29. Aliping Walang Kabuluhan

288 47 0
                                    

"Ikaw ang natatagong galak sa likod ng aking pag-iyak.
Sa kahinaan ko Ikaw ang nagsisilbing lakas.
Kaya salamat Panginoon sa mga sugat, dahil dito'y natagpuan ko na Ikaw ang lunas."

'Aliping Walang Kabuluhan'

Isa akong aliping walang kabuluhan,
hindi karapat-dapat sa Iyong kabanalan.
Ni ang sundan man ang Iyong lalakaran sa lupa man, himpapawid o karagatan.

Nais kong Ika'y paglingkuran ngunit kulang ang aking kakayahan.
Isang lang naman akong aliping walang kabuluhan.

Nais kong isigaw ang Iyong Banal na Pangalan,
Purihin ka sa harap ninuman,
sapagkat kahit ako'y nagkukulang, pinupunan Mo ito at tinutugunan.
Bakit napakabuti Mo sa aking makasalanan?
Pag-ibig Mo'y nanatili kailanman.

Higit Ka pa sa puno na aking sinisilungan,
Panyo na aking iniiyakan.
Muog sa magugulong kapanahunan.

Ikaw ang lagi kong takbuhan sa oras na kailangan,
upang mapanatag ang aking isipan at maramdaman ko na mayroong Ikaw nasa akin ay nagmamahal.

Ikaw ang natatagong galak sa likod ng aking pag-iyak.
Sa kahinaan ko Ikaw ang nagsisilbing lakas.
Kaya salamat Panginoon sa mga sugat, dahil dito'y natagpuan ko na Ikaw ang lunas.

Isa akong Aliping walang kabuluhan, ngunit patuloy Mo parin pinahahalagahan.
Aliping walang patutunguhan ngunit Sayo'y nakahanap ng kasiguraduhan.

Kulang pa ang mga salitang ginamit para ipakita ang Iyong kabutihan. Ni ang pagtaas ng aking tinig ay kulang para Ika'y papurihan, ngunit nais kong ilabas ang aking kagalakan, dahil mayroon akong Panginoon na'sa gitna ng aking pagkukulang nagagawa pa rin akong mahalin at pahalagahan.

Salamat dahil hindi Mo ako iniwan sa mga panahong nais ko nang lumisan. Sa panahong wala na akong kakayahan, binigyan Mo ako ng lakas para ito'y mapagtagumpayan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon