Mali nga bang ibigin kita, Crisostomo Ibarra?
Sapagka't sa lahat ng lalaki, namumukod tangi ka.
Ang iyong angking talino ay tunay na kakaiba, lakipan pa ng iyong pusong mapagmalasakit sa iba.
Napakaswerte ni Maria Clara sapagka't nakilala ka niya.
Sapagka't sa mundong puno ng Padre Salvi, nakatagpo siya ng Ibarra.
Na hindi sinamantala ang kahinaan niya, bagkus ay naging lakas pa.
Tunay na mahirap makatagpo ng isang Crisostomo Ibarra na hindi ka titingnang mababa sa kanya.
Na hindi gagamitin ang lakas niya upang saktan ka.
Na palaging ipaparamdam sa iyo na natatangi ka, at ikaw lang ang nag-iisang babaeng maaaring magmay-ari ng puso niya.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ang isang Maria Clara, na hinahangaan ng maraming binata, ay pinili lamang ang nag-iisang Crisostomo Ibarra.
Alam kong hindi ako si Maria Clara, ngunit sinisinta rin kita.
Napagtanto ko ito sa paglipat ng mga pahina.
Kung maaari nga lang mapigilan ng luha ang mga mangyayaring sakuna, ihihinto ko sa kabanata kung saan ka masaya.
Hangad ko ang tagumpay na ipinagkait sa iyo.
At kahit sinisinta kita, mas nais kong maging masaya ka kay Maria Clarang iniibig mo.
Ngunit wala akong kakayahan upang pigilan ang mga tagpo.
Hindi nakasalalay sa mga kamay ko ang magiging takbo.
Kaya kahit gustuhin ko, hindi ko ito mababago.
Ngunit hayaan mong buhayin kita kahit dito na lang sa puso ko, at hahayaan rin kitang gunitain si Maria Clarang iniibig mo, kahit sa loob ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...