56. Parang Kanina Lang

176 29 0
                                    


Ang aking paligid ay nagbibigay ng kapayapaan,
nguni't hindi nito nadadaig ang bagbag sa aking kalooban.

Ako'y musmos sa mga kaganapan, sino ngayon ang magsasaysay sa akin upang aking maalaman?

Dumarating nga ba ang kapanahunan ng hindi nalalaman?

Kung paanong ang ibon ay nahuhuli sa bitag, gayon ang isda sa lambat?

Nguni't labis na nanlambot ang aking puso,
Ang kahirapan ay tuluyan na akong pinasuko.

Parang kanina lang ay nakangiti siya sa akin.

Parang kanina lang ay nakayakap siya sa akin,
Parang kanina lang nararandaman ko ang init ng kanyang yakap at halik.

Para akong nakalutang sa kadiliman, habang dinadaganan ng kakilabutan.

Bakit napasama mo sa akin kapalaran?

Ano bang nagawa kong mali para pagbuhatan mo ako ng ganyan?

Ang buhay ko ay nawalan ng kulay, gayon narin ng saysay.

Ako'y lipos ng kahirapan.

Niyayakap ako ng malamig na hangin sa madilim na aking kinalalagyan.
May kaunti pang liwanag sapagka't hindi pa ganoon kalubog ang araw nguni't ang mga mata ko'y kadiliman na ang nasisilayan.

Ang aking katawan ay nanglalata na mainam.

Ang aking katawan ay bugbog ng kapanglawan.

Ang aking puso ay parang yelong natutunaw.

Paano ko pa nanaising mabuhay kung sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko na siya makikita?

Paano ko pa nanaising mabuhay kung sa ilalim ng araw ay hindi na siya magiging kabahagi sa aking mga gawa?

Maaaring sisikat ang araw upang magbigay ng liwanag,
nguni't hindi nito mapapawi ang kadiliman na araw araw kong maaaninag.

May kabuluhan pa ba kung ako'y magpapatuloy ng aking buhay sa ilalim ng araw?

May araw ba na magbibigay sa akin ng saya kapag nakaramdam ako ng kalungkutan mula sa pagkawala niya?

Kapag dumating ang araw na kauhawan siya ng aking kaluluwa  may lugar ba na maaaring makapagturo sa kanya?

May lugar ba na makapagtuturo sa akin upang mapawi ang aking kalumbayan, kauhawan at pananabik sa kanya?

May araw bang makapagbabalik sa kanya,
at makapagbabangon ng kanyang buhay?

Paano ako magiging masaya at magagalak sa lahat ng araw sa ibabaw ng lupa kung siyang aking tanglaw ay nawala?

Mangangapa na lang ba ako sa kadiliman habang naghihintay ng aking takdang kamatayan upang makasunod sa kanya?

Sabihin mo sa akin, ano ang aking gagawin?

May dahilan pa ba upang magpatuloy?

Nais kong mahawakan ang kanyang kamay kahit na wala ng init.

Nais kong mayakap ang kanyang katawan kahit ito na'y malamig.

Nais kong mahagkan ang kanyang labi kahit na wala na maging ang hiningang bumubuhay sa kanyang bibig.

Ano na ang aking gagawin, sabihin mo sa akin!

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon