."

 
"Wheee, ito naman si kuya pa humble effect pa kunyari, gustong-gusto lang naman puntahan si Ate."


Naiirita na binalingan ni Allaric ang kakambal. "Umalis ka na nga Adira, pagod ako. Wala pa akong pahinga ng ilang araw. Gusto kong magpahinga sa silid na paglipatan sa ate mo."
Hindi na kinulit pa ni Adira ang kuya niya. Nakita niyang may mga dugo pa ang damit nito, gusot ang buhok at mugto ang mga mata. "Pwede ka nang mauna sa VIP Room na exclusive sa Family natin. Ako na ang magdadala kay Ate doon."


"Sige.."


Hinintay muna ni Allaric ni tumalikod si Adira bago tumingala sa kisame. "Yes! Yes! Kambal ang baby Demon namin!" Impit na sigaw ni Allaric. Sobrang excited siya. Sobrang saya niya dahil ligtas ang mag-ina niya. Parang gusto niyang maiyak sa tuwa. Papikit-pikit pa siya ng kanyang mata habang nakangiti ng muli niyang narinig ang boses ni Adira.

 
"Akala ko ba kuya, hindi ka excited?"


Namulat si Allaric ng kanyang mata. Nakita niya ang nakakalokang ngiti ng kapatid niya habang nakatunghay sa kanya. Hindi pa pala ito umalis. Gusto talaga siya nitong asarin.


"Adira!" Singhal niya sa kambal niya.


"Kuya, humanda ka kay Ate. Tiyak magagalit siya sayo dahil unang buntis niya pinahirapan mo na kaagad siya. Hindi kambal ang baby mo, kundi Triplets."


"What!" Napasigaw sa sindak si Allaric.

 
"K..kuya, I have to go...hehe." Pagkatapos sabihin 'yun, agad na niyang tinalikuran ang kuya niya. Nakita niya kasi, anytime gusto na nitong mag transform sa pagiging Naruto.


"Adiirraaa!"


Narinig pa niya ang panggigigil sa boses ng kanyang kuya habang sinisigaw ang pangalan niya. Tawa ng tawa si Adira habang malalaki ang hakbang na nagtago sa kanyang kuya. Sinadya niyang hindi ipaalam, na triplets ang anak nito, upang asarin. Paano kasi, imbes na magpasalamat sa kanya dahil grabe ang effort niya mailigtas lang ang asawa at mga anak nito, tapos hindi man lang nagpasalamat. Kaya bumawi siya sa pang-aasar dito.


Kalahating oras nakalipas, nagising si Jayna sa loob ng malaking silid. Inikot niya ang kanyang paningin, at una niyang nakita si Allaric. Nakahiga ito sa tabi niya habang mahimbing na natutulog. Ang braso nito ay nakayakap pa sa baywang niya, akala mo, sa bahay lang silang dalawa. Hindi mo naman talaga masasabi na sa loob ka ng hospital, dahil sa ayos at porma ng silid. Malaki ang kama na hinihigaan niya, kahit anim na tao kasya. Mayroong, malaking flat screen na Tv, couch, maliit na kitchen, mayroon partition lang para sa cute na sala, upang makapag pahinga ang mga bisita. Kumpleto na rin ito sa mga appliances.


Muli niyang binalingan ang asawa. Pinaglandas niya ang kanyang daliri sa malambot na pisngi nito. Mula sa matangos nitong ilong na siyang pinakapaborito niya, ang makapal nitong kilay, mahabang pilikmata at mapulang labi na kay sarap halikan.


"It's all yours my sweet angel. Hindi mo na kailangan pang titigan, baka matunaw na ako niyan."

 Pilyong wika ni Allaric. Kanina pa pala ito gising at pinanonood lang ang asawa niya, habang nakatitig sa kanya.


Ang kaninang labi na tinititigan lang ni Jayna, ngayon ay kusa ng lumapat sa labi niya at masuyo siyang hinalikan.


"Allaric, I'm sorry, ang sinabi ko sayo noon..hmmpp.."


"Shh.. Muli siyang siniil ni Allaric ng mainit na halik sa labi upang tumigil siya sa pagsasalita. "I know, sweet angel. Hahanapin pa ba kita kung naniniwala ako sa sinabi mo na hindi mo ako mahal? Alam kung napipilitan ka lang kaya mo nasabi 'yun. I'm sorry.. nadamay ka sa gulo namin ni Neil."


Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Jayna. Humiga siya sa braso ni Allaric, at mahigpit na yumakap. Hinayaan niyang ibuhos ang luha niya sa dibdib nito.


"Hey..hey..Bakit ka umiiyak? Makakasama 'yan sa mga baby natin."


Umangat ng mukha si Jayna dahil sa narinig. Nagtatanong ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Allaric. "Mga baby?"


Ngumiti si Allaric sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Yes, my sweet angel. Triplets ang baby Demon natin."


Nakanguso si Jayna habang nagsasalita ang asawa niya. Hindi niya akalain, na ganito pala kabilis magparami ng lahi ni Allaric. Baka pag tumagal pa, tinalo pa niya ang palahiang baboy nito sa sobrang dami ng biik.


"Allaric, sa susunod, sa labas ng silid ka na matulog." Sabay talikod sa asawa niya.


"Sweet angel bakit naman?" Kinakabahan na tanong nito.


"Paano ba naman yan. Isang putok lang ng harapan mo, tatlo kaagad. Hindi mo naman ako tutulungan na umiri di ba?"


Nakamot ni Allaric ang ulo dahil sa sinabi ng asawa. Mukhang grounded yata siya nito pag-uwi ng bahay.

 
"Sweetheart.." masuyo niyang pinaharap Muli si Jayna sa kanya. "Matitiis mo ba ng hindi ako katabi sa pagtulog? Hindi mo ba ako namimiss? Hindi mo ba namimiss ito?" Sabay kuha ni Allaric ng kamay ni Jayna at pinahipo yun sa malaking alaga niya.


Agad naman na namula ang mukha ni Jayna. Dahil aaminin niya, gigil na gigil na naman siya sa katawan ni Allaric. Bakit ba kasi, katawan ng asawa niya ang kanyang pinaglihian?


"Sigurado ka bang, gusto mong tumabi sa akin sa pagtulog? Hindi ka ba natatakot, baka hindi ka na makatayo kinabukasan? Sabihin mo lang, dahil ngayon pa lang, I can't resist myself to bite you." Sagot niya kay Allaric kaya ito kinabahan.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon