CHAPTER 8 - MY SWEET ANGEL

122 3 1
                                    

Samantala, hindi alam ni Jayna sa sarili kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang init na nabubuhay sa loob ng kanyang katawan ng maramdaman niya ang higpit ng yakap ng binata sa kanya. Dati yumayakap din sa kanya si Niel na boyfriend niya, ngunit hindi pa niya nararamdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Ang lalaking yumayakap ngayon sa kanyang likuran ay kakaiba ang dating para sa kanya. Pakiramdam niya ligtas siya kapag nakayakap ito sa kanya. Mas lalo pa siyang tumingkayad at binigyang laya ang lalaki sa pag-amoy sa leeg niya.
Aaminin niyang nagustuhan niya ang ganitong pakiramdam na binabalot ang kanyang buong katawan ng mga maiinit na yakap ng binata. Maya-maya pa'y naramdaman na niyang nakaharap na siya sa binata habang ang mga kamay nito ay nanatili pa ring nakayakap sa baywang niya. Muling nagtama ang kanilang mga mata ng matagal hanggang sa sabay na bumaba ang kanilang tingin sa labi ng bawat isa.
"Do you know that I want to kiss you even more every time you make me angry, woman?"
Pabulong na wika ni Allaric sa kanya, at muli na naman siyang nadadarang sa nakakahumaling na bango ng hininga nito na may kakayahang magpainit sa kanyang buong sistema. Kung hindi lang ito nakayakap sa kanya, siguro bigla na siyang natumba dahil pakiramdam niya ngayon wala ng lakas ang mga tuhod niya dahil sa kakaibang sensasyong pinaparamdam nito sa kanya. Sobrang lapit na ng mga labi nila sa bawat isa, at any time ibibigay na talaga niya ang bandera niya.
Bakit ba ganito kalakas ang epekto ng lalaking ito sa kanya? Dalawang araw pa lang siya dito ngunit parang unti-unti ng nahuhulog ang loob niya sa binata na alam naman niyang walang puso, kaya hindi ito marunong magmahal.
Akmang itulak na niya si Allaric ng humigpit lalo ang yakap nito sa kanya at tuluyang pinaglapat ang mga labi nila. Sobrang lambot ng mga labi nito, na kahit siya hindi niya mapigilan ang sarili na hindi gumanti sa mga masasarap na halik nito. Mainit ang iginawad na halik nito sa kanya na ginantihan naman niya dahilan upang matagal na nagkahinang ang mga labi nila sa isa't-isa. Matapos magkahiwalay ang kanilang mga labi, madamdamin siyang tinitigan ni Allaric. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.
"I want you to change your clothes, my sweet angel. I don't want many men to see this, and this." Bigla siyang napasinghap ng hipuin nito bigla ang malusog nyang dibdib at ang pagitan ng kanyang mga hita. Napaigtad pa siya ng masagi ng palad nito ang umbok ng harapan niya. Muli siya nitong siniil ng halik sa labi bago pinakawalan.
Napaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa binata. Kahit kailan talaga, hindi siya mananalo sa halimaw na ito. Nakita niya itong pumipili ng mga damit na ipapasuot sa kanya.
"I want you to wear this." Malambing nitong sabi sa kanya, at muli siyang siniil ng halik sa labi. Para bang yun ang paraan niya para hindi magalit sa kanya. Ginawang calming pills na ni Allaric ang labi ni Jayna sa tuwing nagagalit sila sa isa't-isa.
Nagmamaktol namang kinuha ni Jayna ang damit mula sa kamay ni Allaric at tinungo ang banyo. Ngunit hindi pa naman siya nakapasok ng muli na naman niya itong narinig na nagsalita.
"I want you to get dressed right here in front of me."
"What!?" Gulat at naiirita na naman niyang tanong sa binata. Nang nararamdaman ni Allaric na parang nagagalit na naman ang dalaga, ay mabilis niya itong nilapitan at muling siniil ng halik sa labi.
Mabilis naman na huminahon ang dalaga habang nakatingin sa kanya na parang gusto pang magreklamo.
Naintindihan niya kung bakit ito nagagalit, dahil lalaki siya at nahihiya itong magbihis sa harapan niya.
"Okay, I'll turn around, just get dressed here." Sinabayan pa niya ito ng paghalik sa noo ng dalaga upang hindi ito magalit sa kanya.
Agad na siyang tumalikod dito upang makapag bihis na ito. Lihim siyang napapangiti dahil ngayon niya lang narealize ang mga pinanggagawa niya mula pa kanina. Napagtanto niya na nawawala ang galit nila sa isa't-isa sa isang halik lang. Napailing na lang siya habang binabalikan ang mga mainit na tagpo nila ng dalaga kanina.
"Oh, ano naman ang ngingiti-ngiti mo dyan?"
Agad siyang lumingon sa dalaga matapos marinig ang sinabi nito.
"Whoah! Bastos!" Agad siya nitong sinampal dahil nakita niya ang ternong pula na panty at bra nito na suot. Muli siyang tumalikod habang himas-himas ang pisngi niya na nasampal ng dalaga. Akala niya tapos na itong magbihis dahil tinatanong na siya kung bakit siya nakangiti. Yun pala nagbibihis lang ito pero siya ang binabantayan kung lilingon siya o hindi.
Napakamot si Allaric sa batok, mula pa kahapon puno na ng sampal ang mukha niya, sa babaeng ito.
"Oh, ayan tapos na." Nakangiti nitong wika sa kanya na parang hindi siya nito sinampal.
Masama ang loob niya na umupo ng kama. Gusto niya talagang tirisin ang babaeng ito, dahil ang bilis talaga ng kamay nito sa pagsampal sa kanya.
Parang nahulaan naman ni Jayna ang biglang pag-iba ng timpla ng mukha ni Allaric, nilapitan niya ito at hinimas ang namumulang pisngi ng binata na sinampal niya.
"Oy, sorry na, ikaw kasi eh, alam mo na ngang nagbibihis pa ako di ba? Halika na"
Ngunit wala pa ring plano ang binata na tumayo. Nagtatampo pa rin ito.
"Hay, naku bahala ka na nga! Ako na lang ang aalis, magdasal ka na lang dyan," naiirita niyang wika sa binata dahil sa kadramahan nito sa buhay.
Ngunit hindi paman siya nakatalikod ay hinila na nito ang kamay niya dahilan upang mapa-upo siya sa kandungan nito.
"My sweet angel, Do you really not know how to appease my anger?" naiinis nitong wika sa kanya at halata niya ang galit sa mga mata nito.
"Then what do you want?" Naiirita niyang sagot sa binata, dahil hindi niya naman makuha kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Kiss me,"
Agad siyang natigilan dahil sa sagot nito. Bumaba ang kanyang tingin sa mga nang-aakit na labi ng binata, hindi niya alam kung bakit parang may magnet ang labi nito dahil dahan-dahan din niyang tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Matagal ang halik na iyon hanggang sa kusa ng naghiwalay ang kanilang mga labi upang maka langhap ng hangin.
Sabay silang nakangiting dalawa na lumabas ng silid habang nakaakbay si Allaric sa balikat ng dalaga.
Napaawang naman ang labi ni Aling Edna nang madaanan lang siya ng dalawa. Parang may mga sariling mundo pa ang mga ito dahil hindi man lang siya napansin, kahit sobrang laki niya.
"Anong klase ng demonyo kaya ang sumanib sa dalawa bakit biglang nag-iba ang timpla ng hangin?"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon