58. John Tyndale Calvert: Sinisibulan Ng Pag-ibig

184 31 0
                                    

"Siya nga'y nasa harap ng aking mga mata habang ako'y tila sinisibulan ng pag-ibig."

'Sinisibulan Ng Pag-ibig'

Sa punto de vista ni John Tyndale Calvert sa kwentong pinamagatang Romancing The Soul.

Siya'y maganda na parang buwan
at maliwanag na parang araw.

Sa kanya, nakita ko ang pinakamaningning na bituin na isa sa mga nagpupuno sa gabi.

Hindi ko magawang ihiwalay ang aking mga mata, na animo'y napako nasa kanya.

Sapagka't ang kanyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto.

Ang kanyang bagsak at mahabang buhok ay kulay-del-carmen at malago.

Ang kanyang mga mata ay kahali-halina na gaya mamahaling unguento.

Ang kanyang labi ay gaya ng mapulang laso.

Siya'y tunay na katangi-tangi, at  kaibig-ibig.

Ang aking puso ay may kakaibang isinasaysay sa akin,
gayon rin ang aking kaluluwa na tila ngayon lamang nagayakan ng ganito. Para itong bagong alak na kalalagay lamang sa sariwang mga sisidlang balat.

Ako'y nanatiling nakangiti hanggang sa mapasuko ko na rin ang kanyang labi.

At napakatamis ng kanyang itinugon na pagngiti.

Bagaman walang mga salitang lumalabas sa aming mga labi,
nguni't ang aming mga mata ay tila nangungusap at nagsasabi.

Siya nga'y nasa harap ng aking mga mata habang ako'y tila sinisibulan ng pag-ibig.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon