Sa mundong ito, hindi lang ikaw ang nahihirapan.
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran; may mga taong nakangiti ngunit, sa likod nito, may mabigat na pasan.
Nahihirapan din sila, ngunit mas pinili nilang lumaban.
Bahagi ng buhay ang kahirapan; ngunit, kung susuko ka, ay doon mo isuko sa Maylalang.
Maaaring wala ako sa iyong kinalalagyan, at iisipin mong hindi kita naiintindihan; ngunit, hindi nagbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi mo malalagpasan. Kaya naman, magtiwala ka lang.
Ang iyong karanasan ay gawin mong buhay na patunay para sa mga taong nawawalan na rin ng pag-asa at naghahanap ng tagumpay.
Mula sa kadilimang minsan mo na ring kinalagyan, nawa'y liwanag ang kanilang masumpungan.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...