BANG! BANG! BANG!
"Fuck!" Kinakabahan na mura ni Allaric. Mas lalo niyang pinabilisan ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan, ng makarinig siya ng magkasunod na mga putok. Naghalo ang kaba at pag-aalala niya, sa takot na baka ano na ang nangyari sa kanyang asawa. Ilang sandali pa, nakita na niya ang mga sasakyan ng kanyang tauhan, habang pinapaputukan ang gulong ng kotse ni Neil at ng mga tauhan, nito.
"Putang ina, mga Bobo," Mura ulit niya sa kanyang mga tauhan, dahil nagpaputok ang mga ito, paano kung madisgrasya ang asawa niya, eh di, maaga siyang mabiyudo? Mga tanga talaga sila.
Kinuha niya ang walkie talkie na sa loob din mismo ng sasakyan, at sinigawan, ang kanyang mga tauhan.
"Mga tanga ba kayo!? Nakita nyo na nga, na ang asawa ko, nasa loob pa ng sasakyan ni Niel di ba? Bakit nyo binabaril ang sasakyan niya, paano kung matamaan nyo ang asawa ko, huh? Ubusin ko kayong patayin, kapag nangyari yun!"
"Sila naman kasi boss, ang unang nagpaputok sa amin."
"Kahit na! Bakit nyo ba sila hinahabol? Di ba para iligtas ang asawa ko? Kung matamaan ang asawa ko sa loob, malilintikan kayo sa akin!"
Galit na galit siya sa kanyang mga tauhan, "Tumabi kayo!" Nang marinig ang utos niya, agad naman na tumabi ang sasakyan ng kanyang mga tauhan upang bigyan siya ng daan. Ilang sandali pa'y, siya na ang kasunod ng sasakyan ni Niel. "Fuck!" Mura ulit niya sabay hampas sa manibela, ng sumingit ang sasakyan ng mga tauhan ni Niel sa gitna, upang protektahan ang boss nila, laban sa kanya.
Nagdidilim ang anyo niya, na kinuha ang baril at mabilis na binaril ang sasakyan ng tauhan ni Niel na nakaharang sa kanya. Sapul naman sa ulo ang driver na nagmamaneho nito, kaya agad itong bumaliktad at nalaglag sa bangin.
"Paharang-harang ka kasi, yan ang napala mo!" Galit niyang wika. Wala siyang pakialam kung sarili niya ang kinakausap niya. Muli siyang nagkaroon ng pagkakataon upang sundan ang sasakyan ni Niel.
Nang makita ito ni Niel, agad niyang binaril ang sasakyan ni Allaric. Nasa likurang bahagi sila ng upuan ng sasakyan, dahil pinili niya, na ang tauhan niya ang mag drive. Kapag siya kasi, wala siyang kasiguraduhan kay Jayna. Kanina pa niya kasi nahalata na parang wala ng balak makipagbalikan sa kanya ang girlfriend niya. Plano niya sana, gamitin ang babaeng ito laban kay Allaric.
Nakita naman ni Jayna na binabaril ni Niel ang asawa niya sa likuran, kaya napuno ng takot ang kanyang dibdib. Ewan ba niya sa sarili niya. Mas sinisigaw ngayon ng puso niya na ayaw niyang may mangyaring masama kay Allaric, kaysa sa ex boyfriend niya, na tatlong taon na niyang karelasyon. Ngunit aaminin niya, na mas marami pa ang oras at araw na magkasama sila ni Allaric, kaysa sa ex niya, dahilan upang mahulog ang loob niya dito.
Nang makitang binuksan ni Neil, ang katabi nitong bintana upang muling barilin si Allaric, mabilis niyang binuksan ang katabi niyang pintuan at walang takot na tumalon.
"Putang Ina, Jayna!" Galit na galit na sigaw ni Niel, sa ginawa ni Jayna. Akmang babalikan nila ito kung saan nahulog, ngunit mabilis pa sa alas kwatro si Allaric na kinarga si Jayna at pinapasok sa loob ng kotse niya.
Habang sa loob ng kotse ni Allaric, galit niyang tinapunan ng tingin si Jayna, na nagtatanggal ng mga dumi sa mga sugat sa tuhod at siko niya. "Fuck, angel, bakit mo ginawa yun, huh? Masyado mo akong pinag-alala, alam mo bang dahil sa ginawa mo parang ako pa, ang mauuna na mamatay?"
Sa halip na sagutin siya, isang matalim na irap lang ang ibinalik sa kanya ni Jayna, dahilan upang mas lalo pa siyang manggigigil. Mabilis niyang inilapit ang ulo nito at agad na ginawaran ng halik sa labi. "Humanda ka sa akin mamaya sa bahay. Masyadong matigas ang ulo mo." Pagkatapos sabihin yun, agad siyang nag drifting pabilog, ng kanyang sasakyan. "Harangan nyo ang kotse ni Niel!" Utos niya, sa kanyang mga tauhan, mula sa walkie talkie.
Agad naman sinalubong ng mga tauhan niya, ang sasakyan ni Niel, kaya lubusan silang nakatakas ng asawa niya.
"Fuck! Fuck! Fuck! Galit na galit si Niel, wala siyang magawa sa sobrang dami ng mga tauhan ni Allaric. Samantala yung sa kanya, nabawasan pa dahil nalaglag ang sasakyan nila sa bangin. "Tangina ka Allaric, hindi pa tayo tapos! Makikita nyong dalawa sa akin!" Hindi na lumaban pa si Niel, hinayaan na lang niya ang mga tauhan niya ang lumaban sa mga tauhan ni Allaric, upang mapabilis ang pagtakas niya. Nabigo man siya ngayon, maghahanap siya ng paraan, upang makuha muli si Jayna. Gagamitin niya ang babae, upang lalong pahirapan si Allaric.
Pagdating nila sa Mansion, bumaba si Allaric sa sasakyan at binuhat si Jayna.
"Hindi, ako na, kaya ko na." Nagmamatigas pa rin si Jayna kay Allaric, ayaw niyang binubuhat siya nito. Hindi dahil galit siya dito, kundi dahil galit siya sa kanyang sarili. Ayaw niyang tanggapin, na nahuhulog na ang loob niya sa asawa, hindi nga niya alam kung may pagmamahal din ito sa kanya.
"May kasalanan ka pa sa akin, wag ka ng mag matigas." Akmang bubuhatin na niya ito, ng paika-ikang tumakbo ito papasok sa loob ng mansyon.
"Fuck! Jayna! Ano ba!? Madagdagan yang sugat mo sa paa, kapag pinilit mo!" Sigaw niya sa asawa habang hinahabol niya ito. Ngunit parang wala itong narinig.
Nagngingitngit ang kalooban ni Jayna, hangga't maaari, gusto niyang iwasan ang mga ginagawa ng asawa niya sa kanya. Ayaw niyang mangarap ng gising. Ayaw niyang
"So, ngayon ako pa ang may mali? Kung hindi ako tumalon, baka hanggang ngayon, magkasama pa kami ni Niel! Sana nga hinayaan na lang kita, kung paano mo ako iligtas! Bakit mo nga ba ako ililigtas?"
Kunot-noong tinitigan ni Allaric ang asawa. Nahihiwagaan na siya sa mga pinagsasabi nito. " Teka, ano ba ang pinagsasabi mo? Siyempre, dahil asawa kita, kaya gusto kitang iligtas. ,Ngayon, gusto mong sabihin sa akin, na sana hindi na lang kita iniligtas, para kasama mo sana hanggang ngayon, ang kupal mong boyfriend, ganun ba? Kung ayaw mo naman palang iligtas kita, bakit ka pa tumalon? Sino, ang hinihintay mong magliligtas sayo, kung ayaw mo naman pala sa akin, huh!?"
Saglit na hindi nakakapagsalita si Jayna. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya, dahil gusto niya lang naman talaga na iligtas siya ng asawa niya. " Natatakot lang ako na barilin mo si Niel, tulad ng ginawa mo sa mga tauhan niya, kaya naisip kong tumalon na lang, para iligtas siya. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya." Lihim na kinurot ni Jayna ang hita, dahil sa mga pinagsasabi niya. Baligtad ang mga sinabi niya sa kanyang asawa, ngunit ayaw niya lang talaga aminin, na nahulog na ang loob niya dito.
Muling nagpupuyos ang loob ng dibdib ni Allaric dahil sa sagot ng kanyang asawa. Kinuyom niya ang kanyang kamao, habang matalim ang mga tingin na nakatitig kay Jayna. Gusto niya itong sugurin, upang sakalin, ngunit hindi niya magawa. Naiinis siya sa sarili, dahil hindi niya gusto, ang ganitong klaseng pakiramdam na nasasaktan. Ibinuhos niya ang kanyang galit sa pamamagitan ng paghagis ng crystal vase sa wall, kaya ito nabasag. "Ahhhh, tangina!" Gusto niyang magwala, ngunit hindi pa naman niya nagawa yun, ng inunahan na siya ng kanyang asawa.
"Ahhhh, Tangina na rin! Ito ang ba ang gusto mo!? Sige magkakabasagan tayo dito! Mayaman ka naman di ba? Lahat nabibili mo! Kaya mo nga akong bilhin di ba!? Ahhhh! Sige, ito, ubusin na lang nating basagin lahat!" Sabay , sunod-sunod na suntok ni Jayna sa malaking salamin, na paborito niyang suntukin, kapag nakikita niya ang sarili niya. Gusto niya ring ibuhos ang galit niya, dahil hindi niya magawang pigilan ang kanyang sarili na umibig sa kanyang asawa. Ilang beses niyang sinuntok ang salamin, kahit na dumudugo na ang kamao niya, wala siyang pakialam.
Nakita naman ito ni Allaric, kaya nadagdagan ang pagdilim ng anyo niya. Nilapitan niya si Jayna, upang pigilan, "Put***tangina naman Jayna, masaya ka ba na laging sinasaktan ang sarili mo kapag nagagalit ka!?"
umasa, na mahal siya nito, dahil simula't sapul inaamin na nito sa kanya, na hindi siya mahal at kaya lamang siya pinakasalan, upang makaganti sa ex boyfriend niya. Kahit masakit ang kanyang paa, tiniis niya pa rin, upang akyatin ang hagdan.
Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan ng naabutan na siya ni Allaric. Agad siya nitong binuhat, papasok ng kanilang silid. "Ibaba mo ako! Allaric!" Kahit anong sigaw ni Jayna, hindi nakikinig si Allaric. Sinara pa nito ng malakas ang pintuan ng kanilang silid, dahilan upang nagkatinginan, ang lahat na mga kasambahay, hindi rin ito nakaligtas sa mga kapatid niya. Nagtatanong ang kanilang mga mata sa isa't-isa. Hindi nila inaasahan na ganito pala ang mag-asawa, parang aso't pusa kung mag-away dahil walang kahit isa sa kanila ang nagpapatalo.
SAMANTALA sa loob ng kanilang silid, galit na galit si Jayna ng ibaba siya ni Allaric, at pinaupo sa kama, upang, gamutin sana ang kanyang paa.
"Allaric, ano ba! Sinabi na ngang ako na eh.. Kaya ko na ang sarili ko!" Singhal niya dito, dahilan upang umakyat din bigla ang dugo nito sa ulo.
"Ano ba talaga ang nangyayari sayo, huh? Hindi na talaga kita maintindihan. Gusto kong gamutin ang sugat mo, upang hindi ka na mahirapan. Kasalanan mo na rin kasi yan, bakit hindi mo na lang kasi hinintay na iligtas kita, bakit kailangan mo pang tumalon sa kotse, mabuti na lang mild lang and sugat mo."

BINABASA MO ANG
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
RomanceDemon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lu...