'Ang mga luha ay nagsasalita ng katotohanang ayaw nating makita,
Mga bulong ng pag-ibig na hindi maaring maging tadhana.'Sa Walang Hanggang Pag-ibig, Muli Tayong Magtatagpo.
Sa guhit ng kapalaran, ang ating pag-ibig ay tila naging isang panandaliang panaginip,
Laban na nauuwi sa walang kabuluhan, kalungkutan ang siyang naghahari.Dating mga masayang mata, ngayo'y lumuluha nang sagana,
Matatag na mga puso, sa pagsubok ay tuluyan ng ginupo.Isang kamalian ba ang mahalin ka nang buong puso?
Sa mapang-aping mundo, ang pag-ibig natin ay tila paglalakbay na walang masayang dulo.
Bakit ganito ang laro ng kapalaran? Tayo ba'y mga piyesa lamang?
Taon ng paghihintay, mga pangarap na nawawala na sa mga palad natin.
Ang tagumpay ng pag-ibig, tila mapait na wakas ang isinasalubong sa atin.Ang mga luha ay nagsasalita ng katotohanang ayaw nating makita,
Mga bulong ng pag-ibig na hindi maaring maging tadhana.Hawak ba ng kapalaran ang susi sa mga pusong nag-uugnay?
O ito ba'y isang mapanlinlang na biro, upang tayo'y mapaghiwalay?Lalaban ako kahit hindi pa itakda ng tadhana,
Ngunit ang hindi pagtitiis ang siyang kumitil sa ating diwa.Malamig na mga kamay, katawang walang buhay,
Ang kaluluwa'y tuluyan ng naglakbay.Bakit hindi mo ako hinintay, bakit ang bilis mong bumigay?
Ang kalungkutan ay umaagos, sa malalim at malawak na ilog,
Ang pangarap ng pag-ibig, nabasag sa paglubog.Ngunit sa susunod na buhay, kung sakaling pahintulutan,
Sa iyong mga bisig, muli kong kakatagpuin ang aking mga pangako.Walang luha, walang sakit,
Sa walang hanggang pag-ibig, muli tayong magtatagpo.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...