CHAPTER 12 - OFFICIALLY MARRIED, OUT OF THE BLUE

112 3 2
                                    

Hindi maintindihan ni Jayna ang kanyang nararamdaman, ngayong dumaan sila sa City Hall of Justice. Nilagyan, muli ni Allaric ng posas ang kamay nilang dalawa, upang masigurong hindi siya makatakas. Sobra na ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa opisina ng Judge na siyang magkakasal sa kanila.

"Hawak ngayon ng mga tauhan ko ang buhay ng boyfriend mo, kaya huwag mo na akong pahirapan pa." Madiin na bulong ni Allaric sa tainga ni Jayna nang makita niyang tumigil ang dalaga sa paglalakad. Ilang hakbang na lang at papasok na sila sa opisina ng kilala niyang judge. 

Tumutulo ang luha ni Jayna na tumingin sa binata. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Allaric? Hawak mo na ang buhay ko, bakit mo pa kailangan na pakasalan ako? Walang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa!" 

Ramdam na ramdam ni Allaric ang pagsaksak ng mahabang patalim sa puso niya dahil sa sinabi ni Jayna. Oo, tama ang dalaga, walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa, kahit siya, naiinis na rin sa sarili kung bakit niya ito ginagawa. Nasasaktan siya dahil hindi niya magawang pasukin ang puso ng dalaga dahil tanging si Niel lang ang nagmamay-ari ng puso nito, And it is so fucking hard for him to make this woman realize that she was the only one who made him feel this way. Gayunman, hindi pwedeng mapunta ang dalaga sa hayop na lalaking yun.

"I told you, you are only mine, and from this day on, you will be mine forever."

"Allaric, hindi kita mahal! Si Niel ang mahal ko!" Sigaw ni Jayna sa kanya, dahilan upang lalong madurog ang puso niya. Gusto ng lumabas ng luha niya, ngunit pilit niyang pinigilan 'yun upang iparamdam sa dalaga na bato pa rin ang puso niya.

"I know! Why do you think I do this? Do you think I love you? You are just a tool for my revenge!" Namumula ang mga mata ni Allaric habang sinasabi niya 'yun sa dalaga. Subalit sa bawat katagang binibigkas ng mga labi niya, parang patalim din 'yun na biglang ibinaon sa puso niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga luha ng dalaga na alam niyang hindi para sa kanya, kundi para kay Niel.

Parang pinagsakluban naman ng langit si Jayna, matapos marinig ang sinabi ng binata. Alam niya, na bato na ang puso nito para sa kanya. At kahit anong gawin niya, kailanman, hindi na lalambot ang puso nito. She's just a play thing to him, at hindi siya nito papakawalan hanggat hindi ito nagsawa sa kanya.
**

Pagkatapos ng kalahating oras, sabay silang lumabas ng City Hall of Justice. Hawak ni Allaric ang kontrata ng kanilang kasal, at kapwa nila suot ang singsing na palatandaan ng kanilang pag-iisang dibdib. Pag-iisang dibdib nga bang matatawag, kung wala namang pagmamahal na namamagitan sa kanila? Kahit ano pa 'yun, walang pakialam si Allaric, ang mahalaga lang sa kanya, habang buhay na niyang pagmamay-ari si Jayna.

Hindi na siya naglagay pa ng posas sa kamay nilang dalawa. Nahalata niyang galit ito sa kanya, dahil simula pa kanina, wala ng gana ang asawa niya na kausapin siya.

Malapit na sila sa kotse ng sinalubong sila ng mag-amang, Mayor Enrique at ng kapatid nitong si Jeanly.

Madilim ang anyo ni Allaric na tinanong si Mayor Enrique. "What are you doing here?" 

"Boss Allaric, nandito ako, upang sana paki-usapan ka, Itong anak ko na lang na si Jeanly ang ipapalit ko kay Jayna, sigurado akong..."

"No!" Agaw niya sa sinabi nito. Ayaw niyang palitan nito ang asawa niya. "Didn't I tell you not to show me anymore? Umalis na kayo, bago pa manilim ang paningin ko!" 

"Allaric Babe, gusto lang naman ni daddy na ako na lang ang gawin niyang pambayad, dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Naawa lang kasi ako sa kapatid ko, siya ang nagbabayad ng kasalanan, na ako naman talaga ang may gawa." humihikbi na wika ni Jeanly. Sinadya pa talaga nito na lumabas ang kanyang mga luha, upang maging totoo ang pag acting niya. Palihim nitong binababa lalo ang off shoulder crop top na suot nito upang lalong lumabas ang kalahati ng umbok ng dibdib, na siyang kinasuka ni Allaric.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon