Ang bayaning nagpaningas ng kanyang ilawan, at inilagay sa talagang lalagyan, upang magbahagi ng liwanag.Na hindi gumamit ng dahas,
bagkus ng papel at pluma upang maging sandata at lakas.Jose Rizal ang kanyang pangalan,
at kahit nagdaan na ang maraming pahanon, ay igunugunita pa rin siya taon-taon.
Sapagka't sinong bang makakalimot sa dakilang mga bagay na ginawa niya noon?Siyang nagpamalas ng kanyang dunong upang magsilbing tanglaw sa kanyang mga araw.
Siyang naghasa ng kanyang mga kamay upang imulat ang kanyang mga kababayang inaabuso, at minamaliit ng pamahalaang nagpapahirap.
Sa kadiliman ng nakaraan, siya ang nagsilbing liwanag.
Sa mata ng kanyang kaaway, ang kanyang mga isinulat ay pangungutya, paglaban, at pagtuligsa, ngunit ang totoo'y isa itong aklat na naglalaman ng pag-ibig.
Pag-ibig na maaaring magpaahon sa iyo sa dumuduming tubig.
Pag-ibig na hihila sa iyo sa dumidilim na daigdig.
At pag-ibig na mumulat sa mga mata mong nakapikit, upang gisingin ka sa pagmamalabis.Nilabanan niya ng pag-ibig ang kapangyarihan.
Hindi siya naduwag sa pagsasabi ng katotohanan.
At kahit na kamatayan ang kanyang kinahantungan, nanindigan pa rin siya na tama ang kanyang pinaglaban.Bagaman itinuring siya ng kanyang mga kaaway na taksil sa bayan, ngunit mas marami pa rin ang naniwala sa kanya na nahatulan siya at namatay sa pagkakasalang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...