CHAPTER 33 - NEIL OR GLEE

71 1 0
                                    


"Napag-alaman namin na kapatid niya si Neil sa ina. Posibleng si Neil ang kasabwat niya upang sirain ka.

Parang gusto niyang sumabog sa sobrang galit dahil sa narinig. Alam niyang hindi pa talaga ito tumigil. Gusto pa talaga nitong ituloy ang laban. Pwes, ibibigay niya ang hinihingi nito.

Samantalang ganun na lang ang pagkaputla ng mukha ni Master Allen ng marinig ang boses ni Allaric mula sa kabilang linya. Hindi siya nakapag salita ngunit nararamdaman na niya na mayroong hindi magandang nangyari.

"Master Allen, mukhang hindi titigil si Neil hanggat hindi nasisira ang buhay ko. Hanggat walang namamatay ng isa sa amin. Hawak ko ngayon ang kapatid niyang si Glee. Ngayon mo patunayan ang huling pinangako mo. Pumili ka, Sinong apo ang bubuhayin mo? Si Neil o, Glee? Bibigyan kita ng tatlong oras upang magdesisyon. Sa loob ng isang araw, kapag hindi mo ihahatid sa akin ang malamig na bangkay ni Neil, ang malamig na bangkay ni Glee ang ihahatid ko sa'yo."

"E-Eagle King–" Hindi na natapos ni Master Allen ang pagsasalita ng marinig na naputol ang linya ni Allaric. Nanghihina na umupo siya sa sofa kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. "Bakit ganito? Alex, ano itong iniwan mo na problema sa akin?" Naitanong niya ang namayapang anak. Tila pagod na pagod na siya kung paano pa kausapin si Niel. Hindi niya inaasahan na sa kabila ng mga pangaral niya, hindi pa rin ito nakinig sa kanya. Mas lalo itong naghimagsik na pabagsakin si Allaric at ginamit pa nito si Glee. Wala siyang magawa kundi ang tuparin ang ipinangako niya. Masakit man, ngunit kailangan niyang mamili kung sinong apo ang ititira.

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon