The sunlight didn’t hurt our skin so we continue to walk for more than hour. Thank heaven, at nakalabas na rin kami sa Peath Way ng matiwasay. Still, mas pinili kong maging hayahay ang oras ko kahit ramdam ko ang kaseryosohan ng iba.
“Pagod na pagod na ako,” ngawa ni Prinsesa Gail.
Hindi ko tuloy maiwasang bigyan siya ng masamang tingin. Paano siya mapapagod eh binuhat siya ni Heinukel Hanuis kaya nasa likod siya nito at payapang nakapulupot sa leeg ng kaniyang kaibigan. Mabuti na lang at nasabi ni Heinukel Aewe sa akin na malapit na kaming makarating sa Fortaleza. Ilang kilometro pa lalakarin namin bago makapagpahinga. Konting tiis pa sa sikat ng araw at malalagpasan namin ang hangin na parang disyerto kung sumalubong sa aming paglalakad.
“Ayos na ba pakiramdam mo?” tanong ko kay Aren. Mabuti na lang at naging maayos ang kalagyan niya pero alam kong hindi nawawala ang pangingitim ng mga ugat sa kaniyang palad.
“Yeah, I’m fine,” tipid niyang sagot.
My eyes squinted when I can already see the city of Fortaleza. We walked for milestones just to get here. Hinihingal kong binaba ang kalakihan kong bag sa isang malaking bato. We’re surrounded by a Bitternut Hickory tree. Napakalinis tignan ng paligid dahil walang naglalakihang damo o bulaklak. Tanging berdeng Carpet Grass ang nakikita ko habang tinatanaw ang lungsod ng Fortaleza mula dito sa pwesto namin.
“Is that the Fortaleza?” walang ganang tanong ni Prinsesa Gail habang nakaduro ang hintuturo niya sa Fortaleza.
“Yan na nga yun.” Parang naalimpungatan si Prinsesa Gail sa sinabi ko. Bumababa siya mula sa likod ni Heinukel Hanuis at naunang tumakbo sa kapatagan.
Sa aming pwesto makikita ang napakalawak at pabilog na naglalakihang pader na gawa sa semento. It was like a maze city surrounded by wall in circle shape. If I’m not mistaken, Wizard and Enchanter are the original dwellers of Fortaleza. Sa ngayon ay naghalo halo na ang iba’t-ibang nilalang mula ng humina ang mahika ng mga salamangkero.
Tumaas ang aking mata ng makarating kami sa harapan ng lupain ng Fortaleza. Halos hindi ko na makita ang pinakadulo ng pader dahil sa sobrang taas nito. Apat ang tarangkahan ng Fortaleza subalit hindi ko kilala ang nagbabantay sa unang tarangkahan.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Heinukel Aewe ng mapansin akong naglalakad papunta sa ibang direksyon.
“I know this place. We can enter if the man at the second gate still recognizes me, I’m hoping.” Sinenyasan ko silang sumunod sa akin kaya wala silang nagawa.
The city of Fortaleza was governed independently. They do not favor alliances with other countries. People in Fortaleza just had one attitude and belief when I was here for a month.
Their land, their rules.
“Bumalik ka Dernia,” bulalas ng may katandaan na kawal nang makita ako.
Tinignan niya ang mga kasama ko at mukhang naintindihan niya ang sitwasyong kinakaharap ko. Lumingon muna siya sa paligid bago kami papasukin sa maliit na gate ng tarangkahan. Kulay lime green ang tatak ng mga salamangkero kaya hindi na ako magtataka kung lahat ng makita ko ay puro green maging ang tarangkahan.
One of his colleagues nodded when grandfather Herm signaled him. He swiftly pulled me before we moved along the side till we were at a modest-sized house. Despite the fact that the interior wood is really ancient, the surroundings are tidy and clearly well-maintained. The chamber is entirely green, much like the outside.
“Lolo maraming salamat,” napangiti ako ng guluhin niya ang buhok ko.
Maamo ang mukha ni lolo Herm subalit bakas sa kaniyang mukha ang katandaan. Tulad ng bulaklak na Periwinkle ang kulay ng kaniyang mata. He's wearing the green armor of Fortaleza kaya siguradong mananagot siya kapag nalaman ng matataas na opisyal ang kaniyang ginawang pagpasok sa amin.
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a realm where demons exist, Emperor Damaschke Hadrian broke a crucial agreement, setting in motion a chain of events that threatens to bring about the downfall of all five realms. A young woman named Maivee Fogler, also known as Meil, emerges as...