Sabay na nagpalabas sina Heinukel Aewe ng apoy at Prinsipe Ocuser ng Thermal ball papunta sa malaking puno na babagsak sana kina Prinsesa Gail at Ryan. Mabilis na sumabog ang puno dahilan para magpatuloy kami sa pagpapatakbo ng kabayo.
Naramdaman namin na humihina na ang lindol at kasabay nito ang paghinto ng mga kabayo marahil dahil sa sobrang pagod. Nakarating kami sa isang malawak na lawa at mukhang malinis ang tubig kaya bumaba kami ni Heinukel Aewe mula sa kabayo at dumeretso para makapaghilamos.
Inalalayan ni Prinsipe Ocuser si Heinukel Moreen na bumaba sa kanilang kabayo. Tulad namin ay puno sila ng galos at dumi sa kanilang mga damit.
"Nasaan na tayo?" mahinhin na tanong ni Prinsesa Gail.
Umupo muna kami sa punong kahoy na natumba.
"Kakaiba ang lindol na nangyari kanina. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong malakas na enerhiyang nanggagaling mula sa lupa," ani Heinukel Moreen.
Napatingin naman kami kay Prinsipe Ocuser na seryosong nagmamasid sa paligid. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa sinasabi ni Heinukel Moreen.
"Malapit lang dito ang lupain ng mga Dwadecus kaya maghanda na kayo," utos ni Prinsipe Ocuser.
Napa-irap ako ng wala sa oras dahil ramdam ko pa rin ang pagod na nangyari kanina.
"Ano yan?" tanong ko kay Prinsesa Gail.
"Damit natin pagkatapos maligo." Biglang nagningning ang aking mata sa sagot niya.
"Gamutin muna kita Meil." Pinahintulutan kong hawakan ako ni Heinukel Moreen dahilan para makaramdam ako ng ginhawa habang unti-unting naghihilom ang mga sugat at gasgas sa aking balat at mukha.
Sunod niyang ginamot si Prinsesa Gail na may hiwa lang sa kaniyang braso. Nakita ko si Prinsesa Gail at Heinukel Moreen na naglalakad papalayo. Mukhang maliligo na sila.
"Saglit hintayin mo ko," ang tangi kong sigaw sa kanila.
Naabutan ko sina Prinsesa Gail at Heinukel Moreen na walang saplot sa katawan. Nakalubog sila sa tubig ngunit kita pa rin ang naggagandahan hubog na kanilang itinatago. Nagtanggal na rin ako ng saplot at lumusob sa tubig na abot hanggang leeg. Nakakaginhawa ang tubig dahil medyo mainit at amoy bulalak. Napansin ko ang alanganing mukha ni Leif kaya sinabuyan ko ang dalawa ng tubig.
"Ano ba Meil!" Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsaboy sa kanilang mukha.
Tumili ako ng wala sa oras dahil nagsimula silang gumanti.
"Tama na!" Tumili ako ng magkakasunod dahil hindi na ako makahanap ng hangin.
Ramdam kong tumigil sila kaya humarap ako.
"Andaya niyo! Pinagtulungan niyo kong dalawa." Tumawa lang sila at nagsimulang kuskusin ang kanilang katawan.
Lumapit si Prinsesa Gail sa akin at sinimulan akong tulungan na kuskusin ang aking mahabang buhok. Nasa likod ko siya at ramdam ko ang malalalim ngunit mahinang hininga.
Malaki ang pinagbago ni Heinukel Moreen sa loob ng isang buwan. She still a beautiful Elves and her attitude is much better now than before. Habang si Prinsesa Gail ay nagkaroon na ng laman hindi katulad dati na nakakatakot siyang utusan na bumuhat ng gamit.
"You did the mark ritual right?" Napalingon si Heinukel Moreen dahil sa tanong ni Prinsesa Gail.
Lumangoy sila papalapit at tinignan ang marka sa aking leeg.
"You did?" Hindi ako makasagot kay Prinsesa Gail.
"Yeah," makatotohanan kong sagot.
Tinapik ni Heinukel Moreen ang kaniyang nuo na tila may naalala. "Kaya pala. Napansin kong maayos ang nararamdaman ni Vetel dahil nagawa niyo na talaga ang mark ritual."

BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasíaIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...