[⚠️Warning: Typos ahead⚠️]
Aki's POV.
Na gising ako dahil tunog ng telepono ko kaya agad ko itong inabot mula sa maliit na lamesa sabay sagot ng tawag.
"Hello?.. " Antok kung ani dito.
"Anak? Si mama nimo ni, imong manghod naa sa hospital, naa kay kwarto para ibayad sa ospital para makagawas na imong manghod? (Anak? Si mama mo to, ang kapatid mo andito sa Hospital, may pera kaba dyan para ibayad sa Hospital ng sa ganon makalabas na ang kapatid mo? ) " Bungad agad ni mama sakin, kaya napabangon ako bigla sa sinabi niya.
"Ano ma? Kumusta na si Junjun? Inatake na naman ba siya ng Hika niya? " Alala kung ani dito.
"Oo anak, abi nako nga mawala na ang kapatid mo sa atoa, may gani nadala dayun namo siya sa Hospital diri sa atoang Probinsiya (Oo anak, akala ko nga mawawala na ang kapatid mo sa atin, buti nakang ay nadala agad namin siya sa Hospital dito sa Probinsiya natin) " Saad ni mama kaya napahinga naman ako ng maluwag.
"Ohh sige ma, magpapadala ako jan mamaya, wala pa kasi akong sweldo, pero may naipon naman ako, ipapadala ko sa inyu jan, para naman makauwi na kayu at bilhin mo rin ang mga gamot na kakailanganin ni Junjun sa paggaling niya ma" Saad kopa.
"Pasensiya ka na anak, kung umaasa kami sayo, lalo na sa sakit ng kapatid mo, simula nung nawala ang papa mo sa atin, ikaw na ang nagiging ama ng kapatid mo, pasensiya kana anak" Saad pa ni mama kaya napangiti naman ako.
"Okay lang po yun ma, ang importante, nanjan kayu para sakin, sige na ma, mag trabaho pako ngayon, ipapadala ko nalang mamaya ang pera ma" Saad kopa.
"Ohh siya anak, ibababa kona to, salamat anak" Saad pa ni mama, kaya binaba ko narin ang tawag.
Napabuga nalang ako ng hangin, sa totoo lang kahit pagod na ang katawan ko, di parin ako tumitigil sa pagtatrabaho, dahil iniisip ko agad sina mama, kasi paano kung wala akong trabaho, paano ko sila mapapadalan ng pera, at si bunso paano ang gamot niya. Kaya kahit may sakit ako, kumakayod parin ako para may pera ako. Kaya nga dalawa ang trabaho ko ngayon eh, casher sa isang grocery store malapit sa condo ko at sa gabi naman waiter sa isang sikat na restaurant.
Kaya di na ako nag aaksaya ng oras pa at bumangon narin ako deritso sa banyo para maligo at gawin ang daily routine ko.
By the way I'm Aki Demetrio at your service.
.............
"₱500.00 po lahat ma'am ito lang ba? " Tanong ko sa customer pagkatapos kung e total lahat ng pinamili niyang groceries.
"Yan lang iho hito oh" Saad niya sabay lahad ng 500 pesos kaya kinuha ko naman ito sabay inlagay sa lagayan ng pera. Sabay bigay ng pinamili niya.
"Thank you po ma'am" Saad ko bago siya umalis.
Makalipas ang ilang oras ay hapon narin, kaya napaupo nalang ako dahil sa pagod sa kaka total ng mga pinamili nila.
"Aki? G kaba mamaya? Videoke tayu" Aya ni Mark, katrabaho ko dito.
"Pasensiya na Mark, di ako makakasabay sa inyu mamaya, may trabaho pako sa restaurant eh" Pagtanggi ko. Kaya namayani naman ang lungkot sa mukha niya.
"Ganon ba? Okay sige next time nalang"malungkot niyang ani. Nakonsensiya naman ako.
" Sorry talaga Mark, wag kang mag alala, babawi ako sayo" Saad kopa kaya gumuhit naman ang tuwa sa mukha niya
"Sabi mo yan hah, aasahan ko yan" Saad pa niya. Tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Cid Madrigal: The Playboy Casanova's Son [TPCS] [BxB] UNDER EDITION
Romance"You'll never get away from me Aki, even a single step"- Cid Madrigal. *** Aki Demetrio a typical boy, di mayaman, di rin mahirap, isang masipag na anak, kapatid at kaibigan kung iyong maituturing, simula nung nawala ang kanya ama, ay natutuno siya...