Naging kamangmangan sa iba ang pagtataglay mo ng karunungan, sapagka't iyon ang nagdala sa iyo sa bigkis ng kapahamakan.
Ninais mong magkaroon ang bawat isa ng pantay na karapatan, ngunit sa huli ipinagkait sa iyo ang katarungan.
Nakulong ka sa pagnanasang mapalaya ang ilan.
Bagaman nagsilbi kang ilaw sa iba, ngunit iyon din ang nagdala sa iyo sa kadiliman.
Hindi ba't kakatwang isipin na kasalanan palang maghangad ka ng mabuti sa iyong lupang sinilangan?
Hindi ba't kakatwang isipin na ang maliwanag mong pangarap ang magdadala sa iyo sa madilim na kalalagyan?
Ang iyong pag-ibig ay naging kapahamakan sa iyo, ngunit nagkalag ng tali sa ibang tao.
Ako'y lubos na humahanga sa iyo, sapagka't nagawa mong talikuran ang iyong sarili para lang sa ikabubuti ng marami.
At kahit na ituring ka man ng iyong mga kaaway na taksil sa bayan, ang iyong katuwiran ay mananatili, at sasaiyo palagi.
At sa tunay na paghuhukom, ang Dios ang iyong magiging saksi.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...