'Kabagabagan'Sa punto de vista ni Arceilla Wetzel sa kwentong pinamagatang 'Keep This Love Alive'
Ang ala-ala ay naghahanap mula sa aking ugat.
Madilim na alapaap na nagtatakip ng liwanag, ngunit bakit itong kadiliman ay hindi ako itinatago sa pasakit at hirap?Hinihila ako nitong kadiliman sa pagkabagbag, ng lahat ng maluwalhating kalungkutan na nagdadala sa akin sa labis na pahirap.
Walang salitang makapaglalarawan sa sakit na aking dinadanas.
Sa kadiliman na bumabalot sa liwanag, ako nga'y dumadaing ng hirap.Ang aking mga luha ay dinidiligan ang aking hiligan.
Ang aking mata ay nangamumugto dahil sa kahirapan.
Hangad ko lang naman ay kasiyahan, ngunit bakit ang dumating sa akin ay labis na kaparusahan?Ako'y tila binuhusan ng malamig na tubig, at lahat ng aking buto ay tila nanganginginig.
Ang aking puso ay parang pagkit na natutunaw sa sakit at walang magawa, kundi mapapikit kasabay ng luhang nangingilid.
Kunin mo ako, kadiliman, sa ilalim ng araw, at dalhin mo ako sa Sheol na walang ala-ala.
Sa kahihiyan at kalungkutan, ay nais ko ng makapagpahinga.
Lahat ng aking kaarawan na walang kabuluhan, ay nais ko nang mabura.
Sa Sheol na walang katha ni karunungan man, sa libingan ng mga patay na iyong paroroonan, dalhin mo ako roon upang ako'y makalimot. Sapagka't sa bigat ng loob, ako'y lipos.
Mula sa alabok, ibalik mo ako sa alabok upang lahat ng pasakit at kalungkutan ay tuluyan ko nang malimot.
Sa kalupitan ng mundo, ay wala nang dahilan para manghinayang.
Ngunit narito sa kanyang mukha, ay nakita ko ang tama, at ang kanyang katawan ay puno ng sugat.
Tila nagdaan din siya sa labis na pahirap. Dahil sa aking mga luha, ang aking mga mata ay unti-unting nanlalabo.Imbis na tumigil ang luha, ay lalo pa akong napahikbi. Ang kanyang luha ay dumudurog din sa akin.
Walang mga salitang lumabas sa aking bibig, kundi ang hagulgol ng aking pagtangis.
Ako'y kanyang hinagkan at niyakap ng mahigpit, ngunit hindi nito napigilan ang aking hibik.
Sa kanyang pagkakahawak na mahigpit, ay tila nagpapatiyak sa akin na hindi niya ako bibitawan, at ito'y nagbigay sa akin ng lubos na kapayapaan.
Mula sa madilim at malamig na silid na ito, at ang walang katapusan na kinatatakutan ko, hinila niya ako mula sa pagkabagbag.
Tila nakasumpong ako ng bisig ng Anghel na nagbigay ng kaginhawaan sa aking puso, at tinanggal ang lahat na maluwalhati na kalungkutan na nagdadala sa akin sa tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...