Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso.
Mga titik ang aking naging pamantayan upang ito ay maitayo,
na may kalakip na mga karanasan, kalungkutan man o kasawian, pag-asa o tagumpay na nagpapatibay sa pundasyon.Mga pinagsama-samang inspirasyon na maaaring magbigay ng kaunting kulay sa iyong imahinasyon,
At magbigay ng munting gabay sa iyong pangarap na destinasyon.Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso,
Na maaaring humaplos sa iyong nalulumbay na puso.Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso na maaaring mag-iwan ng baga sa iyong ulo.
Upang matuklasan mo rin ang palaisipan ng iyong puso, at makagawa ka rin ng sarili mong mundo na maghahayag sa nilalaman ng iyong natatanging puso.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...