13

734 37 2
                                    

[⚠️GRAMMATICAL ERRORS AHEAD⚠️]

AKI DEMETRIO

Kanina pako tawag ng tawag sa telepono niya pero di niya sinasagot. Malapit na kasi ako makarating sa subdivision nila. Oo umuwi nako kit ayaw pa ni mama. Pero may trabaho pako na naiwan isa pa di ako nakapagpaalam ng maayos kay Sir Madrigal lalo na sa kanya. Kay Cid.

"Mama dito nalang po hito po bayad" Saad ko sabay lahad ng pamasahe ko bago bumaba ng taxi kaya andito na ako ngayon sa harap ng subdivision nila kaya walang pagdadalawang isip akong tahakin ang papasok roon.

"Ikaw pala Aki buti nakabalik kana" Bungad sakin ng tagabantay ng gate nila.

"Ahh oo eh, ayaw kung magtagal sa probinsiya namin, lalo pa na may trabaho pakong naiwan dito. Anjan ba si Seniorito Cid? " Tanong ko dito.

"Nako wala eh, kanina payun umalis may kikitain ata" Saad nito. Tumango nalang ako bilang sang ayun.

"Kung ganon tutuloy nako salamat sa sagot" Saad ko sabay patuloy na naglakad papunta sa mansion nila mismo.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating narin ako sa harap ng pintuan. Binuksan ko naman iyon ng nagulat ako kung sino ang nasa harap ko ngayon. Si Sir Madrigal.

Seryuso itong nakatingin sakin na para bang kakainin ako ng buhay.

"At san ka nanggaling Aki? Alam moba na pinapahanap ka namin ni Cid? Dahil sa pag alis mo na walang paalam? " Seryuso niyang ani sakin kaya napayuko naman ako sa hiya.

"Patawad po Sir Madrigal, diko po sinasadya na di makapagpaalam sa inyo, emergency lang po kaya diko naisip na magpaalam pa para umuwi sa probinsiya namin" Saad ko dito.

"Oo na pinapatawad na kita, alam ko naman na may dahilan ka kaya sapat na sakin ang paliwanag mo pero yung anak ko ewan ko nalang, para yung baliw na di makapakali kung nasan ka. Baka mamaya andito narin yun sige na maiwan na muna kita marami pa akong trabaho na kailangang tapusin." Saad niya kaya tumango naman ako bago siya umalis sa harapan ko. Kaya nagoatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko para magbihis narin, ramdam kona yung lagkit ng katawan ko dahil sa pawis.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay bigla nalang tumunog yung telepono ko dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko para buksan at tingnan iyon.

Napabitaw ako ng telepono ko sabay bilis ng tibok ng puso ko.

"K-Kung ganon? Kaya pala wala siya dito kasi nakipag kita siya sa ex niya? , wag mong sabihin habang wala ako lagi silang nagkikita? Pinagpalit na niya ba ako sa ex niya? " Tanong ko sa sarili at naramdaman ko nalang na tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.

Ang sakit.... Ang sakit makita ang larawan nilang ganon sila kalapit sa isat isa. Oo may nakaraan sila alam ko yun pero di parin maiwasan na masaktan ako lalo pat may nakaraan na sila. Paano kung mahulog ulit si Cid sa Zion nayun? Paano nako? Ayaw kung maiwan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cid Madrigal: The Playboy Casanova's Son [TPCS] [BxB] UNDER EDITION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon