Sabi nila patay na patay ako sayo, ngunit ang hindi nila alam, kapag nakikita kita, buhay na buhay ako.
Pakiramdam ko nga ikaw na talaga ang kabiyak ng aking puso, sapagka't sa tuwing dumaraan ka, bumibilis ang pagtibok nito.
Nagsisimula na akong hindi ka gustuhin, sapagkat ang salitang "gusto" ay masyado nang mababaw para sa akin.
Gusto ko sanang sabihin sayo ang aking lihim na pagtingin, ngunit paano ko gagawin, kung haharap pa lang sayo natutulala na ako sa iyong bawat pagtingin?
Hindi naman mali ang timing, ang kaso nga lang mas mabilis pa ang aking kaba kaysa sa salitang nais kong iparating.
Para tuloy akong nasisiraan ng bait, habang nangangalumbabang nagsasalita na lang sa hangin.
Bakit ba kasi hindi ko magawang sabihin yung mga nais kong iparating?
Sana nga katulad na lang ng pagdadalang-tao ang lihim na pagtingin, na kahit di mo sabihin sa bandang huli ay mahahalata rin.
Ikaw lang talaga ang nais kong mahalin, ngunit para kang bituin. Akala mo lang malapit pero napakalayo sa akin.
Ang bilang ng buntong hininga ko ay parang buhangin, hindi maubos-ubos hangga't hindi ko napapalaya ang nagpupumiglas kong damdamin.
Sana nga pwede kong iparating na lang sa kanta yung nais kong sabihin, kaso nga lang baka hindi mo rin maramdaman kasi kahit yung kanta ayaw sa akin.
Ano nga ba ang aking gagawin? Ibubulong ko na lang ba sa hangin?
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...