CHAPTER 26 - 50 BILYON REWARD

121 3 1
                                    


Hindi pa nakahuma si Allaric sa sinabi ni Jayna ng agad na nitong kinagat ang muscles sa braso niya.


"Ahhhh.. fuck!" Mura niya dahil sa sobrang sakit..


"Minumura mo ako?" Nagtatampo na tanong ni Jayna.


"No..minumura ko sarili ko." Parang iiyak na sagot niya sa asawa.


Malapad naman na ngumiti si Jayna. Satisfied siya, sa pagiging maamo ni Allaric sa kanya.
"Kung hindi lang talaga kita mahal.."


"Kung hindi ano!?" Pag-agaw ni Jayna sa sinabi ni Allaric.


"Wala..syempre baka single pa rin ako ngayon kung hindi kita minahal." Palusot niya sa asawa. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "Thank you my sweet angel. Binigyan mo ng kulay ang mundo ko, lalo na ngayon magiging daddy na ako. I love you."


"I love you to, my Demon King." Sabay siil ni Jayna ng mainit na halik sa labi ni Allaric.
Kunot noo naman na tinanong siya nito. "Bakit Demon King?"

 
"Syempre dahil may baby Demon na tayo, tapos tatlo pa. Ikaw ang hari nila, kaya Demon King."


Nagbuga ng hangin si Allaric. Akala niya, alam na ni Jayna ang tungkol sa pagiging Demon King niya. Nginisihan niya ito, at muling niyakap.
**




One year later.


"Boss, isang taon na namin hinahanap ang katawan ni Neil, pero hindi pa rin namin siya makita." Bungad agad ni Troy ng makapasok na ito sa loob ng opisina niya. Sandali muna siyang tumigil sa pagpirma ng mga dokumento at binalingan si Troy.


"Bantayan niyo ang bawat sulok ng bansa, ikalat mo lahat ng mga tauhan natin. Padalhan mo rin ng Notice ang lahat ng mga autoridad hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa. Bibigyan ko ng 50 bilyon na pabuya ang sino man na makapagturo kung nasaan si Neil."


Nasindak si Troy dahil sa laki ng pabuya. Sino ba naman ang hindi maengganyo sa laki ng pabuya na nakapatong sa ulo ni Neil?


Mukha namang nabasa ni Allaric ang tumatakbo sa utak ni Troy, kaya muli itong nagsalita.
"Maliit ang halaga ng 50 bilyon, kung ang buhay ng pamilya ko ang nakasalalay dito Troy. Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon kina mom at dad. Kung kinakailangan na triplihin ko ang proteksyon ng pamilya ko, gagawin ko. Ayaw kong lumaki ang mga anak ko na nabubuhay sa takot."


Apat na buwan na simula ng ipinanganak ni Jayna ang triplets nila. Kung dati walang siyang kinatatakutan, ngayon, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nabuhay na siya sa takot para sa kanyang mga anak. Tuso si Neil, at alam niyang sa loob ng isang taon, nagmamasid lamang ito sa paligid. Kaya hangga't maaari, hindi niya inalisan ng bodyguard si Jayna kahit saan ito magpunta. Lalo na kapag kasama nito ang mga anak nila. Malakas ang kutob niya na si Neil ang nagpadala ng itim na bulaklak noong nakaraang buwan sa mansyon niya. At hindi siya dapat makampante. Maliban kay Neil, marami pa siyang kalaban sa negosyo na gusto siyang patayin. Pinabalik na niya ang kanyang mga kapatid sa New York, upang bawasan ang mga alalahanin niya. Alam niyang siya lang naman ang habol ni Neil.


Tiningnan niya ang oras sa kanyang wristwatch. Malapit na pa lang mag alas singko. Excited na siyang umuwi. Namimiss na niya ang tatlong little Demon niya. Napangiti na lang siya ng maalala ang reaksyon ng asawa niya, dahil puro kamukha niya ang lumabas. Paano kasi, siya ang pinaglihian, kaya halos lahat sa mukha niya, nagawang gayahin ng mga anak nila.
**


"Hmmmm, bango ng asawa ko." Bulong ni Allaric habang inaamoy-amoy ang leeg ng kanyang asawa. Kasalukuyang nagpapatulog si Jayna sa tatlong anak niya ng dumating si Allaric. Bahagya pa siyang nagulat ng yumakap kaagad ito sa kanyang likuran.


"Luv, tulog na ba sila?" Bulong nito sa tainga ni Jayna, dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.


"Naku, tigilan mo ako Allaric, subukan mo kayang mag-alaga ng tatlong anak ng sabay. Masyadong iyakin pa mga anak mo kapag wala ka. Ngayon nga lang ako nakapag pahinga nang sa wakas nakatulog na rin sila."


"Ikaw kasi ako ang napili mong pinaglihian kaya..."

"Kaya ano na naman? Ipagyayabang mo na naman na kamukha mo lahat ng anak mo? Na ikaw lagi hinahanap at hindi ako?" May himig pagtatampo ang boses nito.


Mahigpit lang niya itong niyakap at mas lalong siniksik ang mukha niya sa leeg nito. "Kaya, nga sobrang tuwa ko, dahil ibig sabihin, sobrang mahal mo talaga ako. "I love you, sweet angel."
Humarap si Jayna kay Allaric at kinalawit ang mga kamay sa batok nito. Tumingkayad siya upang halikan ang namumulang labi ng asawa. "I love you to. Sana manatili lang tayong ganito."


Bang! Crack!


Agad na naghiwalay ang dalawa mula sa pagkakayakap ng marinig ang nabasag na bagay sa labas ng kanilang pintuan. Nang tiningnan nila ito, nakita nila si Anton na namumulot ng mga basag ng crystal vase.


"Anton!"


"S..sorry po sir, nadulas kasi sa kamay ko ang vase. Babayaran ko na lang po."


"Hindi ang presyo ng vase ang ikinagagalit ko! Ayaw kong magising ang mga anak ko. Natutulog sila! Alam mo bang ang hirap nilang patulugin!?"


Napa baling si Jayna kay Allaric. Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Ayaw lang nito magising ang mga anak dahil hindi na naman ito maka iskor, kapag gising mga anak nila.


Tinalikuran na lang niya ito at bumalik sa silid ng mga anak niya. Sumunod na rin sa asawa si Allaric. 

Naiwan si Anton na nagtatagis ang mga bagang habang pinupulot ang mga basag sa sahig. "Kaunting tiis na lang Neil, magtatagumpay ka rin sa binabalak mong gawin." Paalala ni Neil sa kanyang sarili. Walang nakakaalam na mahigit anim na buwan na pala siyang nagpapanggap na hardinero sa mansyon ni Allaric. Kaunting tiis na lang, makakabisado na niya ang bawat galaw ni Allaric at ng lahat ng mga tauhan nito.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon