35. Saan Dadalhin Ng Pag-iibigan?

272 37 0
                                    

Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak,
at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan.

Ganito kalakas ang pag-ibig, na magagawa niyang baguhin maging ang mga puso natin, na magtutulak sa panibagong hangarin.

Saan naroon ang daan patungo sa tahanan ng liwanag?

Ang totoo'y hindi ko rin alam kung saan kami dadalhin ng aming pag-iibigan.

Kung ang katapusan ba nito ay liwanag o kadiliman, ngunit isa lang ang tiyak, nasa dalawang iyon doon kami babagsak.

Ang aming pag-iibigan ay parang isang kalapati kasama ang mga uwak, hindi nararapat nguni't pinagpatuloy pa rin namin dahil naniniwala kami na ang pag-ibig ay sapat.

At dahil sa pag-ibig na ito, hindi ko hahayaang mapigilan ng daluyong ang aking nararamdaman, ni mabagabag man ng dagundong.

Tila tulad ng pagkakataon siyang dumating, ngunit nakatitiyak akong ang tadhana ang nagdala rito sa amin.

Hindi ko talaga alam kung saan kami dadalhin ng aming pag-iibigan, ngunit ang malaman na minamahal niya ako ay sapat na upang magbigay ng katiyakan at kapayapaan sa aking puso.

Sa paglimot, hindi mo ako matuturuan, sapagkat kahit ako, hindi ko rin napigilan.

Binigyan ako ng pakpak upang sa batong nakaharang, ako'y makalipad.

Ginagawa ng pag-ibig ang bawat naisin niyang gawin, kaya naman kahit ako ay hindi ko na rin pinigil. Kaya naman hahayaan ko nang ang pag-ibig na ito ang magdala sa amin saan man niya ibigin.

Ang tangi ko lang maipapangako ay iingatan ko siya gaya ng pag-ingat ko sa itim ng aking mata, at ikukubli ko siya sa lilim ng aking pakpak.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon