28. Di Mo Lang Alam

302 50 0
                                    

Di mo lang alam kung gaano karaming luha ang ibinuhos kasabay ng ulan.
Di mo lang alam kung ilang patak ng luha ang nasa unan.

Di mo lang alam kung gaano kahirap impitin ang tinig ng sumisigaw na kahirapan.
Di mo lang alam kung ilang libong sakit ang pilit na itinatago sa simpleng pagngiti lang.

Parang artikong manggagalugad na nalalagay sa kagipitan habang nakatungtong sa natibag na yelo na unti-unting natutunaw.

Pagod na pagod na ang laman at naisin mang ipaalam, ngunit natatakot na baka makatanggap lang ng panunungayaw.

Nag-iisang lumalaban kahit na nahihirapan, mas mabuti na nga sigurong sarilihin na lang kaysa makatanggap ng pagmamalasakit ng mga taong wala naman talagang pakialam.

Diyos na lang ang sasabihan, makatitiyak pa na sa kanya hindi ka huhusgahan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon