66. Subukin Man Na Parang Ginto

221 27 0
                                    


Mga luhang tumutulo mula sa mga mata mo,
na sinasabing tumigil na ako't huminto.
Ngunit, paano ko gagawin ang bagay na ito, kung ikaw lamang ang nilalaman nitong puso?

Oo, nahihirapan ka, ngunit nahihirapan din naman ako. Ngunit hindi nangangahulugan na bibitawan ko na ang mga bagay na pinanghawakan ko sa iyo.

Pagsubok lamang ito, kaya huwag tayong padalos-dalos sa pagsuko. Mananatili lamang ba tayo sa isa't-isa dahil lamang masaya ang ibinibigay sa ating puso?

Manatili tayo sa isa't-isa, kabiguan man ang kapalarang ihain nito.

Ang mga pangako'y sinusubok ng langit,
Kung matibay ba ito, upang maalaman niya kung ang mga salitang ipinangako ng ating labi ay isinaysay lamang dahil masaya ang ating puso.

Kaya naman, hayaan mong patunayan ko sa iyo ang mga salitang binatawan ko, subukin man ito sa apoy na parang ginto.

Hindi ko isusuko ang pag-ibig ko, anuman ang walang saysay na sabihin mo. Pigilan man tayo ng mundo at pagkaisahan ng mga tao.

Nakahanda akong patunayan na walang luha, ni sakit man ang makahahadlang sa ating pag-iibigan.

Huwag mo akong kaawaan, sapagkat kahit gaano ka hirap ay aking titiisin. Mapatunayan ko lang sa iyo na tapat ang aking damdamin, gayon man ang aking pag-ibig.

Gibain man nila ang natatanging tulay nasa iyo patungo, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan upang muling makapatungo sa iyo.

Dungisan man nila ang aking dangal, maging ang aking pagkatao, at walang awang saktan, hindi pa rin nila mapapatigil ang aking pagmamahal.

Kaya huwag kang mabalisa, ni bigyan ako ng awa, sapagkat kahit saktan nila ako, makakasumpong pa rin ako ng kasiyahan sapagkat sa iyo ako papatungo.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon