"Pwede bang dumaan muna ako sa opisina? Marami pa kasi akong dapat tapusin na mga accounts na hindi ko pa na endorse sa kasama ko."
Nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan habang kinakausap si Allaric. Sa front seat siya nakaupo dahil yun ang gusto ng binata. Baka daw kasi hindi siya nito mabantayan ng maayos kapag hindi siya tumabi sa kanya sa driver seat, at bigla na lang niyang maisip na tumalon. Nasa kalagitnaan sila ng traffic sa Edsa kaya nagkaroon si Jayna ng pagkakataon upang kausapin si Allaric. Nagbabakasakali siya na payagan siya nitong mag report sa kanyang opisina dahil parang maganda naman ang mood ng binata.
"No, malalate na tayo sa kumpanya ko. May emergency board meeting pa ako mamayang alas dyes." Seryoso niyang sagot kay Jayna, na para bang final na yung sinabi niya at hindi na magbabago pa kahit anong gawin ng dalaga.
Nakita kaagad ni Allaric ang paghaba ng nguso ni Jayna ng mapatingin ito sa kanya.
"Kung ganun huwag mo akong sisihin mamaya kung gagawa na naman ako ng mga bagay na hindi mo magugustuhan. Pinapaalala ko lang sayo, kung may sayad yang utak mo mas lalo na ang utak ko!"
Parang gusto na namang sakupin ni Allaric ang nguso ng dalaga habang hindi ito tumitigil sa kangangalngal sa kanya. Parang pinaglihi pa sa inahing bebe ang nguso nito habang sensermonan siya. Sumulyap si Allaric sa traffic lights at 2 minutes pa bago ito mag go signal. Binalingan niya muli ang dalaga na patuloy pa rin sa kakangalngal.
"Itabi mo yang kotse mo at ako na lang ang pupunta sa opisina mag-isa, kung ayaw mo tatalon ako...."
"Hmmpp.."
Nanggigigil na naman si Allaric na biglang sinakop ang mga labi ng dalaga upang tumigil na ito sa kakabunganga sa kanya. Nang maramdamang gumaganti ang dalaga sa mga halik niya, ay agad niyang binitawan ang mga labi nito upang sadyang bitinin ang dalaga sa mga matatamis na halik niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng makitang namumula na ang dalaga sa sobrang pagkapahiya.
"My sweet angel, if you don't stop talking, I won't hesitate to make love to you right now inside my car. I will not hesitate to give you my virginity, and I will make sure that you will never forget making love with me."
"Bastos!" Singhal ni Jayna sa binata. Bigla niyang naimagine ang mainit na tagpo nilang dalawa sakaling gagawin nga yun ng binata sa kanya. Agad na tumahimik si Jayna at hindi na umimik pa dahil sa sinabi ni Allaric.
"Hahaha,"
Malutong ang halakhak na pinakawalan ni Allaric nang makita ang nagpipigil ng galit sa mukha ni Jayna. Tamang-tama naman at nag go signal na ang traffic light kaya niya muling inapakan ang Gas pedal at tinuon ang mga mata sa gitna ng kalsada.
Nagpupuyos ang kalooban ni Jayna habang pasulyap-sulyap sa halimaw na katabi niya. Panay pa rin ang pangiti-ngiti nito kahit nakatuon ang mga mata sa kalsada. "Para talaga siyang baliw, kakainis!"Usal niya sa sarili habang palihim na iniirapan ang binata.
Hindi naman nakatakas sa pandinig ni Allaric ang binubulong-bulong ni Jayna sa sarili dahilan upang nagpalatak na naman ito ng tawa na lalo namang kinainis ng dalaga.
Gayunpaman, napapansin niya na mas lalong naging gwapo ang binata sa paningin niya kapag tumatawa ito. Pure ang kanyang mga ngiti, lalo na sa malalim na dimple nito na siyang paborito niyang tingnan sa binata kapag hindi ito nakatingin sa kanya. Dagdagan pa ng mga mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na kahit sinong ngingitian niyang babae ay hindi pwedeng hindi nakatulala sa kanya.
"Sige lang magpakasaya ka na muna ngayon, mamaya ako naman." Sa loob-loob ng dalaga. Binaling na lang niya ang kanyang paningin sa labas ng bintana, at pinanood ang bawat tanawin na madadaanan ng sasakyan nila.
Di nagtagal ay huminto sila sa tapat ng pinakamataas na building ng Dela Vega International Corporation. Tinanggal ni Allaric ang kanyang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Akmang iikot na siya sa kabila upang pagbuksan ng pintuan ang dalaga, ng maunahan na siya nito.
"Fuck!" Mura niya sa sarili ng makita na mabilis na tumakbo ang dalaga upang makatakas sa kanya.
Nakapamewang na nilingon ni Allaric ang kanyang mga tauhan na kakaparada lang din ng kanilang sasakyan dahil nakasunod din ito sa kanila kanina.
"Chase her!" Sigaw niya sa mga ito ng bumaba ng kanilang sinasakyan. Mabilis naman tumalima ang mga ito at patakbo na hinabol ang dalaga.
Parang lalabas na naman si Allaric sa balat niya habang tinitingnan sa malayo ang daan na dinadaanan ni Jayna. Alam na niya kung saan ito pupunta, sa Monolithic Engineering na mga limang building lang ang pagitan mula sa kumpanya niya.
Agad niyang tinawagan ang may-ari ng kumpanya ng Monolithic habang ang kanyang isang kamay ay sa loob ng bulsa ng pantalon niya.
" Hello Charles,"
"Hello bro, iniimbitahan mo na ba ako sa kasal mo kaya mo ako tinawagan?" Pang-aasar sa kanya ng kaibigan niya sa kabilang linya.
"Ulol! Kailan lang ba ako nagkaroon ng hilig sa mga babae?" Naiirita niyang sagot dito.
"Oo nga pala, nakalimutan ko wala ka nga pa lang hilig sa mga babae. Kung ganun bakit ka napatawag?"
"I want my woman to resign from your company right now. I will go there to pick her up."
Agad na pumantay ang ilong at nguso ni Charles ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Nagtataka siya dahil kanina lang nito sinabi na wala siyang hilig sa babae, ngunit ngayon sinasabi sa kanya na susunduin niya ang babae niya dito sa kanyang kumpanya. At sino naman sa mga empleyado niya ang maswerteng nakakuha ng atensyon ng kanyang kaibigan? Parang nabibingi siya sa sinabi nito kaya niya ito muling tinanong.
"Wait..wait..Sino bang babae ang sinasabi mo? Teka, kailan ka pa nagka interest sa mga tauhan ko?"
"Fuck you Charles" tanging sagot ni Allaric sa kaibigan at nagmamadali na itong pinatay ang tawag. Nakakunot ang noo ni Charles na lumabas ng kanyang opisina at pinuntahan ang bawat departamento ng kanyang kumpanya. Nauna siyang pumunta sa Finance Department dahil marami siyang mga magagandang empleyado dito. Baka isa sa kanila ang nakakuha ng atensyon ng kanyang kaibigan.
Inikot ng kanyang paningin ang buong silid ng Finance Department at nahagip ng kanyang paningin si Jayna na ngayon niya lang nakita dahil absent ito kahapon. Ito ang babaeng empleyado niya na madalas niyang asarin dahil namumula ito pag nagagalit. Minsan hinaharot pa niya ito dahil lumalaban sa kanya.
"Jayna!" Tawag niya sa dalaga. Agad namang tumayo si Jayna mula sa pagkakaupo at lumabas sa kanyang cubicle. Nahihiyang lumapit ito sa kanya.
"Were you absent yesterday?" Strikto niyang tanong sa dalaga.
"Y..yes sir. Sumakit kasi ang tiyan ko kaya hindi ako naka report." Pagsisinungaling ng dalaga. Bumaba ang tingin ni Charles sa kamay nito na mayroong sugat. Agad niyang hinawakan ang kamay nito upang tingnan kung ano ang nangyari sa kamay ng dalaga.
"What happened to your hand?"
Hindi paman nakasagot ang dalaga ng biglang may humatak sa kanya upang ilayo sa Boss niya.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Charles habang nakatingin kay Allaric na tinatago ang dalaga sa likuran nito. Hindi kayang e-absorb ng utak niya na ang babaeng tinutukoy ng kaibigan pala niya ay si Jayna.
Umangat siya ng tingin at nakita niya ang namumuong galit sa mga mata ng kaibigan niya. "Wait nagseselos ba siya?" Ngunit hindi paman nasagot ng utak niya ang tinatanong ng kanyang sarili ng marinig niya itong galit na nagsalita habang nakatingin sa kanya.
"I just informed you that she will be leaving your company. I didn't say you had to hold her hand as well."
Hindi na hinintay pa ni Allaric na sumagot ang kaibigan niya. Agad na niyang hinila ang kamay ni Jayna palabas ng Finance Department. Subalit hindi pa sila nakarating sa glass door ng pwersahang kinagat ni Jayna ang kamay ni Allaric dahilan upang mabitawan nito ang kamay niya. Nagtatagis ang mga ngipin ng binata sa sobrang pigil ng kanyang galit na binalingan ang dalaga na ngayon galit din habang nakatingin sa kanya.
"Umalis ka kung gusto mo! May sarili din akong trabaho dito at wala kang karapatan na diktahan ako dahil buhay ko to!" singhal ng dalaga sa binata dahilan upang mapaawang ang labi ng lahat ng mga empleyado sa loob. Hindi yata alam ni Jayna na ang lalaking kaharap at sinisigawan nya ngayon ay ang lalaking kinakatakutan ng lahat. Maging ang boss nila na si Charles, ay walang lakas ng loob na galitin ang kaibigan dahil alam niyang wala itong puso kapag nagagalit. Ngunit si Jayna parang sanay na kapag ginagawa ang mga ganyang bagay sa harapan ng lalaking kinakatakutan nila?
"Don't stop insulting me here, or I'll have to deal with you in a way that you won't like." pabulong ngunit madiin na pagkakasabi ni Allaric malapit sa tainga ng dalaga. Ramdam ni Jayna sa boses ng binata na pinipigilan lang nito na magalit sa kanya. Gayunpaman kahit anong control niya ng kanyang emosyon nangingibabaw pa rin ang galit niya sa binata.
"Iwan mo na muna ako dito, marami pa akong dapat tapusin." mahina niyang sagot kay Allaric, umaasa siyang pakinggan siya nito sakaling hinaan niya ang boses niya. Ngunit ang kasunod na sagot ng binata ang siyang pumukaw muli ng tantrums niya.
"No. You will come with me right now. I bought you, so I'm still the one to follow, and you don't have the right to decide for yourself." final nitong sabi sa kanya saka siya muling hinawakan sa kamay na agad namang kinaiirita niya.
Agad niyang sinipa ang paa ni Allaric dahilan upang matigil ito sa paghila sa kanya. Bahagyang yumuko ang binata at nakita nito na nagmarka ang talampakan ng heels ni Jayna sa itim na slacks niya. Galit niyang tiningnan ang dalaga na ngayon ay nagpupusok na sa galit habang nginangalngalan siya.
"Bakit ba ang hirap mong makaintindi! Ayoko nga sumama sayo di ba!? Umalis ka kung....hmmmmp"
Hindi na natapos ni Jayna ang gusto pa sana niyang sabihin dahil agad ng sinakop ng binata ang mga labi niya. May kasamang parusa ang halik nito sa umpisa, ngunit unti-unti niyang naramdaman na may kasamang panunuyo na ang paraan ng halik nito na tila bang hinihikayat siya na sumama na.
Nang maramdaman ng binata na nadadarang na si Jayna sa mga halik niya, ay mabilis niya itong binuhat palabas ng Finance Department upang hindi na manlaban pa.
Matagal nang nakalabas ang dalawa ngunit si Charles ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan niya. Ipinilig niya ang ulo ng matauhan siya dahil sa sinabi sa kanya ng mga empleyado niya.
"Sir, boyfriend na ba ni Jayna ang gwapong boss ng Dela Vega Corp.? Nakakainggit naman, matagal ko na sanang crush yun eh kaso hindi man lang sumusulyap sa mga babae. Si Jayna lang pala ang tipo ng babae na gusto niya."
'Go back to work!" singhal ni Charles sa mga tauhan niya bago bumalik sa kanyang opisina, ngunit hindi pa rin nawawala sa kaisipan niya ang tungkol sa in-akto ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
RomansDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...