Ikaw ang aking pag-ibig,
Sagot sa aking dalangin,
Ikaw ang liwanag na hinihintay sa masalimuot na dilim.Kasiyahan ang dulot ng iyong pagdating, kaginhawaan ang ikaw ay makapiling, kaya't kay Bathala ay wala na akong ibang mahihiling.
Salamat sa iyong paglalambing, ang iyong pagmamahal ay hindi matutumbasan, ni maihahambing.
Kapag kasama kita, ako'y panatag at tila nakakatulog ng mahimbing.
Hindi ko man lubusang maiparating ang aking damdamin, ngunit mahal kita katulad sa balong hindi masukat ang lalim.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...